BOL at martial law, β€˜di garantiya vs karahasan sa Mindanao

Hindi uubra para masawata ang karahasan sa Mindanao ang napapabalitang pagpapalawig pa sa implementasyon ng martial law at maging ang kakasabatas pa lamang na Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ito ang naging tugon ni Senador at dating Philippine National Police (PNP) Chief Panfilo Lacson na kasalukuyan din na Chairman ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs nang tanungin siya ng mga mamamahayag sa Senado tungkol sa naturang usapin.

β€œThe recent bombing incident in Isulan, Sultan Kudarat suggests that neither martial law nor the Bangsamoro Organic Law could guarantee peace in Mindanao,” banggit ni Lacson.

Related:
On the bombing incident in Sultan Kudarat
LacsonΒ Bill Gives Government Stronger Teeth vs Terrorism

Ayon sa mambabatas, mas pinatinding pangangalap ng impormasyon at intelihensiya ang kailangang gawin ng mga otoridad upang madiskubre at mabantayan ang mga galaw ng mga masasamang-loob sa rehiyon.

β€œIt is my view that the National Security Council and our ground security forces should take a hard look at their security plans and strategy especially in the South and try to avert the vicious cycle of talking peace with one tribal group while alienating the others,” seryosong tugon ni Lacson sa tanong ng mga mamamahayag.

Binalikan pa ng mambabatas ang mga naunang pakikipag-usap ng pamahalaan sa ilang armadong grupo sa Mindanao na bagama’t naging matagumpay ay nagresulta lamang sa pagkakabuo ng panibagong pangkat na maghahasik ng takot.

β€œThe Moro Islamic Liberation Front came into being and became a dominant armed force in Mindanao after we dealt peace with the Moro National Liberation Front. But as government discusses peace with the MILF, a breakaway group is sowing terror,” ayon pa kay Lacson.

Bukod pa sa pagpapalawig ng pangangalap ng impormasyon at intelihensiya, isinulong din ni Lacson ang panukalang nag-aamyenda sa Human Security Act of 2007 dahil sa ilang probisyon nito na hindi na tugma sa kasalukuyang situwasyon.

Sa ilalim ng Senate Bill 1956 na inihain ni Lacson, nais niyang palakasin ang mga probisyon laban sa mga dayuhang terorista at maging ang iba pang mga kriminal na aktibidad.

“While an anti-terror law in itself cannot solve the problem of terrorism, an intensified one can however give the government and the law enforcement agencies the much-needed tool in dealing with the emerging threats of terrorism,” paliwanag ni Lacson.

Ang Human Security Act of 2007 ay naging epektibo sampung taon na ang nakakalipas pero hindi ito maipatupad ng maayos ng mga awtoridad dahil sa problema sa ilang nilalaman.

Ilan lamang sa mga problemang ito ay nakita sa paglusob ng Maute sa Marawi City at sa datus ng Global Terror Index nitong 2017 na nagsasabing ika-12 ang Pilipinas sa mga bansang pinakaapektado ng terorismo.

Ang buong paliwanag ng Senate Bill 1956 ay mababasa rito.

View Fullscreen

*****