#PingSays: On irregularities surrounding the withholding of PNP-SAF personnel’s allowances | May 22, 2018

In an interview, Sen. Lacson answers questions on possible irregularities involving the withheld allowances for PNP-SAF personnel.

Related: Senate Hearing on the Withholding of SAF Personnel’s Allowances

Quotes from the interview… 

On possible irregularities involving the withholding of SAF personnel’s allowances:
“Ang analogy is like the Argosino-Robles case na galing sa ‘personal’ funds, meaning kinita na rin nila. So whether or not nanggaling sa ASA rin, or from other sources, basta the fact remains na sinauli nila. So I don’t know kung pagdating sa Ombudsman, kung magiging defense yan or that would put them down.”

On some officers keeping the funds for a long period of time:
“Ang tagal. Kaya I kept asking. February 2016 hanggang sabihin na natin November 2016 magkano yan for 4,000 personnel at P900 each per month? Tapos nagsimula pa ng August to December 2017. Bakit mo ire-reimburse lang, parang reimbursement nga, in May 2018? Kung natanggap mo ito say second quarter of 2016 bakit di mo agad pinamigay? So would that establish intent to misappropriate?”
“Lumalabas ganoon kasi nariyan na, na-release na ng PNP national HQ naibigay sa SAF. Maski may delay halimbawa pang 3 or even 6 months dapat ang bigay na yan basta na-release sa iyo, ibigay mo sa mga tao.”
“Kung walang threat na magfa-file sa Ombudsman, would they even think of returning or distributing? Mukhang hindi. Nagkaroon ng threat kaya nagkaroon ng 2 meetings.”

On the liquidating instruments used:
“Ang documents na pinadala sa amin lumalabas ang ginagawang liquidating instruments, pati ang fellowship, pati ang training, meron pang binabawas dahil may namatay na SAF. May mga ganoon.”
“Kung nag-voluntary contribution ang SAF dapat galing sa bulsa na nila. Nabigay sa tao tapos ang tao bahala mag-dole out kung gusto nila tumulong sa pamilya ng namatay nilang kasama. Pero ang parang papipirmahin na lang, at may information na hindi nila pirma talaga ang naroon sa listahan na nag-contribute ng kanilang ASA. So maraming issues na dapat i-resolve.”

On the P37 million:
“Yan ang di maipaliwanag. Pinipilit natin tanungin saan galing ang P37M? Parang afterthought talaga yan. At parang it was forced on them na ilabas nila. And kung nailabas nila, ano talaga ang source ng P37M? Ang nagsauli noon si Dizon pero ang alam kong pinanggalingan noon P10M kay Dizon, P27M kay Lusad. Yan ang dapat itanong sa kanya.”

*****