Sa panayam sa DZBB, sinagot ni Sen. Lacson ang tanong sa:
– Ang dapat gawin ng PNP matapos ang sunod-sunod na operasyon kontra droga
– Kung state-sponsored ba ang pagpatay sa operasyon kontra droga
– Payo sa ilang matataas na opisyal na kasama sa mga operasyon kontra iligal na droga
– Ang ‘tara’ sa BOC
Quotes from the interview…
Kung ano ang dapat gawin ng PNP matapos ang sunod-sunod na operasyon kontra droga:
“I think it’s time bumalik sila sa drawing board at mag-reassess uli. Maski isang buwan pa lang halos ng renewed operations against illegal drugs, dapat siguro magkaroon maski di kasama ang pangulo, maski ang PNP leadership, bumalik muna sila at mag-review uli tayo, bakit ganito ka-blatant ang nangyari sa Caloocan? Ito ba bahagi ng pressure na nararamdaman ng ating kapulisan sa ground ang mga policemen on the ground kung bakit nagkakaroo ng ganito?”
“Napakalaking setback nito at ang mahirap nito ang totoong malaking drug pushers sasamantalahin nila dahil sa spot na naman ang PNP baka mag-lie low, sila na naman ang mamamayagpag. Yan ang delikado.”
Sa tanong na state-sponsored ba ang pagpatay sa operasyon kontra droga:
“Dapat masusi at foolproof ang ebidensyang makita namin para bago mag-conclude ang Senado na ito ay state-sponsored.”
Payo sa ilang matataas na opisyal na kasama sa mga operasyon kontra iligal na droga:
“Friendly and brotherly reminder. Isipin nyo ang pamilya ninyo. Kasi ang integridad ng tao at character ng tao hindi lang habang nagseserbisyo ka lang. Mas importante pa ang character pagka retire mo dahil forever hanggang mamatay dalahin mo character mo.”
Sa ‘tara’ sa BOC:
“Pati mga amounting sinabi ni (Mark) Taguba na P27,000 di lang ganoon ang lumalabas na halaga … Iba ang tara sa 40-footer, iba ang tara sa 20-footer.”
“Ang problema lumulusot ang drugs kasi nakita ng mga importer ng drugs na napakadali. Mag-tara ka lang sa kalakaran maski ano pwede ilagay doon. At yan dapat bigyan ng pansin. Ang BOC nabulag sila dahil sa laki ng tara, halos lahat ng opisina halos wala nang exception at na-expand ang listahan di lang sa Aduana. Pati ang mga ports sa ibang lugar sa ibang rehyon kasama sa listahan ng tara.”
*****