In an interview on DZBB/GNTV, Sen. Lacson answered questions on:
– technology-based solutions to stop corruption at BuCor
– proposed legislation to address BuCor woes
– accusations that the probe is targeting Sen de Lima
QUOTES and NOTES:
On accusations that the Senate hearing focused on the case vs Sen de Lima:
“Hindi naman nag-focus doon. Siyempre incidentally, hindi pwedeng maiwasan na mabanggit din yan. Pero ang focus at ang purpose ng pag-imbita kay Dir Ragos at kay Jovencio Ablen, para malaman ano ba ang ibang racket doon sa loob. Ito ba ay organized, ito ba hindi? Bukod sa GCTA for sale, ang hospital pass for a fee, ano pa ba mga ibang pinagkakakitaan at nalaman naman natin na marami pang ibang aktibidades na talagang pinagkakakitaan. At halos lahat, ito naman kumpirmado na rin ng present setup ng mga officials doon, na halos lahat kada galaw kada activity, talagang may bayad.”
“Hindi kami makakuha ng sapat na information sa mga inimbita naming ilang pagdinig na, dahil may omerta eh. Ayaw magsalita. Kung di pa lumabas din ang pinag-testify rin na 2 inmates mismo na may personal na karanasan sa kung papaano sila hiningan ng pera at kung anong nangyari, ang na-establish doon at least sa 2 inmates, may GCTA for sale. Pero ang level naroon sa mabababa pa lang. Pero ang isa naman sa hospital pass. Ang hindi pa na-establish kasi walang magsalita, ang iba pang activities. Ang pagpasok ng contraband items, although kinorroborate na ni Atty Santos at Chito Roque na may nangyayaring abutan dahil may cell phone. Ano pa ba ang ibang contraband items? Ang na-establish sa pag-testify ng 2 NBI, ay pati ang babae ang sinasabing ‘tilapia.’ Tapos ang weekend passes, pati ang kidnapping ng dalaw. At saka ang entertainment. Pati ang construction materials tapos pati laganap na operasyon ng droga ang nagdi-direct sa loob pero sa labas. Alam mo, sabihin na nating may akusasyon na bakit dinala ang usapan doon, e hindi naman talaga yan ang purpose pero hindi maiwasan. Para ma-illustrate ng 2 ang actual na karanasan, mababanggit at mababanggit si Sen de Lima.”
“Pananaw lang ng isang columnist yan. Sinagot ko nga yan, ang usapan dito, drugs and corruption. Hindi ang sino ang pini-pit against kung sino. Yan ang pananaw niya. Opinion niya yan at siya naman nagsusulat, bayaan na natin siya. Pero hindi natin matatanggap na ganoon talaga ang sitwasyon. Pananaw lang ng isang kolumnista yan, nagpipilit mag-influence ng opinion ng mga nagbabasa ng kanyang column.”
“Hindi naman maiwasan yan na mag-isip sila. Perception yan eh. Pero ano ba talaga ang totoo? Sabihin na natin ang testimony ng dalawa maski naulit doon sa Senado, nasa husgado na ito eh. Kasi kung walang basehan, wala sigurong dinidinig ang korte. Pero napaka-illustrative naman ng pagka-describe.”
“Yan naman ang linya ng mga tanong ko eh, kaya nakapaglista tayo sabi nila 7. Pero kung susumahin tutal natin hindi lang 7 ang pinagkakakitaan doon, halos lahat na galaw pinagkakakitaan.”
“Yan ang problema pagka may kolumnistang nagsusulat. Maski papano nakakaapekto, nakaka-sway ng public opinion. So ang mga sumusulat dapat din may sense of responsibility. Hindi ang haka-haka nila, wala silang basehan. Kung nakinig lang siya lahat ng buong pagdinig, hindi niya iisipin o isusulat. May mindset na. Kasi mula’t sapul ang sinusulat ni Ms Monsod talagang laging biased eh. Sabihin na natin talagang ang bias niya kina Sen de Lima, naroon sa LP. Sabihin na nating ganoon, ganoon kadiretso.”
On giving Sen de Lima a chance to air her side:
“Karapatan niya yan. Kung paano natin gagawin, yan ang paguusapan. Pero para sa akin dapat lang kung gusto niya sumagot, pabayaan siyang sumagot sa pamamagitan ng teleconference o kaya dumalaw ang committee mismo sa Crame kung papayagan ng awtoridad na dinggin ang kanyang panig. Pero ang palitan ng kanilang defense at pag-akusa sa depensa, nasa korte na yan eh.”
On claims that then SOJ de Lima allowed loopholes in the IRR to favor some inmates and to gain campaign funds:
“Too early to tell. Kasi sa ngayon wala namang nagpapakita na yan talaga ang sadya. Kung yan ang intended purpose dahil sila ang nagbalangkas, silang 2 ni Sec Roxas ang nagbalangkas ng IRR, hindi natin alam. Ako hindi ko pagiisipan si Sec Roxas na siya kung sakali mang may intention na ganoon, na siya kaalam dahil kilala kong personal ang tao. Alam ko namang hindi siya papasok na makikipagkuntsaba para lamang mapagtakpan kung anuman ang anomalya sa ilalim ng pamumuno ng dating DOJ Sec De Lima.”
On why ex-BuCor chief Faeldon was not cited for contempt:
“Walang nag-move. Kailangan may mag-motion. Maski si Bansil at si Buño, hindi sila na-contempt kasi hinihintay pa ang resulta ng pag-forensic examination ng kanilang mobile phones. Ang tatlo lantaran naman, kitang kita ng committee. At nasa poder naman ng committee mag-determine sino ang dapat i-contempt at sino ang hindi pa at sino ang hindi. Huwag natin isipin, ako for one hindi papayag mapagtakpan o maiiwas ang usapin kay dating DG Faeldon kasi sa kanya nagsimula itong usapin kaya lang hindi tayo umabot sa level na ang bayaran ay umaabot sa kanya. Yan haka-haka yan, walang testimony. Kaya nga naisipan namin, ako nag-suggest kung pwede ipatawag si Ragos at Ablen para ma-establish ang organized corruption sa loob ng Bureau. Na ito naman ang kanilang sinumpaang salaysay nariyan na mula pa noong 2016. Ako mismo nakausap ko Ablen at Ragos maski bago pagdinig. At pinaikot-ikot ko ang mga tanong ko. Pag nag-imbestiga ka ite-test mo ang credibility. Ayoko mag-delve sa details dahil subjudice usapan natin.”
On reported near-racket where Faeldon tried to require vehicles entering NBP to procure stickers:
“Narinig ko rin yan. Kaya nga lang hindi na-implement ang sticker dahil nagbabayad na rin ng bayad sa sticker ang mga nakatira roon. At may nakatira roon, mga judges.”
On alleged requirement for stores run by BuCor employees and public school teachers to pay ‘rental fees’:
“Yan ang sinasabi natin na pagka ang namumuno ay may malaking problema e talagang laganap yan. Kasi kung physical security ang pagusapan, e di huwag mo na lang bigyan ng permiso. May area na kung saan pwede ang concessionaires para sa dalaw, hindi para sa preso. Ang nangyayari roon parang halong kalamay sa loob. Tapos laging iniisip pagka na-appoint doon ang iniisip, ano ba meron dito sa halip na ano ang babaguhin natin dito? Anong meron dito, anong kalakaran? Sabi nga naging dynastic na rin ang BuCor dahil mga anak na rin ang ang nagte-takeover sa nagre-retire.”
“Maraming ganoon na kama-kamaganak at mga anak-anak. Siyempre o anak dito ka, ganito dito, ganito ka kikita. Ito ang pinagkakakitaan diyan huwag ka mabubukulan diyan.”
On inviting other former DOJ secretaries and BuCor heads including Vitaliano Aguirre II to next Senate hearing/s:
“Pinatatawag nga ni Chairman Gordon si Sec Aguirre. So ito ang mga mali, pagka ang paglihis sa usapin sa issue, madaling gawin yan. Magsulat ka lang ng isang buong column. Pang-iwas, pangligaw, pang-muddle, pang-divert. Pero hindi rin binanggit na inimbitahan din si Sec Aguirre para malaman anong anomalya na nanggaling sa ilalim ni Sec Aguirre. Si Gen dela Rosa laging nag-a-attend doon at sinasabi niya rin, nabanggit din ang tungkol sa kanyang panunungkulan. Tapos pwede ring imbitahin ang nauna pa sa kanila. Hindi ganoon ang takbo ng pagdinig ng committee.”
“DO 953, panahon ni Sec Caguioa nang nilabas ang DO 953, 2015 yan eh. So dapat malaman din may violation. Kasi yan malinaw na violation. Katunayan, ang DOJ ngayon sinasabing sila na dapat may control sa pagpapalakad o pagre-release. Kasi yan naaayon sa batas. Kung babasahin nga natin ang RA 10592, wala sa level ng authority ng BuCor director ang pagre-release. Ang kanila lang doon, mag-compute ng points at GCTA sa time allowance. Mag-compute lang, wala sa kanila ang power. Tapos maliwanag ding natuklasan sa pagdinig ng committee, yung usapin na kasama ba ang recidivist, ang heinous crimes. Medyo na-establish na rin yan, na may mga exception sa pagbibigay ng GCTA. Especially ang drugs, na kung babasahin natin ang Dangerous Drugs Act, may provision doon na hindi talaga kasama pagka drugs yung pagbibigay ng GCTA.”
On remedial legislation to address BuCor woes:
“Papunta tayo roon at marami nang suggestions at maraming ipapass sa mga bills na nai-file tungkol dito. Una ang suggestion ni SP Sotto, sinasabi niya matagal na itong sina-suggest, na i-regionalize na lang, kasi hindi na conducive sa reform pati ang pagpapalakad ng mga BuCor officials ang kinalalagyan nila kasi halos diyan na sila nakatira. Mula 700 hectares na facility riyan, ang iba na-convert nang Katarungan Village, ang iba ginawang diyan na nakatira ang lahat na pami-pamilya ng BuCor officials. Siyempre pag diyan nakatira ang pamilya nila at na-compromise sila, halimbawa nalangisan na ang kanilang palad, compromised, at sila committed na, pag sila nagtalo sila, pwede sila patayin, pwede patayin ang pamilya nila. So hindi na conducive. Parang over time, nag-evolve na ang mga anomalya riyan at saka ang organized na, parang mafia-style activities na hindi na makaiwas ang BuCor officials. Katunayan may mga pinapatay nga. May isang nadiskubre nag-gun-for-hire ang preso sa loob. Ang isang maliwanag na na-establish dito, na parang ang mga high-profile inmates naging napakamakapangyarihan at napakayaman, na sila na halos ang nagpapatakbo ng kulungan, hindi na ang gobyerno. Kasi sila na ang nasusunod, kung sino ilalagay sa kubol, sino ita-transfer sa malalayo, sa Iwahig o Davao; kung sino iko-confine sa hospital, kung sino pa isasama i-confine bukod sa kanila. At sila pa nagdi-direct ng operation ng droga sa labas. Maliwanag yan.”
“Ibig sabihin, it has gone so bad na naging helpless na ang gobyerno at ang nasusunod na ang mga inmates na halos ayaw nang lumabas dahil enjoy na enjoy na sila roon at naka-secure sila roon, kumpleto bodyguards nila roon. Kung sino gusto ipapatay naipapatay nila, kumikita sila ng pera. Kung gusto nila ng babae nakakapagpasok ng babae.”
On regionalization of prisons and amendments to GCTA law:
“Sa GCTA law pinaguusapan namin kung ia-amend namin kasi baka mamaya magamit pa yan na pag in-amend magamit pang depensa o kaya gamitin para sabihin kaya ninyo in-amend yan e dahil tama na dapat, halimbawa si Mayor Sanchez, (baka sabihin na) talagang tamang i-release ako kaya ina-amend ninyo, baka yan pa ang gamitin. So yan ang pinagaaralan namin kung directly ia-amend ba o IRR lang ang kailangan i-improve. Ginawa na naman ng DOJ at DILG. I suppose bukas parang isa-submit na nila yan. At gusto rin namin makakuha ng kopya ng kanilang ginawa nang sa ganoon madesisyunan namin kung kailangan pa ba amyendahan ang provision ng batas. Although may ambiguities doon, may conflicts, baka pwedeng maremedyuhan ng implementing rules.”
On adding years to inmate’s sentence if he/she is caught with contraband:
“Kung may technical na intervention na talagang outright hindi sila pwede, sa US pag nahulihan ka ng mobile phone sa loob, automatic dagdag sa sentensya. Tama yan. Kung magbabalangkas kami ng batas, ang mga violation sa loob may mga certain violation na dapat wala na, ewan ko how this will go against the Constitutional provisions of due process at saka ng right to defend sa proper court. Pero mas magandang sistema pagka nahuli sa akto, ipasa ang regulation, sa US puwede yan. Pag nahulihan ka ng contraband item like cell phone, dagdag yata ng ilang taon sa sentensya. Automatic, wala nang court decision. Or maski may court decision, pwede isama sa batas na may corresponding penalty madadagdagan ang kanyang sentensya, hindi na panibagong kaso, kundi hindi na siya fa-file-an ng possession of contraband item or whatever, pero automatic ifa-file, violation of BuCor law na automatic na agad. Of course may pagdinig para magdepensa ang sarili pero hindi na maraming chechebureche pa na ipo-prove pa na parang, kasi huli na sa akto eh, so automatic may dagdag sa sentensya. Hindi na yung sentensyahan siya nang panibago.”
On DOJ reportedly seeking wider control over BuCor:
“Tulad ng sinabi ko kanina, yan ang talagang nakasaad sa batas. Hindi lang sinunod eh. Kasi maliwanag ang Department Order. Malaking pasalamat kay Sec Caguioa.”
“Ibig sabihin doon ang administrative control dahil hindi siya nag-a-appoint eh, Presidente nag-a-appoint nga eh. Tapos halos walang control, pati ang pag-release ng mga preso sa GCTA halos wala silang pakialam. Controlled na lahat ng BuCor. Yan ang sinasabi nilang bigyan sila ng mas malawak na control hindi lang sa GCTA na usapin na dapat lang ibalik sa kanila kasi talagang sa kanila yan. Wala naman sa power yan.”
On checks and balances in BuCor:
“Internal na yan. Executive, sa kanilang usapan yan dahil presidential appointee talaga ang DG ng BuCor. Pero ang control na sinasabi hindi lang sa policy kundi pati siguro ang day-to-day operation bigyan sila ng kaunting poder or control na sinasabi nila, which sumasang-ayon kami kasi yan ang check and balance. Tingnan mo ang nangyari. As a matter of practice, although taliwas ito sa sinasaad ng DO pagdating sa BuCor Act, sa RA 10575, na pinalabas din, hindi nga nasunod eh, parang napabayaan na. Mabuti na rin pasalamat na rin tayo yung ang ating kababayan na nagkaroon ng pagdinig. Kasi kung hindi, hindi nabulgar lahat ito, tuloy-tuloy ang ligaya sa loob, malala na nga, baka lalo pang lumala.”
“Unang una ang GCTA, sila dapat kasi nakalagay na upon prior approval of the SOJ. So dapat ibalik yan. Dapat i-exercise nila yan, ang control na yan, na hindi nila na-exercise at least sa ilalim ng pamumuno ni Sec Guevarra. Yan ang hinihingi nila na more control, na sang-ayon sa batas at sang-ayon sa lumabas na DO na hindi pa nare-rescind, di pa nababalewala. Talagang in practice, gawin. Yan ang sinasabi nilang malawak na control. Hindi lang yan. Pati siguro ang ibang dapat dumaan sa approval ng SOJ o sino ang Usec in charge man lang sa level niya. Pati hospital pass. Dapat siguro control-in ng SOJ. Lahat na natuklasang anomalya. Kaso ang masama nito kung ang pumasok na SOJ ma-coopt din, yan ang magiging problema natin. Lahat yan may human factor. So sa pagbalangkas ng batas, yan din ang iisipin namin, kung paano mabawasan at ma-minimize ang human intervention kasi diyan nagsisimula.”
On why public should be concerned about corruption at Bilibid:
“Kasi apektado hindi lang loob ng Bilibid. Unang una sa droga, kailan lumaganap nang husto ang droga? Nang nakulong ang Chinese drug lords kung saan tuloy-tuloy ang pamamayagpag ng operation ng droga, ang direction nanggagaling sa loob ng BuCor. Ito dapat ma-profile natin by way of empirical data, anong panahon na lumaganap ang operation ng droga sa labas, hindi sa loob ng BuCor?”
“Tanungin natin ang PDEA, tanungin natin ang CIDG, tanungin natin ang mga pulis. Pag nag-interrogate sila, pag nag-imbestiga sila, ang turo sa loob kung saan nanggagaling ang pag-direct ng operations. Sila tinuturo lagi kasi ilang beses ko nakausap sa PDEA natin, si Gen Magalong noon, talagang basta malakihang operation at nasabat dito sa labas, all roads lead to BuCor. Kung sinabi mong mga Chinese drug lords kasi binigyan ng kubol, binigyan ng cell phone at binigyan ng laptop, sila kaya nila mag-direct.”
More technology, less human factor:
“Pag pumasok na ang human factor, doon na. Tulad halimbawa procure tayo ng P300M worth ng jammer. Meron namang tagapatay dahil babayaran. Parang part ng sistema na parang technology na ang magdi-dictate. Halimbawa sa Parañaque City, ang sistema sa traffic violation, analogy lang ito, pati ang kawani ang City Hall employees hindi sila pwedeng makiusap kay Mayor kasi pag nakuhanan ka ng camera, ikaw halimbawa coding ka at maliwanag ang ebidensya, daratnan ka na lang ng multa na notice, ikaw magpunta, pupunta ka sa opisina, doon ka magmumulta. Paano ka makikipagusap kay Mayor? Para tulungan ka ni Mayor, si Mayor ang mag-aabono. Yan ang mga sistema na ang influence hindi na pwedeng ma-exercise.”
“Kung hindi makapagbalangkas, makaisip tayo ng paraan na maski ang BuCor DG hindi pwede baliin ang nasa batas dahil nariyan na sa sistema by way of technology and everything else, yan ang napaka-ideal na situation. Sa ibang bansa ganoon eh. Hindi na maka-exercise ng discretion kasi ang nasusunod ang sistema na naaayon sa batas.”
“Tulad sinabi ko kanina, traffic violation dinatnan ka pupunta ka, maski pumunta ka kay Mayor walang magagawa si Mayor. Karamihan ng namumultahan sa coding at traffic violation sa ibang siyudad di lang siguro sa Parañaque, mismong mga employees eh. Wala silang magagawa, magbabayad sila. Yan ang napakagandang sistema. At kung ma-implement natin hindi lang sa BuCor, pati sa buong makinarya ng gobyerno yan siguro napakagandang sistema.”
“In this day and age of technology, napakaraming available na oportunidad para sa administration, sa management, sa administration ng gobyerno, kung saang mawawala ang corruption. Halimbawa BIR kung automate ang BOC kasi computerized din sila, mawawala ang tara kasi walang person-to-person contact. Kausap mo palagi ay technology. BIR ganoon din.”
On National ID as a weapon vs graft, corruption:
“Magandang pagkakataon kung National ID system, gamitin na natin itong weapon sa halip na, kesa isipin ng kababayan natin o taong gobyerno kung paano paiiikutan ang National ID system na magiging in place na starting January. Pag ito fully implemented, ito magandang pagkakataon para baguhin ang system sa gobyerno para maiwasan ang corruption at discretion ng mga namumuno. So ito na oportunidad natin. Mabuti nga nakapagpasa tayo ng National ID system. Yan na siguro, iayon na natin diyan ang pamamalakad sa gobyerno nang sa ganoon mawala ang personal discretion.”
*****