Interview on DWIZ: Corruption at BuCor; Hunting Pork in 2020 Budget | Sept. 7, 2019

In an interview on DWIZ, Sen. Lacson answered questions on:
– corruption and other irregularities at the Bureau of Corrections
– transfer of high-profile convicts to Marines facility from New Bilibid Prison
– possible attempts to insert pork in the 2020 budget

QUOTES and NOTES:

On flaws in GCTA law, or in its implementation:

“Maraming mali sa pagpapatupad, ang implementation. Kita naman natin hindi naman ang sistema ang gumagawa ng corruption. Minsan ang tao ang gumagawa ng corruption sa sistema. At maliwanag lalo ang huling nag-testify firsthand account yan, siya mismo. At marami siyang sinabi bago siya humarap. Kailangan makausap muna namin siya kasi gusto namin ma-vet kung pwede ba siyang iharap talaga sa pagdinig. E yan, maraming na-discover na anomalya sa loob.”

“Maliwanag sa testimony (ni Yolanda Camilon) kasi walang mage-gain ang tao dahil palabas na rin talaga ang asawa niya, October sa computation ng GCTA, remember ang kaso ng asawa niya falsification of public documents. Ang parusang pinataw, 4 taon. Kaya siguro may lumapit sa kanya si Mabel Bansil, dahil alam siguro pinagtiktikan kung sino ang posibleng malapit nang lumabas at yan ang dinidiskartehan nila. It turned sour kasi hindi naman nagkatotoo ang unang pangako na sinabing March pa lang pwede paiksiin at March lalabas kaya binabawi niya ang ibinigay niya at wala nang maibalik sa kanya.”

“Nang nag-evaluate kami, kami ni SP, Sen Gordon, Drilon, Go at ako sa lounge, napagusapan namin yan. Ito ang pagkakataon para makahikayat ng iba pa para lumabas out in the open at mag-testify, para we can get to the bottom of corruption na naroon sa loob ng bureau. E lumalabas hindi lang sa paglabas ng inmates. Pati ang hospital pass, pati ang from maximum to medium or to minimum, lahat may bayad eh.”

“Pati pagkain sinasabi niya hindi tama, natandaan ko ako pa nga nag-amend ng budget ng subsistence allowance ng mga preso. Dati mga P30 lang, ginawa kong P60 a day. Pero hindi pa rin, kasi sa P60 a day at kakaltasan pa, matagal na rin itong may issue na ganyan, pati caterer tinataga pa. Saan kukuha ang caterer pag tinaga mo ang pagkain ng preso? Siyempre babawasan ang pagkain o bababa at bababa ang quality ng pagkain. Napakaraming issue. Yan ang lumalabas. Habang nakakarinig tayo sa pagdinig ang mga testigong lumalabas, pati ang information pang pumapasok sa amin na hindi pa nate-take up sa hearing, halos lahat na activities doon may pera.”

“Ganoon ang lumalabas (na negosyo sa BuCor). At hindi lang ngayon kundi maski nakaraan pa. Remember nang nagkaroon ng pagdinig tungkol sa high-profile drug lords, para silang hari roon nakapag-party sa loob, ito panahon ni Sec de Lima, nagpunta siya roon nakunan ng video na kumakanta pa siya roon. Ito ang mga practice na parang naging given na, yan na ang new normal sa loob ng Bilibid. Namihasa sila pero lahat na galaw may perang katapat.”

“So far sa mga ebidensyang lumabas doon, walang direct evidence na magtuturong may corruption na particular sa person of ex-BuCor chief Faeldon. Unless may nakita tayong ebidensyang direktamenteng nagbigay sila ng pera kay Faeldon, doon natin masasabing kasama siya. Pero sa dinami-dami ng circumstantial evidence at saka ang actual na nangyayari roon, sa computation ng GCTA, ang mga ganoong maliliit na kina Camilon, maliit yan kasi ito P50K pero pag pinaguusapan natin ang high-profile Chinese drug lords, kaya noon pursue ko ang puntong bakit minamadali ang pagpirma sa 44?”

“May information na pumapasok na talagang all the way to the top. But proving it is another matter.”

“Walang direct evidence. Pero circumstantial, marami tayong nakikita. Bakit nauunang lumabas ang mga nasa maximum ang galing sa Building 14? Ang 7 Chinese drug lords, nanggaling sa Building 14 especially ang 4. E galing ka sa maximum nag-GCTA ka na? Si Sanchez ganoon din. Mas kapani-paniwala, from maximum kasi may good conduct ka lipat ka sa medium at ilipat sa minimum. Kasi 3 yan, ang STAL, Special Time Allowance sa Loyalty, may GCTA. May mga proseso pa nga na kailangan. At ang sinasabing may special talent ka, mangangako kang magtuturo. Kasi binanggit ni Yolanda sa amin, ang asawa niya nakapag-apply meron siyang alam sa theology kaya pwede siya magturo. Kaya nga sila nagkaroon ng pagtatalo kasi hindi credited. Kasi sa field of education or mag-gardening ka, subject to the approval of the prisons director kung papayagan kang mag-apply. At doon ibabase ang computation ng GCTA. E parang 95 points na hindi naisama samantalang naipaglingkuran niya ang kanyang sinabi na parang special ano yan.”

“Ang sigurado rito may corruption, under his watch. Ang inaalam dito, abot ba sa kanya? Sa ngayon walang direct evidence na nagsasaing siya mismo tumanggap. Malalaman nyo kasi marami ang nagiimbestiga. Nariyan ang Ombudsman at PACC, Senate, HOR. So marami pang pwede lumabas na mga development na pwedeng direktamenteng mag-implicate, hindi lang kay ex-BuCor chief Faeldon pati kina Maria Fe Marquez. Napanood nyo naman nang tinatanong ko, namimilipit ang sagot na wala sa katwiran na minamadali, e sa Sablayan lang ang boss niya hindi niya mahintay. Parang ang dating doon ang mga preso nagde-demand na, na kailangan mapirmahan na yan. O kung hindi man ang preso siguro kung sino ang kausap ng mga preso, e inaapura na dapat mapirmahan na on that particular day on Aug 16. Kaya nagkagulo-gulo kasi si Elvira Sanchez siya actually ang lumalabas na nag-tip kay Thelma Chiong na sinabing nakalabas na sina Aznar kasi naiinip sila bakit si Sanchez naiwan. Yan ang hindi pa lumalabas sa pagdinig pero yan ang naunang mga pumasok na information kay SP Sotto na binahagi niya sa akin. So yan ngayon ang isang lead na pinu-pursue ng Senado. At nabanggit ni Tito Sen na may pwedeng lumabas na testigo tungkol dito.”

“Paakyat na tayo kasi itong kay Yolanda, ito ang mga sabihin na nating sa loob ng kulungan ito ang mga hoi polloi. Pero pag umakyat yan sa level ng drug lords at Sanchez ibang usapan yan. Ang range sabi nga rin ni Yolanda at ibang information na pumapasok, from a low of 50, aabot yan ng mga 1.5 per PDL. At pagka talagang super high profile, baka hindi lang 1.5. Yan ang dapat alamin pa rin in the course of our investigation.”

On possible preventive action BuCor can take on officials tagged in anomalies:

“Baka hinihintay pa nila recommendation ng Senate bilang isang body kasi sa plenary mata-tackle yata yan. Pero kung makikita mo talagang seryoso, doon pa lang sa testimony ni Yolanda dapat meron nang proactive na gawin ang executive branch o at the very least sa level ng DOJ. But I think they are already doing that nagsasagawa na sila ng investigation. Pero sa akin, ang proper thing to do is kumuha sila ng transcript sa Senate hearing. Pwede nila gamitin yan o kaya kunan ng statement si Yolanda para ma-formalize. May ginawa bang ganoon?”

“Tulad ng pagimbestiga namin sa DOH. Ang gagawin talagang seryoso. Kaya di ba medyo nagiisip tayo kung seryoso ba o hindi kasi sa DOH and PhilHealth under oath ang mga yan nang nagsabi at may documents sa conflict of interest lang si Sec Duque. Di ba sinabi niya pag-upo niya wala nang transaction sa gobyerno o DOH? E very recent, Dec 2018 nakaupo siya riyan. Hanggang ngayon nagsu-supply pa ng gamot e sasabihin niya wala siyang kinalaman, nag-divest. E pamilya mo yan eh. Ang liwanag ng batas sa conflict of interest sa Code of Conduct and Ethical Standards, RA 6713. Pagkaliwa-liwanag noon wala namang ibang interpretation yan.”

On vetting new witnesses:

“Siyempre humihingi lang (si SP Sotto) ng second opinion. Galing ako sa PNP at meron akong experience sa investigation sa pag-vet ng tao. Hindi lang ako. Include niya si Sen FMD at ang chairman. Si SP ganyan ang ugali, hindi niya sinasarili. Parang consultative ang kanyang liderato. Mulaโ€™t sapul ganyan siya. Hindi ang authoritarian na ito ang gusto ko ito ang dapat mangyari. Hindi ganyan ang style ng leadership niya kaya ang nakikita ko nga hindi na siya mapapalitan diyan hanggang matapos ang second term niya as senator siya na at siya ang nararapat diyan hindi dahil magkaibigan kami, kasi very consultative at talagang inclusive ang kanyang pakikipagugnayan.”

On the transfer of high-profile inmates from NBP to a Marines facility:

“Ang nalipat na 10 inmates, 7 doon ang sinasabing magte-testify vs Sen de Lima, yan makita agad natin kasi inamin ng Pangulo, may mali roon, kasi privilege yan. Galing ka Building 14 maximum security facility tapos malipat ka sa bungalow sa Marine compound sa Fort Bonifacio siyempre doon hindi na natin alam anong nangyayari roon. Pribilehyo yan. In any police investigation, nanggaling ako, naging imbestigador din ako, ang huling portion ng sworn statement o affidavit kapag kinukunan namin ng sworn statement ang isang testigo, naka-manifest doon ito ginagawa ko of my own free will, of my own volition, at walang promise of reward o walang nanakot sa akin. Ito voluntary talaga ito, standard yan, basta kumuha kami ng statement.”

“Miserable ang buhay sa maximum security eh. Kung ang justification nito kasi mag-testify sila kay LDL, di ba pribilehyo yan? Yan ang sinasabi nating may reward. Hindi lang promise of reward kundi naibigay na ang reward sa kanila by way of certain privileges. So sa halip na makapagpalakas ng kaso, baka pagpahina sa kaso yan kasi tiyak sa statement nila kung may submit silang affidavit, o kung tatanungin sila sa cross-examination ng abogado ni Sen LDL, siguradong tatanungin yan. Anong mga privilege at promise ng reward ang inyong natanggap kung meron man?”

“The mere fact they were transferred from a maximum security facility na talagang miserable ang buhay tapos mapupunta ka sa lugar na medyo maraming privilege at magaan, siyempre parang yun na yun. Kaya sa halip na magpalakas ng kaso laban sa nasasakdal, in this case Sen de Lima, baka lalong humina pa.”

“Hindi naman pwedeng interpret yan nang iba pa. Kasi kung pwede sila i-secure sa loob ng NBP, bigyan ng separate facility, pero sa maximum security pa rin sila. At hindi naman lahat yan testigo vs Sen LDL. Ang lumalabas doon parang 6-7 lang ang nagte-testify. Yan ang problema. At hindi alam ng Presidente ang โ€ฆ niya kasi sige ang pasok ng information at pinu-pursue namin ito, na may bayaran ding nangyayari pag nilipat ka from a maximum security facility nilipat sa medium or minimum, lalo ito, naroon ka na nasa labas ka na ng Muntinlupa. Ang information papasok diyan, at least P500,000. Yan subject to validation of course, in the absence of any testimony or sworn statement na nagsasabing ganoon, pero ito ang information na nanggagaling sa loob. Remember kaya lang nadiskubre ang 4 na Chinese drug lords, mga convict, sa information na nanggaling sa loob at totoo nga kasi naroon na sa BI. Kung hindi nabulgar yan, malamang na-deport na yan. Hindi na natin mahahabol, wala na sa jurisdiction natin.”

On whether court’s permission is needed for transfer:

“Ang isang view riyan, kasi wala nang jurisdiction ang korte riyan. Saang korte kukuha ng order? Tapos na ang jurisdiction ng korte, na-convict na. Ang may poder diyan, pupunta na sa executive department na pinaka-Chief Executive, ang Pangulo. Ang tanong kung kailangan ng court order, kaninong korte ka kukuha ng permiso? Kung may pending na kaso halimbawa iniimbestigahan pa, naka-pending sa korte, di mo pwede basta ilabas. Siyempre paalam ka sa court na naglilitis. E wala nang nililitis unless ang iba roon may pending na kaso sa korte aside from their conviction. Pero ang tanong kung kailangan ng permiso sa korte, wala nang jurisdiction ang court.”

“Subject sa implementation ng SC yan. Pag may usaping legal, SC nag-i-interpret. Kung may magra-raise ng issue sa SC, bakit sila nailabas sa NBP o sa BuCor facility, pwedeng i-raise yan at SC na ang bahala mag-interpret kung mali ba ang basta na lang by a mere executive order or instruction, o kaya sa level ng DOJ or BuCor e naialis sila sa national penitentiary. Remember, minsan di ba pagka lumalabas ang kautusan ng korte sa conviction sa decision, minsan inilalagay roon to be transferred to the national penitentiary, yan gray area yan. Kasi kung maliwanag sa utos na pag conviction ililipat sa national penitentiary kasama sa utos ng korte yan. Sabi ko nga, in the final analysis kung may mag-raise ng issue sa SC, pwede i-raise as a legal issue.”

On PRRD’s reported argument that he ordered the transfer for security reasons, because Sen de Lima has allies in NBP:

“Iโ€™ll be very objective sa opinion. Nakakulong na ang ale eh. May impluwensya pa ba yan? Kung SOJ siya masasabi nating may influence pa siya sa loob pero nakakulong na for how many years, mag-3 taon na yata. Anong influence pa, sino pa susunod sa kanya unless pinabinayaran? Para sa akin, hindi na logical para isipin na may influence pa siya roon, papakinggan pa rin siya, unless meron siya naging personal friend doon na matibay ang kanilang pinagsamahan. Pero kung gagamitin lang ang kanyang influence being a former SOJ or even a senator, di ko makita anong influence ang pwede niyang i-wield sa sinasabi niyang naroon pa sa loob.”

“Pagka preso ka ang lagi mong takot ang mismong naroon kasi pwede kang tusukin doon. Kaya siguro maraming gusto mag-testify pero nag-alala sila dahil naroon sila sa loob.”

“From the point of view sa investigation na ginagawa namin na ang huling portion sinasabi ikaw ba ay pinangakuan o tinakot, sarili o boluntaryo ba, lagi sa buntot yan pagkatapos ng affidavit. Magbasa ka maski anong affidavit ng isang testigo lagi sa last paragraph yan na ito ginawa sa sarili ko, kusa. Ako hindi tinakot o pinangakuan ng anumang reward o incentive.”

On whether Senate can widen the scope of its probe on BuCor anomalies:

“Remember, ang BRC motu propio pwede magimbestiga niyan, ang lawak ng jurisdiction ng BRC. So maski pa sabihin nating hindi kasama sa pang-unang usapin ang GCTA for sale may pumasok pang ibang anomaly, walang makakapigil sa BRC para i-expand and i-exhaust ang investigation. Tutal napagusapan na rin ang anomaly at corruption sa BuCor, pwede niya talakayin lahat.”

On PRRD’s statement that he still has full trust in Faeldon, and possibility of ‘recycling’ him:

“Ang trust personal yan sa taong nagbibigay ng trust, pero hindi ibig sabihin noon, tama siya. Yan ang kanyang pananaw eh. Makukwestyon mo ba ang personal trust ng isang tao? Sa kanya yan eh. Pero hindi ibig sabihin porkeโ€™t sinabi ng Presidenteng tina-trust niya si Faeldon kailangan i-trust nating lahat. Kasi iba ang nakikita natin sa pagdinig, sa BOC, sa BuCor. Sariling pananaw yan. Ang pinakamaganda nating gawin, igalang ang opinion ng bawaโ€™t isa. Ang publiko nakapanood din sila ng hearing sa BOC tapos sa hearing sa BuCor. Parang maski saan mapunta bakit may ganoong anomalyang lumalabas? Kung in spite of that sabi ng Pangulo he still believes in him, he still trusts him, personal sa kanya yan. Siya yan at hindi natin pwedeng sabihing huwag mo i-trust yan. Maski ako kung meron akong trust sa isang tao pwede mo ba akong diktahan na huwag mo i-trust yan? Pero hindi ibig sabihin tama ako o tama ang Pangulo.”

“Call niya yan (i-recycle sa ibang ahensya). Kung gusto niya i-recycle o reappoint, nasa prerogative ng Pangulo, siya ang appointing authority, he can hire and fire. Nasa kanya yan. Pero ang balandra niyan, in the final analysis siyempre kung i-appoint sa isang ahensya at nagkaroon na naman ng anomalya sasabihin na naman niya, I still trust him, sa bandang huli baka magsawa na ang mga Pilipino na parang mali na ang ginagawa. Ang pananagutan niya talaga sa Filipino people. Ang panangutan niya hindi kay Cely Bueno, hindi kay Ping Lacson, hindi kay Dick Gordon o Sen Sotto. Ang pananagutan niya sa Filipino people kasi siya ang Pangulo ng bansa. So nasa kanya yan, responsibilidad niya, accountability sa mga tao. At siya naman hindi lumalabas sa kanyang poder, sa kanyang authority. Wala naman abuse of authority kung appoint niya si Faeldon sa MMDA, di ba may mga biro-biro, para mawala ang trapik. Kasi sa BOC nakakawala ang container. Pagka naman sa BuCor nakakawala ang mga preso. Baka sa MMDA mawala ang trapik. Baka nga roon pwede ilagay.”

On HOR withdrawing the 2020 budget bill, allegedly to insert pork:

“Hindi rin uubra. May kopya na kami ng NEP. Natatawa nga ako sa merong attempt i-withdraw ang GAB-1. Pagka nag-submit ang Malacanang ng NEP, kokopyahin lang yan. Kasi hindi naman pwedeng yan ang HOR bill. Gagawa sila ng sariling HOR bill, ang tawag namin doon, GAB-1. Kasi kokopyahin lang ang NEP at tatalakayin at pagkatapos noon, kung ano ang amendments na gagawin nila sa sariling bill kasi hindi bill ang NEP, yan ang Presidentโ€™s budget. So iko-convert yan into a HOR Appropriations Bill. Ang tawag doon GAB-1. Kokopyahin lang, imi-mirror lang kung ano sa NEP, gagawing House Bill nunumeruhan yan. E ang balita roon mukhang may attempt na winithdraw ang HOR bill at gagalawin na, ilalagay ng insertions para ang dating doon, yan ang Presidentโ€™s budget. Hindi rin uubra, natawa ako nang nalaman ko yan, dahil may kopya kami ng NEP yan ang tinatalakay namin ngayon, ang basis namin sa committee hearings ang NEP. Pag dumating sa amin magkakaroon kami ng kopya ng GAB-1, e compare namin yan kailangan pareho yan. Pag nagkaiba yan lagapak na agad yan di ba? Tapos ang titingnan namin, 3 ang ibibigay nila sa amin, meron na kaming NEP. Ang papadala sa amin ang GAB-1 and 2. Ang GAB-2 ito ang kasama ang amendments and insertions at doon nagkakaroon ng malawak na scrutiny. At least ako, yan ang aking scrutinize iko-compare ko sa NEP at GAB-1. Tatlo ang pinagkukumpara namin pag nagma-matrix kami, yan ang kino-compare namin. Tinitingnan ko saan napunta ang mga items sa NEP at GAB-1, at paglabas ng GAB-2 doon ko kino-compare.”

“Pag may lumobo tulad noon may lumobo P50B na may napunta sa distrito ni Nonoy Andaya at GMA, pagkalalaki kasi bilyon yan. So red flag sa amin yan. Kukuwestyunin ko. Kasi doon kami magbabase ng Senate version sa GAB-2.”

“Sabihin na natin, bigyan natin (ang nagtatangkang mag-insert ng pork) ng Triple A sa tenacity.”

“I-moderate na lang. Budget yan. Ilang tax measures na ang pinasa natin, ang pinapahirapan lagi tayo, kasi withholding tax tayo. Tapos makakakita ka ng P1B napunta sa isang distrito na alam natin ang kalakaran mahina ang 20%. Pag nakakita ka ng ganoon magsisipag kang mag-scrutinize ng budget. Hindi naman nila pera yan. Pera natin yan tapos mangungutang pa tayo, magkano na utang natin, sa P7.8 trillion na. Nag-spike ang borrowing natin nitong nakaraang taon eh. Malaki so pag umutang tayo kaapo-apo natin ang sasalo niyan. Para bang wala na tayo sa mundo, baka medyo sinisisi pa tayo ng apo sa tuhod natin, si Lolo kasi sa Senate di man binantayan kami ang sumasalo ng inutang noong panahon nila.”

“Ganoon lang kasimple kaya nagtitiyaga kami inaabot kami ng madaling araw sa pag-aaral ng budget for a good reason, hindi naman ito pampasiklab o i-checkmate ang mga kongresista. Ang mga naninira ganoon ang sinasabi nila na sobra ang ginagawa ko. Pero pag nakakakita ka ng excesses, di ba dapat sa kanila pa lang pigilan na nila e pag nakakita ng P4B sa isang distrito na dati 300M, tapos lolobo ng 4B papayagan ba naman natin yan?”

“Tapos imbestiga tayo ng imbestiga ng korapsyon. Tapos pagharap sa salamin sa umaga bago pumasok sa opisina mo makakatingin ka ba sa sarili mo? Halimbawa may committee hearing, magbibihis ka magsusuklay ka, pagtingin mo sa salamin alam mo ang pupuntahan mo imbestigasyon ng korapsyon, tapos ikaw nangongomisyon sa pork barrel mo, kaya mo ba tingnan sarili mo sa salamin sa umaga?”

On whether HOR can submit budget early:

“Ang pangako nila bago kami mag-break ng Oct 4 papadala sa amin ang GAB-2 ang HOR version. Ang pakiusap namin sa kanila, huwag nyo paabutin ng December saka nyo transmit sa amin yan dahil hindi pwedeng sa loob ng 1 linggo tapos na ang pag-scrutinize namin dahil kung saan-saan kayo magsasasaksak ng insertion diyan e hahanapin pa namin yan. Pwede ba sa isang linggo pasado na ito sa Senado? Mahirap yata yan. Parang maging remiss naman kami sa tungkulin namin na bayaan na lang kung anong dumating sa amin ipapasa namin. So kung pangako nila maibibigay nila sa amin by Oct 4 ang last day ng session, maipangako namin bago matapos ang December approved ang budget ng 2020.”

*****