πŸ“» Interview on DZMM | Jan. 29, 2018 πŸ‡΅πŸ‡­

In an interview on DZMM, Sen. Lacson answered questions on:
– On new corruption modus at the Bureau of Customs
– Gambling lords lording it at PCSO
– Swiss challenge for major infrastructure projects

Related:Β PCSO’s problems with illegal gambling operators

Quotes from the interview…Β 

On new modus of corruption at the BOC:
“Ang feedback na dumarating, naiba ang modus. Doon naman tumitira sa demorahe. So doon naman sila naglalagay. Pag na-delay ang shipment ang pag-release napipilitan sila mag-shell out ng kung anong amount hinihingi sa kanila para ma-facilitate ang dokumentong lumakad para ma-release ang shipment nila. Ito ang ngayon na parang madalas na reklamo o common complaint na natatanggap ng opisina.”
“Umiiyak ang mga importer. Di na sila may regular na tara na parang lagay na pero pagka shipment nila kumpleto ang papeles pero ayaw release di lumalakad ang papel doon sila hihingan para di sila tamaan ng katakot-takot na demorahe, nagbibigay na rin sila.”
“Talagang totoo yan nabubukulan siya (Commissioner Lapena) kung assuming di niya alam, ang isang siguradong nangyayari nabubukulan siya kasi may gumagalaw sa loob sa pamamaraang dine-delay ang pag-release ng shipment maski kumpleto ang dokumento para mag-shell out ng halaga ang mga importer na kausap nila.”

On Commissioner Lapena’s removal of green lane:
“Okay lang yan, parang nag-experiment siya baka ma-check ang kalakaran na wala nang x-ray wala nang inspection naglalagay na lang tuloy-tuloy ang shipment palabas. Para sa akin maganda rin na hakbang yan pasimula pero hindi naman pwedeng forever ganoon gagawin talagang made-delay ang pag-release ng shipment, napakarami nga eh. We’re talking of 10,000 containers a day.”

On gambling lords using STL as fronts:
“Yan ang pagtuunan namin ng pansin sa susunod na pagdinig para ma-establish talaga na ginagamit na front o dummy ng mga gambling lord. Ok alam mo wala akong problema kung gusto mag-legal ang jueteng operators of the old mula’t sapul alam natin sila nasa jueteng. Okay na rin yan. Ang problema di tumitigil ang pag-guerrilla nila so niloloko nila ang gobyerno.”
On whether there may be collusion among corrupt PCSO personnel and gambling lords:
“We intend to find out. Di dapat pigilan para malaman. Get to the bottom para malaman kung may kuntsabahan.”

On Swiss challenge for big ticket projects:
“Tulad ng sinabi mo he (President Duterte) may have a point dahil tayo nakikita natin pangkaraniwang mamamayan parang pangkaraniwan natin nakikita ang deterioration ng mga infrastructure projects. Kasi ang mga supplies na binibigay ng mga nanalong supplier sa bidding, karamihan substandard. Hindi halos nagagalit ang mga Pilipino pag nakakakita ng lubak-lubak, kagagawa pa lang, buwan pa binibilang, ito na naman repair na naman dahil substandard.”
“Mainam na rin ang pinupunto ng pangulo na i-try ang Swiss challenge, lalo at ang lalaki ng BuildBuildBuild program ng pamahalaan. Kung dadaan sa pangkaraniwang bidding, alam naman natin na bukod sa napakatagal ng proseso e nag-uusap-usap din lang ang contractors. Ikaw muna manalo ngayon sa susunod kayo naman at nagbibilihan ng mga bids. Alam naman natin yan kaya halos walang competition din kaya pwede sila mag-substandard. So ang laki ng natatapon.”
“At the outset dapat i-consider ang legalities nito sa ilalim ng Government Procurement Act, mas okay ang sina-suggest ng pangulo na mag-Swiss challenge para umangat ang kalidad at mapabilis ang proseso.”

*****