Hindi mapopondohan ng mga local government units ang Bahay Pag-asa na dapat sana ay kanlungan ng mga batang nasasangkot sa mga krimen, kung kaya’t dapat na saluhin na lamang ng pambansang pamahalaan ang mga ito.
Ito ang naging rekomendasyon ni Senador Panfilo Lacson bilang dagdag sa mga mungkahing amyendahan ang Republic Act 10630 na tinaguriang Juvenile Justice Act ng bansa.
Sa ilalim ng naturang batas, inatasan ang mga LGU na pangasiwaan at imantini ang mga Bahay Pag-asa na itatayo sa mga nasasakupan ng mga ito na sa kasalukuyan ay hindi naman na halos nangyayari.
Ayon kay Lacson, maaring hindi sinasadyang isantabi ng mga LGU ang kanilang obligasyon sa nabanggit na pasilidad pero marami umanong pagkakataong nagkakaproblema ang mga ito sa pagpopondo.
“There are provinces that may not be able to build, much less maintain, such facilities. Funding for this is no joke. It may run to tens if not hundreds of millions of pesos,” ani Lacson sa panayam ng DZMM.
Related: Lacson Pushes National Government Funding for Child Offenders’ Rehab Facilities
Ang naturang pangyayari ay isa umanong malinaw na indikasyon na kailangan nang saluhin ng pambansang pamahalaan ang pangangasiwa at pagmamatini sa mga ito upang matupad ang mithiin ng RA 10630.
“It should be the national government that provides the budget for this, instead of the LGU,” dagdag pa ni Lacson.
May paraan na ring naisip si Lacson kung saan maaring kunin ng pamahalaan ang pondong gagamitin sa pagsalo nito sa operasyon ng Bahay Pag-asa.
“It can be taken up in the bicameral conference committee. The bottom line is that LGUs cannot provide funding for such facilities using their internal revenue allotments. In most cases, they prioritize their IRAs for development programs,” paliwanag ni Lacson.
Bukod pa ito sa nakasaad sa batas na ang pagtatayo ng Bahay Pag-asa ay popondohan ng P400 milyon.
“We should expand our efforts to determine when a child offender acted with discernment,” banggit pa ni Lacson.
Muli din nitong iginiit ang naunang pahayag tungkol sa edad ng mga batang magiging criminally liable sa ilalim ng mabubuong bagong batas.
“The birth certificates are an indication the child offender may be aware of the consequences of his or her actions, and thus has a ready defense. Or, the birth certificate could have been provided by the syndicate. That is the problem we should resolve,” dagdag pa ni Lacson.
*****