πŸŽ₯ To unburden taxpayers: Sen. Lacson pushes removing exemptions from VAT | Nov. 22, 2017

Sen. Lacson pushes for lowering the VAT rate to 10% and for removing many of the 143 exemptions to VAT.

Quotes from the interview…

Proposed individual amendment to the TRAIN:
“Among my proposed individual amendments is to reduce the VAT rate from 12% to 10%. Ang economy natin gumaganda dahil ang GDP growth sa 6.9% most recent. But here’s the catch. Even if I will propose to reduce the VAT rate from 12 to 10 tataas ang incremental revenue. Ang mage-generate nasa mga P117B mahigit. Why? Because among ASEAN member states ang PH pinakamataas ang VAT. Ang Thailand 7% lang. But then swarmed tayo ng exemptions at earmarking. Tayo pinakamarami rin. Ang total number of exemptions natin nasa 143. So ang gagawin ko ili-lift ko exemptions. Kasi ang tagal na nila nakikinabang, ang iba since 1992 pinakikinabangan ang pagiging exempt nila.”
“It’s about time they should give back to the Filipino taxpayers. So mababawasan ang babayaran natin 10% ang VAT rate na babayaran yet incremental revenue mas tataas pa. ang ma-generate sa amendments ko P117B.”

On removing VAT exemptions:
“Ang matatanggal doon 78, ang maiiwan na exemptions mga 65. Mataas pa rin, ang susunod sa ating exemption 35 lang. Tayo napakarami eh. Why? Kanya-kanya kasi, mga congressmen, senators, may advocacies. Ang iba gusto paboran ang housing, cooperatives, kanya-kanya. So makaraan so many special laws passed, dumami ng dumami ang exemptions. Ang nag-suffer, ang VAT, ang nag-suffer in the long run, tayo. Kasi ang tagal na natin, 2006 pa yang nagbabayad tayo ng 12%.”
“Marami matatanggal. Ang maiiwan, mare-retain ang exemption, raw food, agriculture, health and education.”

*****