Interview on DZMM: Senate Hearing on Bikoy | May 7, 2019

In an interview on DZMM, Sen. Lacson lays down the condition for a possible Senate hearing on the claims made by ‘Bikoy.’

Quotes from the interview…

On a possible Senate hearing to probe ‘Bikoy’ claims:

“Isa lang ang condition na hinihingi natin. Ako bilang chairman ng committee on public order and dangerous drugs, isa lang, basta siya mag-present personally anong ebidensyang meron siya pwede kami magpatawag ng pagdinig. Maski sa linggong ito kasi like it or not naging political if not election issue itong si Bikoy.”

“So in fairness to those na medyo nababanggit niya at doon sa naniwala para malaman kung siya may kredibilidad o kung totoo o hindi ang sinasabi niya kung siya kamaganak ni Mawanay o Lozada para malaman natin. Yan lang paraan, paharap siya sa harap ng mga senador, sa harap ng publiko at doon mapagaralan natin ang sinasabi niya at demeanor niya. Yan ang nakikita kong paraan para ma-test ang kanyang credibility at in fairness to those na nasabi niya para ma-clear ang pangalan kung ma-clear. At para tanggihan ng botante kung may laman ang sinasabi ni Bikoy.”

“Ebidensya na pwedeng susugan ang kanyang sinasabi. Halimbawa mga dokumento. Halimbawa sinabi niya … o kaya mapatunayan na yun ba ang taong kailangan bigyan ng monthly payola. Kung meron siyang mga dokumento ipakita niya at mapagaralan ng committee at makita ng publiko kung may saysay ba ang mga nabanggit na dokumento para susugan ang kanyang ite-testify.”

“Ang pinaka-possible link na nakarating sa kanya, IBP. Magpapadala kami ng imbitasyon through the IBP kasi maski hindi pa siya kliyente ng IBP maliwanag sinabi niya sa ngayon aplikante siya para maging kliyente o kukuha ng legal assistance sa IBP.”

“Hangga’t hindi natin siya nakakaharap at natataong kaya kailangan ang kanyang sworn statement para may basehan ang senador sa pagtatanong. Doon kami kukuha, pupulot ng itatanong sa kanya pati ano ang documentary evidence na maipapakita niya, doon kami huhugot ng itatanong namin.”

On cautioning IBP to be careful:

“Napansin ko lang mahaba, di basta-basta makakakuha ng legal assistance doon. May parang unit doon na doon dudulog ang walang kakayanan. E yan pumipila at dumadaan sa evaluation. Napansin ko lang bakit pinabayaan gamitin ang facility at binigyan ng forum para ma-air ang kanyang accusation nang sa pag-amin naman nila, wala naman daw silang ginagawa pang evaluation. So yan ang napansin ko baka sila mapagbintangan na ginagamit ang kanilang, alam mo ang kredibilidad ng IBP mataas. Pagkatapos mapupulaan sila nagpapagamit sila sa political partisanship.”

Bolstering anti-perjury legislation:

“Sa pagkakatanda ko nag-file ako ng bill diyan kung hindi ako nagkakamali dahil sa sunod-sunod na pagdududa … sa mga testigo namin.”

“Nag-draft kami ng bill noon at binibigyan diin natin na malaking kaparusahan kung mag-perjure ka especially during a congressional inquiry.”

*****