Ping sa PNP: Mga Nasibak na Pulis at Sundalo ang I-Profile, ‘Wag na Sina Ma’am at Sir

robber

Huwag na ang mga guro. Mga nasibak na pulis at sundalo na naging masamang elemento ng lipunan gaya ng gun for hire na lang.

Ito ang naging payo ni Senador at dating Philippine National Police Chief Panfilo Lacson sa ahensiya, matapos lumutang ang balitang isinailalim nito sa “profiling” ang guro na miyembro ng isang organisasyon.

“The PNP should instead conduct profiling and surveillance on dishonorably discharged PNP and AFP personnel to keep track of their post-discharge activities including their lifestyle,” mariing pahayag ni Lacson.

Kung mamo-monitor umano ng PNP ang aktibidad ng mga ito, maraming krimen sa bansa ang mabibigyan ng solusyon, at marami ring krimen ang mapipigilan katulad ng kaliwa’t kanang pagpatay.

“In that way, they may be able to solve a lot of crimes, even preempt them,” dagdag pa ng mambabatas.

Related: Lacson to PNP: Train Profiling, Surveillance on ‘Expelled’ Cops and Soldiers, Not Teachers

Una nang napabalitang isinilalim sa “profiling” ng intelligence operative ng PNP ang gurong kasapi ng Alliance of Concerned Teachers.

Ayon kay Lacson, labis na mapanganib ang mga dating sundalo at pulis na nasa hanay na ngayon ng mga gun for hire kumpara sa mga guro dahil ang nagagamit ng una ang kanilang kasanayan sa paggamit ng baril at iba pang nakamamatay na kagamitan.

“I intend to raise this point when the Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs investigates recent cases of killings with impunity,” pahabol pa ni Lacson.

Sa kaso ng pagpatay kay Ako Bicol Partylist Congressman Rodel Batocabe, nalantad na ang bumaril sa biktima ay isang dating sundalo, isang matibay na indikasyon na nagigiging private army ang mga kauri nitong nasisibak sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa mga kabulastugan.

May mga ulat din na kabilang umano ang dating pulis sa mga bodyguard ng mag-amang Garin sa Iloilo na nasangkot din sa kontrobersiya dahil sa pananampal ng isang pulis.

*****