In an interview on DZRH, Sen. Lacson answered questions on the National ID system, including:
– specific information included in the ID
– security and privacy of the ID system
– readiness of other agencies to use the system
Related: Senate approves National ID bill on 3rd and final reading
Quotes from the interview…
On the content to be included in the National ID system:
“Mga simpleng information tulad ng pangalan, ang full name; date of birth, sex, place of birth, address. Yun lang. And mobile number and email address, optional. Yun lang mga basic na information.”
“Madagdag ang biometric information tulad ng fingerprint, tapos facial image and iris scan. At kung ano ang identifiable marks. Importante ang biometric information kasi pagka offline ang verification, may 2D barcode na pwede i-match sa fingerprint ng tao.”
On those who will use the information in the ID system for illegal purposes:
“Kaparusahan yan, may penalty doon. At isa lang ang ahensyang pwede maging repository at mangangalaga ng lahat na nilalaman ng ating PhilID or kaya ang serial number. Yan ay ang PSA. So nasa kanila ang responsibility at accountability, wala nang iba. Di nila pwede i-share ito maski kanino man dahil ito may karampatang parusa kung ito disclose nila.”
Only 4 conditions where information may be disclosed:
“Apat na condition lang ang pupuwede para ma-disclose nila. Kung may permiso mismo ang tao; kung may compelling reason, health or public safety; pag may order ang competent court; at pag may request mismo ang tao na i-disclose ang information sa kanyang identification.”
On establishing a foundational ID:
“Ngayon, sa 33 lahat ang ating ID, functional ID. Itong ating panukala, foundational. Meaning ito nagke-create ng general public administration and identification para maging basis ng legal and valid identity ng bawa’t bawa’t Pilipino at maging mga resident alien na 60 days narito. Kailangan sila magparehistro.”
On the convenience of having a National ID:
“Ang gagawin ng bangko mag-authenticate siya sa PSA. Agad-agad sasabihin ng PSA kasi naka-online naman ito, yan na nga ang tao mismo. Halimbawa nag-present ng serial number, nakalimutan ang ID. Agad-agad ma-verify ito at magkaroon ng authentication or validation from the PSA. So convenient ito dahil hindi na hahanapan ng bangko ang tao ng 2 government ID. Ganoon din pag nag-transact ng business with SSS, GSIS o kukuha ng license sa LTO. Hindi mo kailangan magbigay ng katakot-takot na ID kundi serial number na naka-assign. Kasi unique ang serial number, nag-iisa ito at maski mamatay na ang tao di na pwede gamitin ang kanyang serial number o PSN.”
“Kapag binigay ito sa LTO sa sa pag-apply ng lisensya at ang LTO online naman at makapag-authenticate sa PSA, agad masasabi niyang yan ang taong nag-a-apply for driver’s license.”
“Alam mo in this day and age of computer technology napakadaling magberipika eh. Kaya convenience ang hinahanap natin dito. Di lang sa aspeto ng security at aspect ng seguridad kundi lalo na sa serbisyo ng gobyerno nang sa ganoon hindi na mahirapan ang ating kababayan.”
Why you may still need to bring your driver’s license or PTCFOR:
“Pero kung magda-drive ka kailangan dala mo driver’s license mo. At kung dadalhin mo baril mo kailangan dala mo ang PTCFOR. Kung ikaw ay mag-loan sa SSS dadalhin mo ano mo pero kung nakalimutan mo pwede mo pakita serial number mo check ng SSS sa PSA.”
“Kaya lang madaling ma-check kung talagang possessor ka ng driver’s license. (K)asi magda-drive ka kailangan dala mo driver’s license mo. Pero di ka maabala masyado. Kasi kung di mo dala driver’s license at magpapahirapan pa magberipika kung sino ka talaga. Kasi 2 questions ang anticipate ko. Who are you and are you who you claim to be. Sino ka ba at ikaw ba talaga yan. Ganoon lang ina-address dito. Wala nang maraming ibang tanong.”
“Pero sa umpisa siyempre nariyan pa ang functional ID kasi it will take 5 years bago makumpleto ang pagrehistro. Kasi 104,921,400 tayo lahat-lahat. Yan ang irerehistro. At ang aim nito ma-achieve ang universal coverage meaning i-maximize. Katunayan ang maski walang birth certificate pwede bigyan ng numero ng PSA para talagang, kaya di natin ginagawang restrictive at prohibitive ang requirements para ma-capture agad-agad ang karamihan o lahat ng Pilipino nang sa ganoon di tayo mahirapan sa pag-transact ng business saan man.”
*****