#PingSays: Up to P2 million ‘Admission Fee’ for Bilibid Hospital? | Sept. 10, 2019

In an interview, Sen. Lacson answered questions on:
– up to P2M ‘admission fee’ and P30K daily ‘board and lodging’ at Bilibid Hospital?
– ‘inconsistencies’ in statements of some BuCor officials
– preventive suspension of BuCor officials by the Ombudsman

QUOTES and NOTES:

On the inconsistencies’ of BuCor officials:

“Ako, almost always, pag nagtanong ako especially in a public hearing, siguradong alam ko ang sagot. Hindi ako mangahas na magtanong dahil kung ano ang sagot sa akin at hindi ko alam ang sagot, I’ll just take it kung ano ang sagot nila. Ang kay Atty Santos siguradong meron akong alam kaya ko tinanong yan. And mahirap nang magsalita. Sa susunod na kabanata na lang.”

“There’s more to it than just jamming with high-profile inmates sa Building 14. There are other information. Kaya sabi ko sa kanila be sure totoo ang sasagot nila before. Hindi ako magtatanong talaga kung hindi ko alam ang sagot. Let’s just leave it at that and wait for further developments.”

“Clearly maski sino namang nakakaintindi sa pag-analyze ng sagot at tanong, sagot ng magkabilang panig, madaling i-discern sino nagsasabi ng totoo at sino ang hindi. Ang 2 beses narinig namin si Yolanda Camilon, ang abogado may tinatawag na details of the truth. Meaning, hindi ka pwedeng maglubid-lubid ng istorya ang detalye mo hindi kumpleto o may gaps. Kung nakita ninyo anong tanungin kay Yolanda o sa inmate si Godfrey, kumpleto ang detalye. And mabuti na rin nai-save niya, and it’s undergoing forensics, ang kanyang cell phone, pati ang cell phone ni BuΓ±o at Bansil. So pag lumabas ang resulta ng forensics na sinasagawa sa phones, lalong lilinaw pa.”

On the preventive suspension of some BuCor officials:

“Yes, pero medyo hindi kumpleto. May ibang personalities na hindi kasama. Anyway it is just a preliminary list of those preventively suspended. I’m sure meron pang ibang masasama at isasama.”

“For one, hindi sila maka-exert ng influence pag wala sila roon, kung preventively suspended. So malaking bagay yan, makakatulong sa investigation. Remember nang tinanggal si Faeldon agad-agad may lumabas na nagtestigo. Siyempre kung ang naging subject ng revelation or whatever expose na sasabihin naroon, siyempre manangamba sila sa physical security nila.”

“Sa akin as far as I’m concerned, being a member of the Committee on Justice and BRC, ang na-accomplish namin so far is more than what we normally expect sa pagdinig. Kasi marami na rin nangyari at marami pang lalabas. Let’s just wait and see saan aabot. Remember I also told you before yung GCTA for sale, ang range na P50,000 to P1.5M could lead us to some more shenanigans or malpractices sa loob ng Bilibid.”

Possible involvement of even higher officials in BuCor mess:

“Hindi naman mag-stop sa level na yan. Ang usapan lang sa ni-reveal ni Camilon, minimum facility, di pa tayo umaakyat sa maximum security facility ng NBP. And I hope we will get there in due time.”

“That’s (P1.5M GCTA) not the highest. Yan ang normal range. According to Godfrey I don’t know if he already testified on that issue, sabi niya may na-release nang nagbigay ng tig P100,000, I think 8 na-mention. Ang ibang drug lords released through GCTA alam niya nagbigay ng tig-P1.5M.”

Reported payoffs to be admitted to New Bilibid Prison hospital:

“Ang NBP hospital, may pangalan ng duktor. I would request the chairman to issue invitations or summonses to those doctors na nagmamando sa hospital. There are reports natanggap namin sa opisina, nag-range from P200,000 to even P2M para ma-confine or ma-admit sa hospital. And meron pang board and lodging amounting to P30,000 a day. Hindi mangyayari yan kung walang magse-certify na doctor. So we need to find out kung ano ang flow ng communication once an inmate, a PDL, would request confinement in the NBP hospital.”

“We have to get the records kung sino ang mga perennial na na-admit sa hospital and for how long. Tapos magkaroon ng diagnosis ano talaga ang sakit nila.”

“Yes ang organic. Tinanong ko rin yan, organic ba? These are doctors, I won’t name them first hanggang ma-issue ang invitations or summonses sa kanila.”

“Sino mag-certify na kailangan ma-confine? Siyempre ang duktor ng NBP hospital.”

“Yan (sino ang tumatanggap ng P30,000) ang gusto natin malaman. Yan ang range, P20,000 to P2M for admission. And then ang stay, board and lodging sa P30,000 a day.”

“Libre ka, nagpapahinga ka. Sa hospital iba ang environment, iba ang kilos mo, hindi masyadong restricted.”

“If you recall may nangyari rin na may inmate na nakuhanan ng media, papuntang dentist. Mukhang walang authority. Gov Leviste di ba?”

*****