In an interview on GMA’s ‘Unang Hirit,’ DZRH, and DZMM, Sen. Lacson answered questions on:
– ‘bottomless pit’ of corruption at BuCor
– ‘friendship’ with the President
QUOTES and NOTES:
On moneymaking schemes at Bilibid:
“Inamin na rin naman ng mga ibang BuCor officials na ganoon ang kalakaran. So bottomless pit nga itong investigation kaya rin hindi matapos-tapos dahil nanganganak ng mga issue, nanganganak ng kontrobersya, nanganganak ng korapsyon.”
“Tinatawanan lang natin (ang usaping ’tilapia’) pero naroon ka, narinig mo sa pagdinig, talagang manlulumo ka.”
“May casino sa loob 24 hours at malakihan ang pustahan. Lahat na klase, may alak, babae, entertainment. Pati droga, pero panggamit nila sa loob. Ang mas malaki ang dini-direct nila from the inside at tina-transact sa labas. At nakapagpalabas ng preso para mag-riding in tandem papatay ng gusto nila ipapatay. Napakalaking sindikato nito. Nagbulungan kami ni SP kahapon sabi niya siguro dapat umupo riyan ang matindi ang intestinal fortitude, inside out hindi kaya silawin pero matibay ang loob sa lahat ng bagay. Sabi ni Dir Ragos pag-upo pa lang nagpatawag ng preso parang automatic na pagka tinatawag kailangan may dala-dala. Ibig sabihin kalakaran na talaga.”
“(Ang kalakaran sa NBP) pagpasok pa lang, dahil walang cash, singsing na P600,000 ang dala-dala. Natawa nga kami sa sagot niya. Hindi niya tinanggap at ang sabi niya ‘huwag muna.’”
“Sabi nga parang mafia na sa loob. Parang omerta tapos kanya-kanya. Ang iba organized, nagkaintindihan na. hanggang bumaba ng bumaba ang level ng corruption. Isipin mo ang doctor, P1,000 para sa abstract, diretso sa drawer. Ibig sabihin nang pumunta ang anak ni Mayor Galario automatic na, pag-abot ng perang nakabalot sa bond paper, diretso sa drawer eh. Parang ganoon na, makikita mo talaga ang kalakaran. Di ka na magtatanong ka, ano yan? Hindi na eh. Automatic eh. Ganoon din ang nangyayari malakihan o maliitan. Pagka ganoon ang Sistema, ang laki ng problema niyan.”
“Every step of the way, may nalalaglag na pera. Kung hindi, may aangal diyan. Kumbaga sa kalsada, may stoplight. E walang stoplight. Mukhang lahat green eh.”
“Si Colangco hindi drug lord. Nang nakitang finance niya operation sa drugs, mag-operate na rin ako ng drugs kasi malaki ang kita so nauwi si Colangco from a mere financier, napunta sa mismong drug operations. Meron ding story pumasok mahirap lumabas napakayaman. Si Diego Sebastian ayaw lumabas, napakasarap ng buhay. Masarap ang amenities, meron silang flat-screen TV, kamang maganda, taga-masahe. Kung gusto magpapatay sa labas kaya magpapatay. At makukulong pa ba sila, nakakulong na?”
On threats to BuCor officials from inmates:
“Di ba nang isang araw lang may sinaksak doon, ama ng isang empleyado sa Senado. Ganoon kalakas ang loob.”
“Natandaan ko si Dir Bucayo noon, siya pumalit kay Ragos. Nakaraan ang ilang buwan na, nagkausap kami, sabi niya resign siya dahil mamamatay raw ang pamilya niya. Siguro nasaksihan niya roon talagang napakaorganisado. Kahit sa labas ka, walang kasiguruhan. Pati mahal sa buhay walang kasiguruhan na ligtas. Talagang lumala ng lumala. Sabi ko nga, binigyan ng so much power and wealth ang preso, pati sila ngayon wala nang magawa kasi lumaki na nang todo. When you talk hundreds of millions na transactions sa droga, ang laki talaga ng perang kayang gastusin ng nasa loob lalo ng high-profile Chinese nationals na Chinese drug lords, yan talaga namamayagpag.”
“Pati sa hospital may watchman kasi magpapa-confine ang isang Chinese drug lord syempre may bayad yan pero may bitbit pa siya, may bitbit ang palad ni Mayor Galario ang pasa bilis. Kumbaga sa NPA kung may darating na SAF sisigaw na ng SAF so magkarambola sila parang walang nangyari. Ganoon talaga kalala ang problema.”
On fate of the three detained BuCor officials who were cited for contempt:
“May pagdinig sa Sept 19, pwede doon i-decide kung pwede na sila palabasin o hindi. Depende kung ano magiging demeanor or attitude nila sa susunod na pagdinig.”
“Gusto ko ano muna sasabihin nyo, baka lolokohin nyo uli kami. Kausap ko SP aga kami roon, may ample time para malaman anong sasabihin. Nang kausap namin, may hindi dumating at diumano ang rason may nakausap na abogado at pinayuhang huwag. Di ko alam kung may pumigil at intimidate sila.”
“Kaya kahapon minabuti namin si Ragos at Ablen… sabi ko kay Chairman Gordon, baka pwede pakinggan para ang hindi nakikitang anomalya marinig natin kung ano ang dating kalakaran na over time hindi nawawala.”
On Janet Napoles’ inclusion in GCTA list submitted by BuCor to Senate:
“Unang una, hindi dapat computerized sila? Hindi mangyayari siguro yan kung computerized. So unless sinadya nila, na meron silang binabalak. Ang sabi nila sa pagmamadali, nagkamali. Pero kung computerized, hindi mo pwedeng gawing dahilan yan dahil may kanya-kanyang synopsis, may kanya-kanyang karpeta o record nila roon. Paano magkakamali?”
“Baka sinasadya, dahil meron na namang malevolent na motibong ipapalusot tulad ng malalaking kaso sa Chinese drug lords. Mabuti na lang inabutan sa BI. Kung hindi, ewan natin ilan ang na-deport.”
On case of Yu Yuk Lai:
“Pina-subpoena ang records ng Metropolitan Hospital. Mukhang napakatagal ni Yu Yuk Lai. Di ba nahuli yan sa Makati Med dapat sa correctional pero sa MMC at may nakakita nag-shopping sa Greenbelt. Dahil naka-confine sa MMC. Bakit at magkano? Ngayon sa Metropolitan Hospital naman. Sabi kahapon 7 buwan na pero sabi ng isang source ko sa loob ng Muntinlupa 2 taon na yan.”
On possibility of new revelations:
“Depende sa takbo ng pagdinig at kung sino ang resource persons na pwede maimbitahan. Marami na ring nag-a-attempt na mismong taga-loob na magsalita. Iniisip lang nila kung paano. May nagre-request ng executive session. Di rin natin alam ano ang motibo nila so inaalam natin yan. Pero may nagvo-volunteer, may nagpapahayag na gusto nila through mga conduits, mga common kakilala namin. In fact nagpaparating sila ng salita, gusto nila magsalita, tell-all ika nga. Yan ang hinihintay namin. Kasi sa ngayon, medyo nasa mababang level except ang testify nina Dir Ragos at Jovencio Ablen, na talagang maliwanag all the way to the top. Pero sa ngayon sa kasalukuyan, hindi tagos hanggang taas kundi doon lang sa baba. Ang mga hospital, sa mga special request. Gusto namin makuha talaga ang kumpletong larawan.”
On legislative immunity to witnesses:
“Willing kami magbigay ng legislative immunity para maging state witness later on. Sa secondhand helicopters, natandaan mo si Po nabigyan namin ng legislative immunity. All the way hindi siya charged… kung meron sana ganoon para makita natin. Mahirap ang omerta ng mafia. Wala eh. Takipan at silence. Kailangan ng assurance, di lang physical security.”
On power of Senate committee to recommend charges, legislate remedies:
“Meron. Pag may committee report, nangyari na ito in the past. Ang secondhand helicopters, sa Sandiganbayan. Marami pa, ang NBN-ZTE, may nakasuhan. Sa rice smuggling. Maraming nangyaring ganyan ang committee mismo nagrekomenda, at umandar ang kaso. Ang iba nga, kay Napoles na galing sa Kongreso ang investigation, nagkaroon ng resulta ika nga.”
“May idea kami more or less ano ang irerekomenda sa plenaryo at irerekomenda sino ang fa-file-an ng kaso. O sa area ng legislation, anong area ang dapat iko-correct. May panukala si SP gawing regionalized, kasi kung centralized, centralized ang corruption. Kung regionalized kasama ang psychological makeup ng inmate dahil reformative ang purpose para ma-reform. Sa experience, kung galing malayong probinsya ang pamilya at detained sa Muntinlupa, after 1 month padalang ng padalang ang dalaw hanggang wala nang dalaw, doon medyo natotorete ang isipan ng detainee. So kung ano ang naiisip. Kung regionalized ka, may access ang pamilya madaling makadalaw. Ang emotional nila at psychological makeup, hindi masyadong apektado. So marami talagang dapat pagaralan.”
“Ang NBP compound napakalaking area noon. At may suggestion na-discuss namin kay SOF ito, kung ano ang kaukulang pondo, higit 300 hectares ito. Originally 700 ha pero converted sa Katarungan Village. Ang 300 ha, pag at a very conservative price, kasi sa Las Pinas-Muntinlupa napakamahal ng lupa, zonal value P40K. Kung P40K for development, gawing P20K per square meter, pag relocate ang national penitentiary natin. Sa 300 ha sa P20,000 easily P60B ang kayang i-generate o kung hindi outright sale, pwede long term sino ka-joint venture na private corporation. At least may tuloy-tuloy na revenue na papasok sa gobyerno at magagamit din sa pag-construct ng detention facility na bago na, high-tech na, nakikita natin sa abroad, 1 pindot ng button magbubukas ang selda. At kumpleto ang technical equipment, CCTV, jammer. Kumpleto, mababawasan ang human intervention. Pag pumasok ang human factor doon nagkaluko-luko. May jammer papatayin naman ang jammer, ganoon din.”
“Mas maganda ang suggestion ng DOJ na long-term lease kasi may income yan. Pag kasabay mo riyan malaking developers, papaubaya mo management sa kanila, ang gobyerno may matatanggap na revenue at huwag sasawalain ang kita, imagine mo kung sa prison facilities natin malaking bagay yan. Pag one-time at constructed na, problema ang maintenance costs.”
On ending corruption at BuCor:
“Yan ang huling tinanong ko eh. Mare-reverse pa ba natin ang situation? And what does it take to reverse the situation? Talagang parang umabot na sa sukdulan. Inmates na ang mas powerful, over time binayaan sila na magkaroon ng poder, magkaroon ng pera, magkaroon ng kapangyarihan at lahat. Sila na nasusunod eh. Itatakot na mismo ang prison guards, kasi papapatay sila. Ang duktor noong 2014, Dr Villacorta I think, in-ambush sa Muntinlupa, kaugnay din sa ano. Ang information doon, mukhang nakatanggap, pardon na lang kasi namatay, ang information hindi nag-‘deliver’ kaya marami pang ganoong insidente. Sinasabi rin ang informal talk namin sa ibang resource persons from BuCor, nakikita nila lantad-lantaran may namamatay roon, pagkatapos pag nagiimbestiga magsasabit na lang kunwari ng pako para palabasing suicide. Ganoon kalakas ang sindikato.”
“Dapat lagi natin isipin may pagasa. Pag inisip nating walang pagasa magmumukmok tayo wala na talagang pagasa. Kung mag-isip tayo positibo may pagasa meron tayong pagasa. Nasa atin yan, tayo kasi nagdadala. Ang apathy na pag nakitang wala nang pagasa, ang attitude na ganoon yan talagang nakakawala ng pagasa sa atin bilang lipunan. Lahat tayo may stake dito, di lang sa sarili natin. Ang mga susunod yan ang mas importante na di ba tayo nahihiya iiwanan natin sa susunod na henerasyon parang binigo natin, di binigyan ng pagasa? Tayo dapat henerasyon natin dapat may gawin tayo. Hindi pwedeng dahil talamak na surrender tayo ng surrender. Ikaw din maraming situation ayaw mo na rin pero sige pa rin. Dapat ganoon ang attitude ang ayaw na dapat sa isipan lang natin pero ang gagawin natin sige pa… Yan iniisip nila, na surrender tayo para tuloy ang ligaya nila.”
On what can be done in the meantime:
“Sa present setup, call ng executive branch. May BuCor Act, kasama ang modernization doon. Bigyan ng second look paano modernize para ang sistema maisaayos… Hindi pwede band-aid solution. Kung GCTA lang titingnan natin paano ang iba?”
On Sen dela Rosa as former BuCor chief:
“Nagsasalita naman siya. Maski sa lounge pag may suspension ng session o maski mismo sa pagdinig nagsasalita naman siya. At humaharap nga siya roon eh. So ako sa pagkakilala ko kay Sen Bato hindi siya ma-involve sa ganyang anomalya kasi nagtrabaho siya under me at maski noong CPNP siya walang ganoong kalokohan o kabalbalan na naibabato sa kanya kasi ang PNP napakalawak din niyan. Kaya kung may kalokohan, di siya makakalusot o makakaligtas. Siguradong may lalabas at lalabas.”
On Sen de Lima’s case:
“I’d rather not comment kasi subjudice na yan (court case vs Sen de Lima).”
“Incidental nadamay na rin nadala sa usapan kay Sen de Lima. Pero thrust ng tanong namin, ang kalakaran sa loob. Incidental ang kay Sen de Lima. Yan ang hinahanap namin, ano binago na introduce na anomalies kung nag-modify sila, o ano na-carryover from previous to current.”
On ‘friendship’ with President Duterte:
“Kung hinahanap ng kaalyado o kaibigan si Presidente, wala nang gagawin kundi purihin siya o kaya i-bootlick o kaya lahat na maganda ang sasabihin pag mali man o tama ang sinabi niya, hindi ako yan. Kasi di ba kung may kaibigan o kaalyado ka na walang ginawa kundi purihin ka, alam mo na nga medyo mali ang sinabi mo pupurihin ka pa, magdududa talaga ako kung talagang kaibigan ko yan. Pero kung pinupuna ka at kino-call ang attention mo, at pupurihin ka naman kung talagang malinaw na dapat kang purihin, yan ang tunay na kaibigan.”
“Ke dumating ang pera, ke hiningi, corruption pa rin yan eh. Kasi yan ang trabaho nila. Di ba yan ang pinagka-discussion ni Presidente, sabi niya sa police anniversary, sabi niya okay ang pulis tumanggap ng regalo out of gratitude o may natulungan, at saka kumita nang kaunting extra sa video karera. Kaya ako nakapag-comment noon, sabi ko mukhang may mali sa kanyang sinabi. Yan ang parang kinagalit niya. One month after ewan ko sino bumulong, sinabi niya wala naman siyang nabanggit na nominal noon noong nagkumento ako. Kung ikakagalit niya ang ganoon, medyo napapaalahanan siya, hindi kaibigan kung lahat na lang puri ng puri, di ba? Ikaw rin magdududa ka kung walang ginawa ang isang tao na sinasabing kaibigan mo walang gawin kundi sabihin ‘ang galing mo’; alam mo nang medyo nagkamali ka, sasabihin pa rin ‘napakagaling mo pa rin.’ E di ba magdududa ka na kung kaibigan mo yan?”
*****