At the Kapihan sa Senado forum, Sen. Lacson answers questions on:
– the Marawi crisis
– the relocation of the Senate
– no plan to investigate incident at Resorts World Manila
– bill to remove conflict of interest at PAGCOR
– case vs Marvin Marcos and co. over Mayor Espinosa killing
– National ID system
Quotes from the interview…
On how groups like the MNLF and NPA can help address the Marawi situation:
“Intelligence information. Alam nila ang lugar. Kung meron silang pwersa roon mag-provide na lang sila ng intel information nang sa ganoon ay makatulong sa ating armed forces. Pero yung lantarang lalaban, di yun kailangan payagan sa ilalim ng ating Saligang Batas at sa ilalim ng ating umiiral na batas.”
On the Senate’s relocation:
“Ang tinitingnan natin vine-vet natin ngayon ano ba mas practical.”
“After one more hearing I’m ready to report out the committee report sa floor para mapagusapan ng mga senador.”
“Kinukuha namin ang input ng Senate employees kasi kasama yan, kailangan namin input nila. But ang magde-decide ang senado kung mag-transfer.”
“It’s about time we should transfer. Kasi pag nagiimbita kami ng parliamentarians from other countries nakakahiya rin tapos maamoy ang kubeta natin dito. Tapos pag may nagbibisita roon nagpi-picture taking kami halimbawa sa Diet sa Japan at Taiwan parliament, talagang nakakabawas ng dignity na parang imbitahin ba natin ito sa Senate? Di naman sa nakakahiya pero tayo lang yata ang Senado na
umuupa. Dapat may sariling building. Pagka natuloy huwag nyo banatan kasi kung di matuloy-tuloy may kumokontra, na magastos. Hayaan nyo na lang.”
On the National ID system:
“It’s about time. Kasi tayo na lang yata ang bansa na walang national ID. Ano ba kinatatakot natin sa national ID e may mga ID naman talaga tayo? Napaka-inconvenient. Pupunta ka sa bangko hahanapan ka ng 2 nd ID, e kung 1 lang govt ID natin di ba napakainam na maski sa immigration kung may kapangalan, iba naman ang middle initial, hino-hold ka kasi may kaso ang kapangalan mo, ang daming ganyang insidente. Whereas kung meron tayong singular national ID, napaka-convenient para sa
ating lahat, di tayo mapeperwisyo kung naharang sa checkpoint kita ID mo alam na authentic ang govt ID napakaraming pwede. Pati pag-apply ng clearances.”
“Nagtataka lang ako ang kumokontra rito maraming aliases ang maraming pangalan na ginagamit dahil lumalabag sa batas.”
*****