🎥 On pork in the 2018 budget, reported ouster plots, and impeachment | Oct. 5, 2017

In an interview, Sen. Lacson answered questions on:
– Pork in the 2018 budget
– Reported ouster plots
– Impeachment

Quotes from the interview…

On whether there is pork in the 2018 budget:
“Hindi pork-less. Ang budget natin is never pork-less. Even in 2018, meron pa ring pork yan.”
“Ang pork kasi sinasabi nila pag post-enactment and pre-enactment. Meaning kung naipasok sa NEP hindi ito parang wala pang na-identify na project binibigay ang  allocation sa mga congressmen. Yan ang dating practice. Ngayon sa NEP pa lang, nagka-coordinate na, department nakausap nila. But then that’s still a violation of the SC ruling. Ang SC ruling sabi kailangan dadaan ito sa local development council na wala naman pakikipagugnayan ang mga kongresista sa LDC na member naman sila na pwede sila mag-participate. Ang sinasabi ko point out ko strengthen ang LGC nang sa ganoon pagplano pa lang sa countryside pwede naman sumama ang congressmen sa planning nang sa ganoon pag umakyat sa NEP sa budget, napag-aralan talaga ang needs, priorities sa countryside. Ang nangyayari kasi pagdating dito sa amin sa Congress, doon pa lang ang bibigyan ng appropriation, doon pa lang sila either maghahanap or naka-insert na sa NEP. Yung iba sa GAB doon nila insert at nilalagay.”

On alleged ouster plots:
“We don’t know where he is coming from. Di natin alam sources niya. Pag nagsalita ang pangulo it’s a policy statement at may pinanggagalingan. So ayaw naman natin ihusga na walang pinagbabasehan ang sinabi niya kasi sinabi niya. But as far as I’m concerned, with my dealings with the PNP and AFP, walang ganoong na-monitor na destabilization.”

On impeachment of Ombudsman Morales, CJ Sereno:
“Impeachment kasi may process yan. Kailangan may complainant tapos ma-impeach sa House. Diyan magta-trial sa amin whether to convict or to acquit. So may proseso. Except for CJ Sereno na ongoing ang hearings sa justice committee, wala naman kay OMB Morales, walang naka-lodge.”

*****