Ping: ‘Imported’ Wiretapped Materials, Sesemplang sa Batas ng Pilipinas

wiretap-bangkok-post
Image courtesy: Bangkok Post

Labag sa batas ng Pilipinas ang inpormasyon o materyal na bunga ng wiretapping activities na “imported” o galing sa ibang bansa, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Ayon kay Lacson, ang naturang impormasyon ay salungat din sa pangunahing obligasyon ng Estado na protektahan ang mga Pilipino laban sa pang-aabuso at banta.

Inilatag ni Lacson, na naging pinuno ng Philippine National Police mula 1999 hanggang 2001, ang isang klarong halimbawa kung ang isang indibiduwal galing sa ibayong dagat at mahulihan ng marijuana paglapag sa paliparan sa bansa ay siguradong agad na sasampahan ng kaso ng paglabag sa mga batas ng Pilipinas laban sa ilegal na droga.

β€œWhat if someone brings into the country marijuana which he/she got or bought from a foreign country where possession and use of the same is legal? Will the person who brought in the marijuana not be violating the Dangerous Drugs Act?” tanong pa ni Lacson.

Related: Lacson: Mere Possession of Foreign Wiretapped Material Violates PH Constitution, Law

Ayon pa sa senador, hindi rin umano uubra ang paliwanag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na kung ang wiretapped information ay galing sa isang bansang pinapayagan ang nabanggit na aktibidad ay puwede na itong ipasa sa gobyerno ng Pilipinas.

“Mr. Secretary, possession of wiretapped material is also an offense,” paalala pa ni Lacson sa kanyang Twitter account.

Batay sa Republic Act 4200 o Anti-Wiretapping Law, labag sa batas at may katapat na mabigat na parusa ang magwa-wiretap ng mga pribabong pag-uusap kung ito ay walang permiso.

*****