Interview on DZMM: ‘GCTA for Sale’; Faeldon Firing | Sept. 5, 2019

In an interview on DZMM, Sen. Lacson answered questions on:
– Firing of BuCor chief Faeldon
– ‘GCTA for sale’

QUOTES and NOTES:

On PDEA claim that it objected to the application for executive clemency by Chinese drug lords:

“Sa GCTA, doon sila na-release. Ang nakapirma sa (released Chinese drug lord na) nanggaling sa Davao, ang regional superintendent, si Faustino. Kaya GCTA ang in-apply sa kanila pati ang 4. At mabuti na lang naroon sa BI, hindi pa deported. Tapos na rin ang summary deportation proceedings pero may hinihintay silang document na iba pero ministerial yan. Mabuti inabot pa nitong controversy. So nangako si (BI Commissioner) Morente na hindi nila ire-release dahil inutusan na rin sila ni SOJ Guevarra, pina-hold in abeyance ang deportation so naroon pa sila. Pati yung nasa Davao, naroon sa regional office nila sa Davao, pinapa-turnover niya sa central office. May 2 pa yan, sa Palawan.”

On the ‘gap’ between BuCor and BPP:

“Yan ang nakita nating parang may gap. Kasi under DOJ sila pareho, kung tatanungin natin kung na-communicate ng BPP sa BuCor ang kanilang position dahil may objection ang PDEA. Kung may ganoon lalong walang (basis?) para i-release via GCTA ang sabihin na nating 7 na Chinese drug lords. Ang napakinggan ko kay Gen. Aquino, sabi niya kung naka-synchronize lang o maayos ang coordination between BPP and BuCor at na-communicate ng BPP sa Bucor na nag-object ang PDEA, e dapat hindi na in-apply ang GCTA although magkaibang batas iba ang GCTA sa BPP, ang sumasaklaw na batas.”

“Pero lumabas sa pagdinig din na may Department Order 953 na ini-invoke ang BuCor law. Dapat upon prior approval ang SOJ bago ma-release mapa-GCTA o mapa-parole doon dadaan. Kung nasunod yan sana hindi nangyari lahat na ito. Sinasabi ni Usec Faeldon hindi siya aware sa DO 953. Ang problema doon sa memorandum order na nag-uutos mag-release, No. 1 reference yan. So hindi pwedeng i-claim na hindi sila aware sa DO na yan.”

On the firing of Faeldon:

“Ang masasabi ko lang ang decisiveness ng action na ginawa ng Pangulo and more, hindi lang ang pag-fire kay Faeldon pati ang binigyan niya ng 15 days, medyo may risk siya roon but he took the risk by ordering authorities that they have 15 days to turn themselves in, and i-recompute ang GCTA. At kung maayos naman, papayagan.”

“Yan ang hindi natin naisip, naisip ni Presidente, dahil illegal ang pag-release lalo sa Chinese drug lords malinaw, nai-point out ni Sen Tolentino na violation ng Omnibus Election Code ang pag saklaw ng campaign period hindi pa pwede i-release ang preso. Kung June 4 at yung sa Davao ay April, hagip ng hagip ng campaign period. Na-tackle din namin noong pagdinig. Pag illegal ang pag-release, parang void ab initio. From the very beginning, void ang release, pwede arestuhin uli. Kaya instruction niya, huwag i-release ang Chinese drug lords at i-turn over sa Muntinlupa.”

On ‘GCTA for hire’:

“Sa ngayon puro speculation. At kung di man speculation may information na pumapasok na talagang pera-pera ito. But to prove it is another thing. Nagko-compile si SP Sotto, may kumontak sa kanya, baka sakaling makakuha ng breakthrough para ma-prove na may bayaran.”

“(Baka may) magreklamo. Remember sa Chiong sisters (case), 3 na-release. May naiwan pa roon. Baka iba roon naiwan sila dahil di nakapagbayad. May efforts along that line… para ma-establish ang fact na may bayaran.”

*****