Ping, target ngayong 2018 ang mas malakas na Anti-Terror Law

Posibleng maipasa ang mas pinalakas at mas makapangyarihang Anti-Terror Law ng Pilipinas bago matapos ang kasalukuyang taon.

Niraratsada na kasi ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs sa pamumuno ni Senador Panfilo Lacson ang mga panukalang naglalayong palakasin pa ang mga nilalaman ng kasalukuyang batas laban sa terorismo, ang Human Security Act of 2007.

Sa mga panukalang dinidinig ng komite ni Lacson, mas binibigyan ng karapatan ang mga awtoridad na pag-aralan ang kilos ng mga pinaghihinalaang kalaban ng estado kasabay ng pangangalaga sa mga karapatang pantao ng mga ito.

Related:
No Time to Waste in Passing Stronger, Balanced Anti-Terror Measure
Lacson Bill Gives Government Stronger Teeth vs Terrorism
#PingSays: On Anti-Terrorism Legislation Efforts

Kabilang sa mga pangunahing pagbabago na isinusulong ng komite ni Lacson ay ang pagtatanggal sa P500,000 multa kada araw sa mga miyembro ng alagad ng batas at awtoridad na magkakamali sa pagtukoy at pagkulong sa pinaghihinalaang terorista.

Sa usapin naman ng pangangalaga sa mga karapatang pantao ng mga indibiduwal o grupong minamanmanan, kongkreto rin ang naging paliwanag ni Lacson.

“Anti-terrorism operations, including surveillance, should have basis. They cannot be capricious or whimsical on the part of national security officials,” paliwanag ng senador.

“Surveillance operations must be authorized via judicial authorization and written authority from the Anti-Terrorism Council. Even information obtained via surveillance should not be divulged if they are not relevant to the case, and should be deposited with the courts,” dagdag pa nito.

Target ng mambabatas na maaprubahan ng Senado ang mga pagbabago sa batas ng bansa laban sa terorismo bago matapos ang sesyon ng Kapulungan sa darating na Disyembre.

“There is no time to waste. Our present anti-terrorism law, the Human Security Act, is already 11 years old, yet no person or organization has ever been prosecuted under it,” paliwanag ni Lacson kaugnay sa kanilang hakbang.

Kung babalikan ang mga nagawa ng kasalukuyang batas laban sa terorismo, masyado umano itong mahina kumpara sa mga bantang kinakaharap ng bansa buhat sa mga masasamang elemento.

“From 2007 to 2018, the law’s only ‘accomplishment’ was the proscription of the Abu Sayyaf as a terrorist group,” pagsisiwalat pa ni Lacson.

“We understand the predicament of law enforcers. All they seek is a little flexibility. But we will also make sure respect for human rights will be primordial,” pahabol pa ng mambabatas.

*****