Sa panayam sa DWIZ, sinagot ni Sen. Lacson ang tanong sa:
– P6.4B droga mula Tsina
– Kung pwede gawing krimen ang ‘consignee for hire’
– Open secret sa BOC
– Litmus test ng katiwalian sa BOC
Quotes from the interview…
Tungkol sa pagpasok ng P6.4-B droga mula Tsina:
“Ang dapat malaman natin sino ba ang naglakad ng kanyang accreditation para sa green lane? Pangalawa, sino ang contact ng tagalakad niya sa loob ng BOC, talagang kailangan malaman natin yan. Kasi ito ang buong sindikato, sino ang tumulong sa EMT.”
Kung pwedeng gawing krimen ang ‘consignee for hire’:
“Yan ang pwedeng gawing legislation.”
Ang ‘open secret’ sa BOC:
“Alam natin ang 3 o’clock habit, Friday. Kaya sa kwenta kasi marami tayong nakakausap na broker sa kwentuhan. Ang range ng gastos nila para sa tara, sa payola, parte-parte, nag-a-average sila ng P27-30k per container per day. Pag kinwenta natin, lagyan natin sa low end, P27k per container per day. Narinig ko si Commissioner Faeldon ang average number of containers per day na pumapasok 10,000. So P27k times 10k, that’s P270M per day. Payola ito. Tara lang yan. Pag multiply mo ng 365, easily that’s P98.55B. So kung P98.55B a year, payola lang ito.”
“…Payola pa lang kinukwenta natin. So 98.55B sa isang taon, ang budget deficit natin for this year so far P147B. So 2 taon pa lang, wiped out na ang budget deficit. E napupunta ito sa bulsa, di naman sa gobyerno.”
Litmus test ng katiwalian sa BOC:
“Ang unang tinatanong ko, nabuwag na ba ang Friday 3 o’clock habit? Pag sagot niya ngisi lang, walang pag-asa mareporma. Maski sino sinasabi irereporma ang BOC. Hanggang di nawawala ang 3 o’clock habit Friday afternoon, walang reporma. Kasi doon ang partehan. Di ka makakagawa ng appointment sa any BOC employee or official ng Friday ng 3 p.m. kasi lahat sila nagiipon-ipon, nagpapartehan.”
“Pag may 3 o’clock habit e di may partehan. Ibig sabihin institutionalized ang corruption. Yan ang masama roon.”
*****