In an interview on DZBB, Sen. Lacson answered questions on:
– the Sept 25 hearing on the fatal hazing of Horacio Castillo III
– what Mark Taguba may reveal at the Blue Ribbon Committee hearing on corruption at the Bureau of Customs
– cashless society to eliminate corruption
– wiretapping of suspected drug personalities
Quotes from the interview…
On who will be invited to the hearing:
“Ang school authorities, sa fraternities, yung MPD tapos sinabihan ko si Chief Supt. Coronel escort niya si John Paul Solano. At ang pamilya ni Atio inimbita rin namin kung gusto nila pumunta para makilahok sa pagdinig. At ang iba dahil di lang sa pangyayari kay Atio ang tatalakayin kundi pati ang bills na pending sa committee. Di ba ang inquiry in aid of legislation i-take up ang pending bills, kina Senators Sotto and Gatchalian. May mga bills na naka-refer at ang objective is how to strengthen ang current law ngayon sa anti-hazing.”
On what measures will be considered:
“Bukas lalabas lahat na mga proposal kung paano mapapalakas ang anti-hazing law. May mga extreme measure ang iba. Naririnig ko sinabi i-ban ang fraternity sa iskwelahan. Ang tanong doon, baka sa halip na fraternity, sabihing organization. Saan pupunta ang ngipin din ng batas? Ang iba naman parang i-sanction ang iskwelahan kung saan nangyari ang initiation na may nasaktan o namatay. Ang extreme situation kung may namatay anong sanction ang pwede impose sa iskwelahan mismo. May nagsuggest isara ang iskwelahan pero paano ang libong estudyante sa iskwelahan na di member ng frat? So sanction I would like to think is a proper and appropriate measure para mapalakas ang batas para magingat ang school authority gawing i-supervise nilang mabuti. May proposal i-expand pag may namatay na victim ng hazing di lang direct participants kundi pwede cover lahat na officials ng frat. Maraming mga gusto i-propose para mapalakas ang batas. Papakinggan natin ito at consider natin paggawa ng committee report para pagbasehan sa plenaryo.”
On the shredding of evidence of corruption by former BOC officials:
“(B)ago umalis si Faeldon sa Customs nagshe-shred sila ng dokumento sa opisina niya. May informant tayo sa opisina niya mismo. Nag-shred sila akala naman niya lahat kaya niya i-shred. Sa dami ng ginawa niya di lahat pwede sirain ang ebidensya. Meron at meron na lulusot.”
On the hubris of some corrupt BOC officials receiving payoffs via checks:
“Ganoon na ang tinatawag na hubris, talagang sobrang akala invincible na, maski tseke tinatanggap na. Alam mo ang katakawan minsan nakakalimutan mo na, di ka na naging maingat dahil sa katakawan kung tseke available sige na maski tseke.”
On a cashless society to combat corruption:
“Ako may suggestion ako para ma-eliminate ang corruption, gawin nating cashless society itong ating bansa. Tingnan ko kung magkaroon pa ng corruption. Ang cashless society ang itira mo P20 and P50 bill, i-demonetize the rest P100 hanggang P1000. Pag di mabawasan ang corruption, lahat digitized na halimbawa sa BOC, online na.”
*****