Interview on DZBB/GNTV: Baloyo Pa More; Gen. Albayalde’s Fate | Oct. 6, 2019

In an interview on DZBB/GNTV, Sen. Lacson answered questions on:
– continued drug recycling by P/Maj Baloyo’s ‘colleagues’ who are still out there
– fate of Chief PNP Albayalde and race for his successor
– generals reportedly involved in drug trade

QUOTES AND NOTES:

* NINJA COPS ROW:

On ‘Baloyos’ in the PNP and the war on drugs:

“As long as there are Baloyos in the PNP, hindi maaayos ang laban against illegal drugs. Kung sila mismo nagre-recycle at hindi tinu-turn over ang kumpletong ebidensya at magpapalit pa ng nahuling suspek, imagine kung isang Baloyo lang napakalaking damage na sa PNP. Para maging warning din sa ibang tulad ni Baloyo na hindi pupuwede; ang tinatawag na the long arm of the law will eventually catch up with them.”

“Ito 6 years ago nangyari, siyempre all these years iniisip nila lusot na. At pagka nakalusot ibig sabihin pwedeng gumawa pa uli sila ng parehong scheme. At hindi natin alam kung meron pa silang ginawang pareho rin similar sa ginawa nila noong Nov 29, 2013. So ang pinakamagandang gawin ni Gen Albayalde para ma-erase ang doubt, ako mismo sa totoo lang nagduda rin ako sa kanya dahil sa nangyaring testimony noong nakaraang pagdinig.”

“Si Baloyo bago siya na-appoint na intel officer ng provincial command, dapat kumpleto na background investigation.”

On others like Baloyo still into drug recycling:

“Ang hindi pa natin natatalakay, sino ba nagtulak na maging intel officer siya. Si Gen Albayalde o Col Albayalde at the time ba ang namili, o may nag-refer sa kanya para maging intel officer?”

“Ang background ni Maj Baloyo, Class 1999 ng PNPA, magkaklase sila ni Reydado, ang sinasabing diagram sa Agaw Bato naroon ang mga links. So yan hindi pa masyadong naimbestigahan dahil meron pa bang nasa labas na naroon sa diagram? Meron pa. Kasi sa information namin, meron pa ring iba, at least isa na nakita kong member ng Class 1999 ng PNPA na naroon din sa, hindi nga Agaw Bato ang code nila riyan. Ang tawag daw nila riyan Agaw Prutas. Kasi halimbawa pag sinabing 5 kahon, ibig sabihin 5 kilos yan, 5K.”

“So marami pa dapat tuklasin at may mga opisyal din na nakakaalam ng information. At yan ang balak natin kausapin para makapagbigay linaw dito sa Agaw Bato o Agaw Prutas na modus operandi. At karamihan dito Region 3 talaga naka-assign. At ang link papasok sa National Bilibid Prison. Paano nabenta ang 160, o ito ba kulang-kulang na 200 kilos ang naipuslit dahil ang balita roon, hindi lang 200 kilos kundi mahigit pa. So kung mahigit 200 kilos at 30+ lang ang pinasok na ebidensya, mga 200 more or less ang ikinalat pa. At sino nagkalat noon?”

“May information na pumapasok, may personalities na binabanggit na contact nila sa loob ng NBP. Gusto natin malaman lahat yan. Kung hindi at meron pang sa labas na kasama sa Agaw Bato o Agaw Prutas, nariyan pa yan, pwede pa mag-operate yan. At paano maipapanalo ang war against drugs kung may pulis mismo na sangkot sa pagre-recycle? Paikot-ikot na lang yan.”

On what Gen Albayalde should do:

“My take on Gen. Albayalde, hindi ang kung anong dapat gawin sa kanya kundi ano ang dapat niyang gawin. Ang maganda niyang gawin para maalis ang pagdududa dahil nagkaroon ng duda nang nagpalit ng statement si Gen Aquino at confirm niya ang unang sinabi ni Gen Magalong, at pati ang pagbigay salaysay ni Gen Gaerlan, maliwanag talagang niloloko nina Baloyo pati ang investigating officers.”

“So ang pinakamagandang gawin ni Gen Albayalde at ito pinangako niya noong pagdinig nang tinanong ko siya. Sabi niya within 1 month or so na natitira sa serbisyo, gagawin niya lahat para mai-correct ang maling decision na pinagbigyan ang demotion sa halip original decision na dismissal from the service.”

“Ipakita niya na hindi niya pinoprotektahan, hindi niya kino-cover up sa pamamagitan ng isang review, pwede niya ipagutos, review-hin ang mga dokumento, di naman kailangan siguro ipatawag pa ang panibagong testigo. Balikan lang ang dokumento at pati ang transcript, ang PSN ng Senate hearing, makikita roon na hindi talaga nagsasabi ng totoo sina Baloyo.”

“Medyo di natuloy ang pagtanong ko kasi may parang sabihin nating umagaw sa mga itutuloy kong tanong. Nailabas kaagad na 1 week earlier pala ang report at ito nakapaloob sa isang intelligence project. Ang susunod kong sanang tanong noon kung ito 1 week ago meron na palang intelligence project, imposibleng hindi pinagpaalam ito sa provincial director. Hindi umabot doon eh kasi doon sana tumbok ng tanong ko pero ano na rin, kahon na rin kasi kulang na kulang ang oras.”

“Imposibleng may walk-in informant 2 p.m., 4:30 nagre-raid ka na, so alam nating hindi 4:30 yan, alam nating 10 a.m. base na rin sa pahayag ng security guards. Ang mga testimonies pwede pang sabihin word against word. Pero ang logbook ng security guard, ng agency, hindi nagsisinungaling yan. Logbook yan.”

“(Gusto ko marinig kay Gen Albayalde), kung ano ang totoo sabihin niya. Dahil sinabi niya na parang paiwas din ang sagot niya sa nakaraang pagdinig yung nauna na, na sinabi niya na in-inform niya rin pero nang nasa area na raw sila.”

***

* GEN ALBAYALDE’S FATE:

On calls for Gen Albayalde to resign:

“Ang resignation, personal decision yan. Hindi dapat pakialaman ng kung sino. Ang nangyayari kasi pag may ganyang kontrobersya, eventually nagre-resign din pero alam natin kaya nag-resign, pinagsabihin ng appointing authority in this case ang Presidente ng PH, sa halip na sibakin kita, mag-resign ka na lang. Di ba minsan matibay ang sinasabing hindi ako magre-resign, then after a few days magre-resign din? Pagdating ni PRRD, at pwede magkausap sila o iparating na lang ni PRRD kay Gen Albayalde na huwag na hintayin na sibakin ka kundi mag-resign, nasa kanila yan. Pero ang voluntary resignation, personal decision yan. Doon ka magre-refer sa konsensya mo kung nararapat ba. Ikaw nakakaalam kung nararapat bang mag-resign ka o hindi.”

On reports that President Duterte wants Gen. Albayalde probed over recent allegations:

“Unang una, si President Duterte ba mismo ang nag-utos? Hindi eh. Si Sec Panelo ang nagsasalita. Alam din natin na minsan nagsasalita si Sec Panelo na hindi naman talaga yan ang sentimyento ng Presidente. So kung marinig natin mismo sa Pangulo na siya mismo nagsabing pinaimbestigahan ko o kaya wala akong tiwala o may tiwala ako, yan ang dapat natin tanggapin na yan ang totoo. Pero kapag ang kanyang spokesman na alam naman nating hindi lahat na sinasabi ay dapat paniwalaan, mahirap magkumento kasi hindi natin sigurado kung talagang galing kay PRRD.”

“Track record ito, kung may pangyayari sa nakaraan at lalabas na hindi pala yan ang sentimyento ng Pangulo, alam nating may problema.”

On Albayalde’s successor as Chief PNP:

“Meron kaming RCBI, Record Check and Background Investigation. Pag nag-a-appoint ka, yun nga lang intel officer, bago ito ma-appoint, kumpleto ang record check niya. Security clearance, ano ang kanyang reputation, anong ginawa noong nakaraan bago na-appoint. Yung ganoong level.”

On Gen Albayalde’s claim he is a victim of politicking:

“Kung sinasabi nanggagaling kay Mayor Magalong ang pag-politicize? Mahirap tanggapin yan. Unang una hindi nagboluntaryo si Gen Magalong. Talagang pinatawag siya ni Chairman Gordon para mag-testify. Kasi nga ang NBP activities sa drug trade na-connect sa ninja cops kaya lumabas ang usapin na napasama si Gen Magalong sa investigation ng SBRC at committee on justice.”

On rumors that Sen Lacson and Mayor Magalong are backing someone to succeed Albayalde as Chief PNP:

“Wala akong kilala sa mga ano ngayon. Wala akong nakasama riyan na directly nagtrabaho under me. At ni minsan hindi ako nakialam sa appointment ng CPNP especially sa ilalim ng pamumuno ni Presidents Aquino and Duterte. Wala, never. Si Gen Bato naging tao ko pero talagang choice yan ni PRRD na siya maging PNP chief under his term. Pero wala akong pakialam at hindi ko rin malaman kung sino itutulak ni Gen Magalong. Kasi ano mapapala niya, e mayor siya ng Baguio ang dami ring problema roon.”

***

* GENERALS IN DRUG TRADE:

“Based sa information, meron (akong alam). Kaya lang, mahirap na. Bayaan na natin si Presidente magsalita.”

*****