Ping sa PNP: 7 Pulis na Trigger-Happy, Sibakin Agad!

pakistantoday

Malinaw na pagpapakita ng hindi pagpapahalaga sa buhay ang ginawa ng pitong pulis na walang habas na nagpaputok ng kanilang baril nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon, kung kaya’t wala nang pagkakataon pa para sila ay manatili sa serbisyo.

Ito ang naging panawagan ni Senador at dating Philippine National Police (PNP) Chief Panfilo M. Lacson sa kasalukuyang pamunuan ng ahensiya matapos na personal niyang malaman ang ginawa ng mga nabanggit na alagad ng batas.

Sa mensahe ng mambabatas sa kanyang Twitter account, ipinadama nito ang kanyang galit sa mga pulis dahil posibleng ang ginawa ng mga ito ay magdulot umano ng matinding kapahamakan o kaya ay kamatayan sa mga maaring matamaan ng bala.

“What if someone got hit and died, or paralyzed? Damn these scumbags! They have no purpose in life, really. Give them the boot ASAP, Chief,” saad ni Lacson.

Related:Β  Lacson: Trigger-Happy ‘Scumbag’ Cops Deserve Quick Boot

Nitong nakaraang pagsalubong sa Bagong Taon, una nang isiniwalat ng pamunuan ng PNP na nahaharap na sa mga kasong administratibo ang pitong pulis dahil sa ginawa ng mga ito.

Ang mga ito ay kabilang sa 23 indibiduwal na naasunto ng PNP dahil sa pagpapaputok ng baril mula noong Disyembre 16 hanggang sa pagsalubong sa Bagong Taon nitong Martes.

Bukod sa pitong pulis, kabilang din sa mga naitalang nagpaputok ng kanilang mga baril nitong nakalipas na Pasko at Bagong Taon ay ang dalawang opisyal ng pamahalaan, isang sundalo, 10 sibilyan, dalawang guwardiya at isang sibilyan na tagapagpatupad ng batas.

Una na ring binanggit ni Lacson na dapat nang malinis ang PNP mula sa mga mapang-abuso at walang disiplinang mga pulis dahil ginagawa na nila ang lahat upang madagdagan pa ang mga benipisyong natatanggap ng mga maayos na tauhan ng ahensiya.

β€œHindi pinatatagal sa serbisyo ang mga abusoadong pulis,” pahabol pa ni Lacson.

*****