Interview on DZBB/GNTV: Europe Trip, Reward for Questionable PhilHealth Action? | Aug. 18, 2019

In an interview on DZBB/GNTV, Sen. Lacson questioned the trip to Europe of at least one PhilHealth official following the PhilHealth board’s reversal of a decision of the Court of Appeals. Sen. Lacson also answered questions on:
– special audit needed for PhilHealth
– PhilHealth ‘mafia’
– conflict of interest involving DOH Sec Duque and kin

Quotes from the interview…

On PhilHealth ‘mafia’:

“Na-surprise kami. Hindi ine-expect na magkaroon ng ganoong turuan sa pagdinig na yan. At mabuti na rin na naroon din ang mga inaakusahang mafia, nakapagpahayag din sila ng sasabihin nila. Walang nakakaalam na magsesegwe sa ganoon ang pagdinig. Ako mismo ang tanong ko inuna ko sa conflict of interest na issue, sabi ko sa second round ako mag-tackle ng issue sa PhilHealth.”

“Ang mga numero at datos na pinakita ko sa aking privilege speech hindi galing sa akin yan, liliwanagin ko lang. Yan nanggaling sa COA mismo at sa dashboard ng PhilHealth na pinahayag ni Rep Garin. Nag-create sila ng dashboard para kitang kita roon ang takbo ng pangyayari, ng transfer ng pera, naroon sa dashboard nila. Doon nakuha ang lahat na sinabi ko.”

“Ang hindi natin alam kung natanggap talaga ng hospital ang excess na pondo na yan kasi walang showing na ganoon. Yun lang lumabas sa dashboard ng PhilHealth central office. Pero walang showing na ito actually na-receive ng hospital, health service provider at health service institutions. So yan ang dapat makita natin. Ang turuang yan, madali rin ma-resolve yan. Kasi maghanap tayo ng paper trail.”

“Case in point, WellMed and Perpetual Succour. Para ma-pinpoint natin ang liability at responsibility. Sino ang nagbayad sa WellMed maski tapos na at na-release ang 2 pasyente? Yan lang nakita, 2 pasyenteng tuloy pa ring binabayaran, sinasabing naka-confine pero actually namatay na. Ang sa Perpetual Succour ganoon din.”

“Paper trail ang isang pwedeng sumagot diyan para makita natin kung may pattern ng anomaly, sino gumagawa ng anomaly. Doon ba sa level ng regional VP sa mga regions, or sa level ng central office? Kasi pag karamihan na anomaly o overpayment, o pagbaligtad ng kaso, nangyari sa PhilHealth board, ang mafia nasa PhilHealth board. Wala sa baba. Pero kung karamihan ng anomaly nagaganap sa regional level, ang mafia naroon nasa mga regions. Ganon lang siguro kasimple.”

“Hindi natin pwedeng sabihing ganoon, pwede ring ganoon. Kaya dapat malaman natin. Ang isang paraan para makita natin yan ang paper trail, ang takbo ng mga papeles na nagaganap ang mas maraming anomaly at saan lumalabas ang pera na wala sa lugar. Sa pagpapahayag nitong 7, at least ng present, ang kanilang mga kaso walang criminal. Kasi kung may mafia at natuklasan nina Roy Ferrer at Dr Salvador na sila ang mafia, dapat ngayon pa lang, kasi matagal na sila naroon, dapat may criminal cases ang mga tao. Pero sa narinig natin noong pagdinig, puro administrative at ang administrative cases nila ang sa bundy clock, time record. Tapos ang nangyari sa kanila pag matatapos ang suspension, isu-suspend na naman. Ang isa hindi pina-report, in-AWOL naman. Kumbaga ganoon ang takbo ng mga kaso unless may mapakita si Dr Ferrer at Salvador na ibang mga kaso na involved malalaking halaga ng pera. Pero sa ngayon nakikita pa lang natin puro administrative ang kaso, paano magiging mafia ang mga yan kung sila ang naha-harass? Sabi pa nila, responsible itong mga tao na nagpapatanggal kay Sec Ubial. Si Sec Ubial, di natanggal, ni-reject siya ng CA. At wala kaming kilala maski isa sa 7 na sinasabing maimpluwensya sa pagpapatanggal kay Sec Ubial. So it doesn’t make sense to me na may influence sila sa CA kasi hindi namin sila kilala at walang lumapit sa amin. Walang nag-complain sa amin tungkol doon, bakit magiging responsible sila na ipatanggal si Sec Ubial?”

“Sa ngayon (duda sa 7). Dahil sa narinig naming explanation ng 7 at di na-substantiate nina Dr Ferrer ang kanilang accusation. Kung puro administrative cases at puro petty ang kaso sa 8, paano mo masasabing mafia? Ang mafia sa aking pagkaalam, pera ang involved. Mafia dapat kumita ka pero sabi ni Dr Salvador ang definition ng mafia, ang influence and pressure. Pero ang unang pagbabatayan, sino ba unang tinanggal ni Presidente? Di ba ang PhilHealth Board? Ang Presidente siya ang may access sa napakalawak na information at siya ang nakakaalam, di natin pwede makwestyon ang sources of information niya. Siya ang repository, siya ang may mas magandang appreciation.”

On trip to Europe:

“Pahayag ito ni Mr Chavez, RVP for Region 7, kasi ang Perpetual Succour sa Cebu. Lumalabas ang arbitration na ginawa e ni-recommend sa PhilHealth board, na multahan natin ng P10,000 at suspendihin ng 3 buwan. Ang nasisingil ng Perpetual Succour sa PhilHealth, P30M isang buwan. Ginawa ng PhilHealth board, in-uphold ang recommendation ng arbitration team. Ang nangyari, ang Perpetual Succour may due process tayo, umakyat sa CA para iapela. Ang ginawa ng CA in-uphold ang findings ng PhilHealth board mismo. Okay, tama yan, 3 buwan suspension, P10,000 fine. Aba ang ginawa ng Perpetual Succour dahil sumulat sa akin ang abogado nila, nang nagkakagulo na, sabi roon, word reached us na pwedeng magpa-reconsider dahil kung ano ang katwiran, kung doctrine of immutability of final judgment, kasi ang nangyari sa CA na-entry of judgment na ito, final na, wala nang pwede mag-apela. Ang ginawa ng PhilHealth board, sa letter ng reconsideration ng Perpetual Succour Hospital, binaligtad hindi lang ang kanilang decision kundi pati ang CA. Dito pa lang kitang kita natin ang grave abuse of discretion. Ang tanong, bakit binaligtad at ginawa na lang P100,000 ang multa at walang suspension?”

“Ang nakita namin sa timeline namin dito at ito pag confront ko PhilHealth board sina Roy Ferrer itatanong ko ito. Pati si SOH Duque kasi siya ang nag-preside as ex-officio chairman. Sa timeline, pagkatapos mabaligtad ng PhilHealth board ang CA, may biyahe sila sa Europe! At least ang corporate secretary. Circumstantial pero wala tayong maipapakita sino gumastos sa biyahe pero kitang kita natin nalibre, kasi kung P30M isang buwan at suspension mo 3 buwan, pwede pa matanggal accreditation mo, P90M nasave ng Perpetual Succour. Pinamulta na lang sila ng P100,000. Ang P100,000 mas malaki sa P10,000 pero tinanggal mo ang 3 months’ suspension. Yan ang mga dapat natin makita sa pagtuturuan kung sino ang tunay na mafia at sino ang tunay na dapat may pananagutan.”

On possible liability of PhilHealth board members:

“Saka natin ma-conclude pag narinig natin ang explanation nila at naipakita ang paper trail kung sino nagpipirma kaya dinudugo ang pondo ng PhilHealth. Sa ngayon sa nakikita ko base sa datos na pumasok na ginamit ko sa privilege speech ko, ang mafia nasa taas. Wala sa regional level. Sa ngayon. Pero dapat marinig natin ang maipakita kasi naipakita ko sa privilege speech ko, 5 years 2013-2018, although extrapolated ang numero, P153.7B ang nawala dahil sa overpayment and fraud. Ang basehan, ang COA di ma-cover ang COA di ma-cover ang 1900 health service institution at health service providers. So random sampling sila sa private and public hospitals, sa lugar na may bundok at walang bundok, NCR, kung saan-saan. Lumalabas sa findings nila 20% at least ang overpayment. Tapos ang World Health Index, kasi ito standard sa buong mundo na talagang may allowance na ginagawa 10% sa fraud and corruption. So ginawa namin ang 30% pag pinagbasehan ang P512B pondo kung 30% noon, kaya lumabas ang P153.7B ang nawawala. Ngayon ang isang recommendation na pwedeng gawin magsagawa ang COA ng special audit na naka-focus talaga, mag-focus lang, talagang tingnan mabuti i-audit ang pondo ng PhilHealth.”

“Mga ex-officio yan. DSWD, marami yan. Mga ex-officio. Pati SOF nariyan. Lahat sila pati CSC kaya lang declare ng SC na unconstitutional ang sa CSC ito rin ang panahon si Sec Duque CSC, ito ang EO ni dating PGMA… Yan dapat natin alamin base sa kanilang (organizational) structure. Kasi although ex-officio members ang iba’t ibang Cabinet members tulad ng DSWD, pati DILG naroon, DOLE, DOF, DBM, pero yan ang tipong pag ni-route ang papel at board resolution, pipirma na lang yan. Kasi ang assumption nila dumaan na sa PhilHealth mismo at sa PhilHealth board nagsagawa, halimbawa ang arbitration case na umakyat sa PhilHealth board, nakapirma lahat yan. Kaya kung higpitan ang lahat nakapirma roon nakasuhan ng grave abuse of discretion, napakaraming makakasuhan. Pero may jurisprudence na na-decide na mismo ng SC, hindi porke’t nakapirma ka, liable ka na. Kailangan ipakita moa ng pirma mo umasa ka sa tinatawag na malimit gamitin ni PFVR, CSW, completed staff work. Ang natandaan ko ang jurisprudence na (Aria?) vs Sandiganbayan at affirmed ng SC so part ng law of the land yan. So kailangan pa rin maipakita mo ang pirma mo hindi dahil meron kang direct hand o nakipag-kasama ka sa mga mag-decide kundi pakita mo na ministerial lang at ginawa ng subalterns, subordinates mo. So matter of defense yan.”

On suggestions for a special audit for PhilHealth:

“Kung kakayanin nila. Napakalawak eh. Sinasabi ko nga hindi kaya i-cover ang 1900 health service institutions and providers kaya nag-random na lang sila. Pero dahil sa napakalaking pera na involved at nahaharap tayo sa implementation ng Universal Health Care Law, dapat mag-aksaya ng panahon at resources ang COA para mag-focus ng audit sa PhilHealth.”

On suggestions to have SGV do the audit:

“Baka may problema tayo kasi government fund at baka hindi pinapayagan ng batas na mag-audit ang private. Pwede siguro ang COA mag-outsource o kumuha ng consultant. Pero ang lead auditing agency COA pa rin. Di pwedeng ipaubaya, hindi ako sigurado pero sa pagkaintindi ko baka hindi payagan ng batas na private ang mag-audit. Maganda ring suggestion na matutukan pero alam mo pag nag-hire ka ng audit firm napakalaking gastos din yan at baka hindi pinapayagan. Kaya pwede siguro mag-outsource ang COA or mag-hire ng pribadong consultant.”

On Sec Duque’s denial of conflict of interest at the Senate hearing Aug 14: is it acceptable?

“Hindi. Hindi ko tanggap. Kasi kitang kita natin ang mga date. At ang katwiran na mas maganda ang aming building, tama naman ang sinabi ko noon na cite niya na wala namang overpricing. Totoo yan. Kasi gumawa ako ng kaunting due diligence, nag-canvass ako sa lugar na yan kung magkano ang renta. Pasok naman ang rent nila. Pero hindi naman yan ang usapan doon. SOH ka, ikaw ang ex-officio chairman ng PhilHealth, for the longest time ang building mo inuupahan ng PhilHealth. Ano ba tawag noon sa ilalim ng batas? Pangalawa, sa pangalan pa lang, DPI magsu-supply sa DOH. Sabi niya nagsu-supply ng gamot sa LGU. E hindi rin tama yan kasi refer niya, Botika sa Barangay. Ang ano roon, supply mo muna sa DOH at DOH nagdistribute sa Botika sa Barangay. Ang mahirap pa roon kasi naka-pack na ito parang naka-package na ang gamot, hindi lahat na lugar pare-pareho ang kailangang gamot. So pag naka-pack na ito may mga gamot na masasayang. E bilyon-bilyon yan kasi ang pondo ng Botika sa Barangay bilyon eh. At ang family corporation mo nagsu-supply ng gamot, anong tawag mo roon? Hindi lang yan. Meron silang toll manufacturing agreement with 9 pero 3 ang inactive. Nasa amin ang listahan ng 6 na active pa at ang license to operate nila, nakikipag-deal sila sa PhilHealth hanggang May 2022. E ang nagsu-supply ng gamot, nama-manufacture ng gamot sa mga supplier ng DOH, DPI rin. Kasi manufacturer ang DPI so ang 6 na nagsu-supply ng gamot kasi accredited sila sa supplier ng gamot sa DOH magsu-supply ng gamot sa DOH. E saan nanggaling ang gamot nila? DPI, sa pag-aari ng pamilya ni Dr. Duque. So anong tawag mo roon? At saka may undue advantage. Rightly or wrongly, hindi pwede maiaalis sa isip natin na may bentahe ang corporation na pag-aari mismo ng pamilya ng SOH. Anong tawag mo roon? Hindi ba maliwanag na conflict of interest?”

“Babalikan yan. Nasuspindi pa. Ang masama roon na-recall ang mga produkto, nasuspindi at nag-violate pa. Tapos nang suspendido nang in-inspection mga January 2019, aba gagawa pa rin, kitang kita ang kasangkapan ang gamit at gamot na gumagawa pa rin. So ang ginawa, sinuspindi na. So paano nakabalik ang DPI na hanggang ngayon milagro pa rin yan. Hindi pa natin alam paano sila nakabalik kasi sinabi ng kapatid ni Sec Duque documentary violation lang ang pinanggalingan ng suspension. E mali yan, hindi ganoon. Dapat maipaliwanag ni Sec Garin kasi siya ang acting DG ng FDA na nagsuspindi kung ano nangyari sa suspension. So hindi pa tapos ang issue ng conflict of interest.”

*****