Lacson sa Ex-BOC Chief: Walang Technical Smuggling ng Semento; Attempted Tara, Meron?

Sa halip na smuggling, maaring tangkang pangongotong o tara ang pakay ng nagbitiw na si dating Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon sa akusasyon nito kay Senador Panfilo Lacson.

Lumalabas kasi sa pag-aaral at mga dokumentong nakalap ng tanggapan ng mambabatas na ang mga argumento ni Faeldon tungkol sa akusasyon nito na umano’y technical smuggling ng semento ay taliwas sa mga umiiral na panuntunan.

Related: Smuggling, or technical kotong?

Sa mga kasunduan sa taripa na nilagdaan ng Pilipinas at mga bansang pinag-aangkatan nito ng mga kalakal, malinaw ang naging panuntunan tungkol sa semento.

Kabilang sa mga kasunduang ito ay ang ASEAN Free Trade Agreement (AFTA) at maging ang ASEAN-China Free Trade Area (ACFTA) na kabilang sa mga pangunahing nagsusuplay ng semento sa Pilipinas.

“Is there such a thing as smuggling of cement between ASEAN countries? None, because there is zero tariff for cement under the Association of Southeast Asian Nations Free Trade Area (AFTA), and even the ASEAN-China Free Trade Area (ACFTA),” nagtatakang pahayag ni Lacson.

Bukod dito, malinaw ring nakasaad sa Tariff Commission na base umano sa ACFTA, may mga inangkat na sementong walang nakapataw na taripa o zero tariff katulad lamang ng Portland cement, batay sa kasunduang nilagdaan ng sampung bansa ng ASEAN, kabilang na ang Pilipinas.

“What will you undervalue if there is zero tariff?” tanong pa ni Lacson.

“When Faeldon claimed there was undervaluation in tariff, he was clearly lying as he has no basis, or, he was completely ignorant of the Tariff and Customs Code of the Philippines (TCCP),” dagdag pa ni Lacson.

Maging ang freight cost na binabanggit ni Faeldon ay wala rin umano sa hulog dahil ito ay kasunduan sa pagitan lamang ng biyahedor ng kalakal at may-ari ng barko na pagkakargahan ng mga ito.

Hindi umano niya maintindihan ang mga pinagsasasabing ito ni Faeldon lalo na sa puntong nagbabanggit ito ng halaga ng taripa sa kalakal na hindi naman kasama sa pinapatawan ng nabanggit na buwis na puwede umanong isang uri ng pangongotong.

“Again, it shows his ignorance of existing Customs laws,” naiiling pang pahayag ni Lacson.

“He’s diverting from the issue. The issue is, is there corruption in the BOC? That question should be answered,” banggit pa ng mambabatas kasabay ng pagsasabing sobrang naging tahimik na si Faeldon sa isyu ng P6.4 bilyon na halaga ng shabu na nakalusot sa kanyang tanggapan.

*****