Bilang bahagi ng kanyang krusada para sa kapayapaan at katahimikan ng bansa laban sa karahasan, muling isinulong ni Senador Panfilo Lacson ang panukalang naglalayong pigilin ang nagbabantang pagkalat ng terorismo sa bansa.
Sa Senate Bill 21 na inihain ni Lacson, ninanais nitong amyendahan ang Republic Act 9372 o ang Human Security Act of 2007 upang mas mabigyan ng lakas ang mga mahihinang probisyon na maaring gamitin ng mga teroristang nagbabalak maghasik ng karahasan sa bansa.
“This bill aims to give the government an effective legal framework that would enable it to have a criminal justice response to terrorism. This measure seeks to provide our law enforcement with enough tools to conduct investigations that would enable to them to prevent terrorist attacks before they happen, or in case they are unable to do so, at least bring the perpetrators to justice,” paliwanag ni Lacson sa kanyang panukala.
Related: PingBills | Gov’t Gets More Teeth vs Terrorism with Lacson Bill
Sa ilalim ng naturang panukalang batas, lahat ng mga parusang igagawad ng batas ay may katapat na habambuhay na pagkakabilanggo na walang karampatang parole.
Kung ang akusado ay tauhan o opisyal ng pamahalaan ay tatanggalin sa trabaho, hindi na bibigyan ng pagkakataon na makabalik sa serbisyo at hindi na rin pagkakalooban ng mga benipisyo.
Ayon kay Lacson, hindi umano kayang sugpuin ng isang anti-terror law ang bantang terorismo pero ang mas pinalakas na hakbang laban sa mga nais maghasik nito ay isang mabisang instrument para mapigil ang banta.
“(While an anti-terror law in itself cannot solve the problem of terrorism), an intensified one can give the government and the law enforcement agencies the much-needed tool in dealing with the emerging threats of terrorism,” bahagi pa ng paliwanag ni Lacson sa panukala.
Ang mambabatas ay kabilang sa mga nanguna sa pagsulong ng panukalang pinagmulan ng Human Security Act of 2007 na bagama’t 10 taon nang ipinapatupad ay kinakikitaan pa rin ng mga butas na maaring lusutan ng mga terorista.
Sa mga kaso ng terorismo na nasakop ng naturang batas, ang tanging nahatulan pa lamang ng korte ay ang kinasangkutan ng isang Nur Sapian na dininig ng Taguig City Regional Trial Court.
Ang pagsakop ng Maute Group sa Marawi City ay isa rin umanong malinaw na indikasyon na hindi kayang tapatan ng kasalukuyang batas ang mga kahalintulad na uri ng banta sa seguridad ng bansa.
Kabilang sa mga pangunahing nilalaman ng panukala ni Lacson ang mga sumusunod:
* Pagpapataw ng mabigat na parusa sa mga sasapi o manghihikayat na maging miyembro ng isang binubuong teroristrang grupo;
* Probisyon na naglalayong hindi puwedeng maging “pit stop” o tambayan ng mga terorista ang bansa, kahit na ang plano nila ay ang maghasik ng lagim sa ibang lugar o kaya sa loob ng Pilipinas;
* Mabigat na parusa sa mga magbibigay ng suporta sa mga teroristang grupo;
* Isama na ang mga Regional Trial Courts sa mga magbibigay ng permiso sa mga alagad ng batas para sa surveillance procedures;
* Mas pinahabang surveillance period para sa mas malalim at organisadong pagkilos ng mga awtoridad;
Malinaw namang binibigyan ng kalayaan ng panukala ang kalayaan sa pamamahayag dahil hindi kabilang sa mga asuntong ipinaloob dito ang mga aktibidad na may kaugnayan sa paghahayag ng saloobin sa pamamagitan ng mapayapang pagtitipon.
Sa ilalim ng panukala, may karagdagang miyembro ang Anti-Terrorism Council, na kinabibilangan ng mga kalihim ng mga sumusunod na ahensiya:
* information and communications technology
* science and technology
* transportation
* labor and employment
* education
* social welfare and development
* presidential adviser for peace, reunification and unity
* kinatawan mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao
*****