Lacson Committee: Reclusion Perpetua, P3M Danyos sa mga Sangkot sa Hazing

Reclusion perpetua at tumataginting na P3 milyon na danyos ang rekomendasyon ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs sa mga masasangkot sa pagkamatay ng isang indibiduwal dahil sa hazing.

Ang mga nabanggit na rekomendasyon ay personal na isiniwalat ni Senador Panfilo Lacson, chairman ng naturang komite, matapos ang mga pagdinig na bunga ng pagkamatay ng hazing victim na si Horacio Castillo III mula sa University of Santo Tomas (UST).

Sa committee report ni Lacson, ipinaliwanag nitong humantong sila sa mga nabanggit na rekomendasyon matapos ang matagal at malalim na obserbasyon sa galaw ng mga indibiduwal at organisasyon na nabanggit sa naturang krimen.

Related:
Lacson committee pushes reclusion perpetua, hefty penalties vs hazing deaths

View Fullscreen

Base kasi sa mga datos at dokumento na nakalap ng komite, seryosong nagtangka ang ilang kasapi at opisyal ng Aegis Juris Fraternity na inaaaplayan ni Castillo, na itago ang pagkamatay nito sa mga magulang ng biktima.

Ito ay sa kabila ng katotohanang alalang-alala na umano ang mga magulang ng biktima sa paghahanap sa nawalala nilang anak pero nanahimik lamang ang grupo gayung alam na nila ang nangyari kay Castillo.

Sa halip na ipaalam sa mga magulang ng biktima ang nangyari, sinabayan pa umano ng pagpupulong ng mga opisyal at miyembro ng Aegis Juris para pag-usapan kung paano matatakasan ang responsibilidad sa nangyari sa biktima.

β€œHazing needs to stop now. Awareness must be raised as to the fact that there is no unity, no brotherhood, no strength, no honor, no dignity and no respect in hazing. Hazing is merely violence and abuse,” mariing banggit ni LacsonΒ sa kanyang sponsorship speech.

Bukod sa mga nabanggit na mabibigat na kaparusahan, inirekomenda rin ng komite ni Lacson na tanggalin na bilang dean ng UST Law at i-disbar si Atty. Nilo Divina, sampu ng mga abogadong nagpulong para takasan ang pananagutan sa biktima, base sa Facebook chat na napasakamay ng Senado.

Hindi rin napigilan ng mambabatas na punahin ang pananahimik ng pamunuan ng UST sa naturang krimen mula nang ito ay mangyari hanggang sa matapos at basahin ang naging resulta ng imbestigasyon ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

*****