In an interview on DZBB, Sen. Lacson answered questions on:
– manipulation causing delays in the passage of the 2019 budget
– higher penalties vs ‘kotong cops’ and abusive law enforcers
– risks of making public the list of those suspected involved in drugs
Quotes from the interview…
On manipulations causing delays in the passage of the 2019 budget:
“Na-ratify na ang joint bicameral conference committee report, ang bicam. Hindi lang ito violation ng legislative process kundi ng Saligang Batas mismo. Kasi maliwanag sinasabi sa Constitution.”
“Ang nangyayari rito, mas masahol pa kasi bicameral report na ang ni-ratify ng both houses, and yet may ginawa pang paggalaw o pag-amyenda. So malinaw na ito violation ng legislative process at ng Constitution.”
“Dapat pagka ratified na, iniimprenta na lang yan at pirmahan ng leaders ng both houses. Di na pwede galawin pa. Yan ang bawal sa ating Constitution.”
“Di man makarating sa akin ito kung di rin nagrereklamo ang mga kongresista kasi di lang ang napaboran, di lang nakatanggap ng P8M sa Health Facilities Enhancement Program (HFEP) kundi pati nabigyan ng P25M, kaya nalaman ko hanggang ngayon mina-manipulate pa.”
“Sabi ni Rep Andaya, wala raw pakialam ang Speaker of the House sa bicam. Tama yan. Technically walang pakialam kasi may committee roon. Pero ito malinaw kasi ang nagpadala ng talastas o instruction sa mga kongresista kung ano ang listahan o menu list ito ang ito ang pwedeng paglaanan ng P25M, mismong staff ni Speaker Arroyo, a certain Salamanca. Totoo ito. Isang Ms. Salamanca nag-relay ng instruction. Hindi mag-relay ang staff na walang instruction ang principal. So hindi totoo na di alam ni SGMA.”
“Sabi ni Rep Andaya hindi iniiba kundi ina-itemize. So ang susunod na tanong kung itemize, ang inaprubahan natin sa bicameral conference committee report e lump sum? Bawal din yan. Sabi ng SC di pwedeng lump sum. Dapat itemized eh.”
“Walang pipirmahan ang PRRD kasi hindi pa pinapadala. Ang tawag doon, enrolled bill. Pag ito natapos na sa bicameral conference committee at naratipikahan na ng bawa’t house ng Kongreso ng both Senate at House iimprenta tapos pipirmahan. Ang advice ko kay SP Sotto sabi ko mahirap pirmahan yan bilang SP dahil in effect ang certify niya pag pinipirmahan niya, ito inaprubahan ng Senado sa plenaryo at HOR sa plenaryo rin. E hindi yan ang inaprubahan kundi may pagbabago. So sabi ko magiging complicit ang Senado sa violation ng legislative process pati ng Constitution pag pinirmahan niya yan. Sabi niya titingnan muna namin bago niya pirmahan.”
“Sa DOH pa lang yan. Meron pa ring ginalaw sa DPWH budget… Yan lang nireport nila. Pero meron pa ring DPWH budget na ginawa ng realignment.”
“Titingnan pa rin namin kasi medyo detalyado ang sa DOH. Pero malalaman din yan kasi meron kaming kopya ng bicam report na pinirmahan ng mga myembro. So naroon maliwanag, di pwede dayain yan, kada pahina pinirmahan ng myembro.”
“Maaring meron din kaya lang wala akong information ang nireport na maliwanag at detalyado sa DOH. Pero may nagsasabi na kongresista di lang doon yan, pati mga infrastructure projects meron ding paggalaw na ginawa.”
On when the budget would be signed:
“Ang petsa iffy kung kailan. Kasi kung insist ng Senado through our SP na hindi niya pirmahan ang enrolled bill kung may nakitang pagbabago sa naratipikhan na bicam report, walang budget kasi di pwedeng enroll ang bill na 1 lang nakapirma si SGMA. Kung papayag ang HOR na walang babaguhin sa bicameral report at yan naman ang nararapat ayon sa Constitution, mai-enrolled bill yan. Pero kung di papayag ang HOR at pilit nila kailangan ipasok natin ang pagbabagong aming ginawa, stalemate yan. Ibig sabihin hindi maipapasa sa Malacanang yan at hindi natin alam hanggang kailan tayo mag-operate under a reenacted budget.”
“Ang pwedeng gawin kasi ang nangyari may jurisprudence na dineklara ang pork barrel na unconstitutional. Maliwanag yan 2013 pa yan. Sana kung may hakbang o may resolution na gagawin ang SC pag may lumabas na ruling may jurisprudence na ito na-violate sana may direct sanction na pwede impose ang SC like citation for contempt. Pero hindi ganyan ang kalakaran. Pag may violation na nakita sa isang previous ruling o leading case, ang pwede lang gawin ng taxpayer tulad natin, dumulog uli sa SC at kwestyunin ang specific act na sinasabing nag-violate ng ruling na lumabas na. So another petition na naman kukwestyunin, SC ito bang ginawa ng kongresista naaayon ba sa inyong ruling na nauna? Ganoon na naman, iikot na naman tayo sa ganitong panuntunan.”
On NCRPO chief Eleazar’s show of anger against a ‘kotong cop’:
“Unang pumasok sa isip ko parang deja vu kasi noong unang araw na CPNP ako nangyari sa akin yan. Kasi noong nagsimula kami ng anti-kotong operations noon sa Camachile sa may Balintawak nagkaroon ng engkwentro kasi ang Highway Patrol na huhulihin sana kasi nangongotong sa mga nagdedeliver ng gulay galling norte, inuna yan kasi yan ang notorious sa extortion ng pulis, doon ang harangan ng manggugulay at magmamanok magbababoy galing sa norte Central at Northern Luzon. Sa halip magpahuli, nakipagbarilan sa SAF kasi nag-form ako ng special task group galing sa SAF nakipagbarilan pa at napatay isang SAF wounded ang 3. So pagkatapos ko pasyalan ang wounded sa hospital pinuntahan ko sa presinto ang highway patrol na may kinalaman sa engkwentro. Gusto ko talaga barilin at the time pero ganoon ang galit, hindi mawawala ang galit pagka ganoon nagpipilit ka tulad si Gen. Eleazar pinipilit ayusin ang imahe ng pulis tapos makakita ka ng ganito, ang bugso ng galit hindi mo mapapansin na may mga media o taong nanonood lalabas at lalabas talaga.”
“Hindi naman kultura (ng pulis). Kasi maski anong organization kahit sa media rin o maski anong organization sa pribadong kumpanya may lalabas at lalabas na mga masasama. Hindi naman lahat pero hindi pwedeng sabihing kultura lang yan ng pulis kasi may pinuno ng pulis tulad ni Gen Eleazar at Albayalde na sinisikap na gawin ang paraan para disiplinahin ang pulis. Sa part ni PRRD tinaas ang sweldo lahat na benepisyo binibigay.”
On possible higher penalties vs abusive law enforcers:
“Tama yan. Kaya dapat mas grabe ang penalty sa kanila dahil meron silang awtoridad, may tsapa, baril at batuta, may poder, may authority. Dapat nga kung magkakaroon, ito mabuti nabanggit mo na rin dapat may panukalang batas na mas mataas ng at least 1 degree ang penalty pag pulis ang gumawa ng ganoong kasalanan kesa sa ordinaryong civilian o myembro ng ibang organization. Dapat mas mataas ang antas ng parusa pag person in authority ang nagsagawa ng ganyang klaseng krimen.”
“Na-arouse ang consciousness na dapat talaga pag PNP, NBI, law enforcement, cloaked in authority dapat mas mataas ng 1 degree man lang ang antas ng penalty.”
“Review muna natin baka naman meron nang batas na ganyan. Pero sabi ko nga nabanggit mo magandang gawing panuklang batas in case wala pang ganyang batas.”
“Hindi sa pagtatanggol sa kapulisan, 109,000 ang pulis natin. Ang na-highlight sa news at ito di natin maitatanggi, ang na-highlight mga abuso. Pero ang maliit na bagay na magandang ginagawa ng pulis di masyadong highlight kasi hindi news yan. Paminsan-minsan pag unique o unusual ang ginawang kabutihan ng pulis saka lang nalathala sa pahayagan, radio o TV pero mas highlight ang masamang gawain ng ilang pulis. Sabihin natin ilang porsyento wala pa tayong empirical data riyan pero ang importante may ginawang hakbang ang liderato ng PNP para parusahan ang nagkakasala, tulad yan nangyari nakita ninyo talagang sinisikapan ayusin ang kapulisan.”
“Sobrang dami na yan. Isang maling gawain ng pulis is one maling gawain too many dahil pulis sila. Dapat ma-highlight talaga para kababayan natin ma-encourage mag-report kasi kung walang mag-report at di ito minamanman ng pulis walang paraan makita ng leaders nila o commanders nila ano ang kabulastugan na ginagawa sa baba.”
“Ang importante ang pag-reportan nila mismong mga hepe. Kasi hindi natin maialis sa presinto, PCP o istasyon, di natin masasabi baka mamaya involved din ang commander doon. To be safe mas maganda i-report na mismo sa medyo mataas na commander ng ating kapulisan at siguradong di ito-tolerate. Kasi kung umabot sa ganitong rango dahil pinagkatiwalaan sila at meron na silang reputasyon na matino silang pulis. Di aabot yan ng 2-3 estrelya kung may mga record kang masama. May ilan sigurong nakalusot but by and large generally speaking pwede silang pagkatiwalaan na pag-report-an dahil siguradong hindi sila sangkot.”
On risk of making a ‘narco-list’ public:
“Unang una, ano ba mensahe natin pag sinapubliko natin ang narco-list? Isang negative na pwedeng kahinatnan noon tine-telegraph mo intel information na hawak nila para halimbawa isang mayor o kongresista nabanggit mo pangalan mo siyempre mag-lie low ka. Kung ang information sarilihin ng pulis na lang muna, build up nila kaso, ipon ebidensya at ituloy ang surveillance at pag may kaukulang ebidensya mag-apply ng SW o hanap testigo o physical evidence, kasuhan nila diretso sa korte. Pero kung isasapubliko walang magagawang maganda yan, mas masama ang patunuguhan mo kesa sa mabuti. Pangalawa hihiyain mo yan. Pangatlo pwedeng mapatay yan ng kung sinong eager beaver na gusto magmagaling. E halimbawa mali pala, nangyari yan in the past, si Gov Espino napangalanan. Tapos binawi, paano ang iba na di involved na hindi nabawi?”
“Buildup ang kaso. Sabi ni Spokesperson Panelo na ang information nanggaling sa wiretapped conversation ito maganda lang gawing lead. Tama yan, dapat gawing lead yan pero hindi dapat hiyain di para isapubliko at di para ialarma na. Ang mas masama, maalarma ang mismong nasa lista at kung totoo involved sa droga, alangang magpapatuloy yan, mag-iingat yan. So mas mahirapan ang kapulisan at PDEA na i-surveillance yan kasi conscious siya minamanmanan pala siya dahil may intel report kung siya talagang involved. Marami tayong narinig kalaban sa pulitika sa local ang nagre-report ang kalaban sa pulitika. Natural mag-e-election para masama sa drug list, kung may connection sa pulis o PDEA at gagawa ng katakot-takot na report malamang sa hindi malagay sa listahan.”
*****