🎥 On testimonies of witnesses in recent killings, Anti-Wiretapping Law | Oct. 2, 2017

In an interview, Sen. Lacson answered questions on:
– Testimonies of witnesses in recent killings
– Anti-Wiretapping Law

Quotes from the interview…

Initial assessment of 2 new witnesses in killings:
“Nagkokontrahan. Kasi ang isa nagpunta sa office pero hindi na bumalik, nagpunta sa PAO. Ang tanong, magkaiba ang oras pero pareho ang nakita nila. Okay na ang parehong poste sila di sila nagkita. Pero dapat talaga, tingnan din mabuti ng DOJ, ng prosecutor, kung sino talaga ang mas credible sa 2, di ba? I think kailangan mag-reenactment sila kasi kung walang reenactment mahihirapan. Dapat talaga tingnan ang relative positions nila ng sinasabi nilang na-witness nilang pangyayari.
“Kung parehong kwento pero magkaiba ang oras, magkaiba ang ibang detalye, makakaapekto sa prosecution yan. Lalo pati ang findings ng SOCO at PAO tungkol sa entry and exit wounds nagkakaiba. Pati DNA analysis may conflict sa pagka-identify ng mga magulang. Ito ang dapat tingnan ng prosecutor pagdating sa korte. Kasi almost sigurado naman na magkakaroon ng finding of probable cause at mafa-file ang information. Ang tanong, mapa-pass ba ang test ng guilt beyond reasonable doubt? Remember magkakaiba ang probable cause sa guilt beyond reasonable doubt.”

On whether anti-wiretap act will cover texting:
“Hindi pa kasi na-amend ang Anti-Wiretapping Act. Kaya nga ine-expand natin ang scope and coverage para masakop hindi lang present technology kundi ang darating pang technology, sinakop na sa bill. Ang problema walang counterpart sa HOR at dito naka-pending sa interpellation.”

*****