Lacson: Pagsasanay sa mga baguhang pulis ipapaubaya na sa PNP

Ganap nang umusad sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang panukalang masawata ang mga pang-aabuso at kriminalidad na kadalasan ay kinasasangkutan ng mga bagitong miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Sa darating na linggo kasi ay nakatakda nang i-sponsor ni Senador Panfilo M. Lacson sa plenaryo ang Senate Bill 1898 na naglalayong ipaubaya na lamang sa PNP ang pagsasanay at pagtuturo laban sa kriminalidad ng mga baguhang tauhan ng ahensiya.

“In past months, we have seen how police officers, many of them non-commissioned ones with the ranks of PO1 and PO2, had been involved in heinous crimes. It’s about time we revisit the law to make the PNP the premier educational and training institution for our policemen and policewomen,” paliwanag ni Lacson tungkol sa naturang panukala.

Related: Lacson Pushes Transfer of Police Recruits’ Training to PNP

Pangunahing nilalaman ng Senate Bill 1898 ay ang probisyon na isailalim na sa pangangasiwa ng PNP ang Philippine National Police Academy (PNPA) at ang National Police Training Institute (NPTI).

Ang PNPA ang nagsasanay sa mga commissioned officers habang sa NPTI naman sumasailalim ang mga baguhang non-commissioned officers.

Binabanggit din sa na panukala na ang PNPA, na isasailaim na ng pangangasiwa ng PNP Chief, ang magiging pangunahing tagapagsanay sa mga pagko-commission sa mga may ranggong Police Inspectors at ang NPTI na ang bahala sa may mga mas mababang ranggo kabilang ng PO2 at PO1.

“To pinpoint responsibility and accountability in the recruitment and training of police officers, the responsibility of training new recruits should go to the PNP,” banggit pa ni Lacson.

Sa mga pagdinig kasi na idinaos ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs na pinamumunan ni Lacson, karaniwan na lamang na may mga sangkot na pulis na baguhan pa lamang sa serbisyo sa mga kriminalidad na gaya ng bribery, extortion, kidnapping, illegal drugs, at pagtatanim ng ebidensiya.

“With the transfer to the PNP of the training of police recruits, we can strengthen the foundation of a competent police force not just physically but also morally, dagdag pa ni Lacson.

*****