In an interview with Senate media and on DWIZ, Sen. Lacson answered questions on:
– meetings with VP Robredo and Manila Mayor Moreno
– President Duterte’s expected support for VP Robredo in anti-drug war
– P100B planned House realignments in 2020 budget
– appointment of new PNP Chief
– possible new post for retired PNP chief Albayalde
QUOTES and NOTES:
* MEETING WITH VP ROBREDO:
On drug problem strategy:
“Yung supply constriction, doon i-shift ang strategy ng paglaban sa droga. Nakita rin natin and it makes a lot of sense. Di ba nakita natin sa BOC ang mga pumapasok at nakakalusot na tone-toneladang droga? Pag sa demand side ka nag-concentrate, addict yan eh. So siyempre maski hindi na niyan naiisip kung anong pwede mangyari sa kanya, pwede mapatay siya pwede makulong siya, kasi nga addict, malakas ang urge. Pero pag supply ang focus mo, unang una magiging prohibitive and presyo.” Pangalawa big-time drug dealers ma-hit mo.”
“Binigyan ko siya ng kaunting input sa resources na available, kasi ako nagde-defend ng budget ng DDB at PDEA. So binigyan ko siya ng briefer sa available resources. At nabanggit ko sa kanya may nailagak ako P15M at the request of PDEA para sa current year. Inter-agency committee ang ICAD, yan ang request ng PDEA… For 2020 di nag-request ang PDEA kasi sa NEP na. Nag-recurring budget sa ICAD. 2018 walang budget, pag 2019 nagkaroon. And I also told her may earmarked revenues sa special account ng DDB may P104M pero kina-cap ito, parang binigay ng DBM taon-taon P77M hanggang doon lang pwede gamitin. Sabi ko sa kanya kung makausap niya si PRRD pwede siguro i-request i-lift ang conditional veto. Conditional veto yan, in-amend ko special provision na kung pwede gamitin ng DDB ang naka-earmark na revenues from fees na ini-issue ng law enforcement agencies and then support galing sa Pagcor and PH Racing Commission. Kung ma-request sa PRRD ma-lift ang conditional veto, makakakuha pa siya ng between 104 and 77 makaka-generate ng additional pondo idagdag sa P15M.”
“Marami ako ire-refer na tao na both sa active service at newly retired na maalam sa operation ng dangerous drugs, kakausapin ko sila para makatulong sa inyo; para magbigay ng information. Hindi adviser. Ito mga volunteers kakausapin ko magboluntaryong tulungan siya, magbigay ng advice. Amenable siya. Talagang very interested siya matuto at talagang magampanan ang tungkuling ibinigay sa kanya.”
“May mga former police officers doon na talagang maalam sa trabaho na wala namang assignment sa gobyerno. Pero sabi ko especially Sec Cuy very competent at on the level mag-isip. Although ang kanyang co-chair yan din isang parang di ko alam kung na-express ko sa kanya, parang awkward ang situation because the chairperson has the rank of Usec. Tapos co-chair, siya, although wala sa memorandum na binigay sa kanya, parang Cabinet member, parang awkward. I don’t know how they will resolve it. It’s between her and PRRD. Sabi niya basta pinatawag siya formally.”
“Mga advice lang ito that she can take or not. Sa kanya na yan. Pero maganda ang naging meeting. Napansin ko sa kanya very interested siya na matutunan especially sa law enforcement aspect. Pati ang comprehensive.”
On tapping DepEd, intel networks:
“Isang na-suggest ko sa kanya, closely coordinate with DepEd. Ang San Francisco and LA police, may DARE, Drug Abuse Resistance Education. Napaka-effective kasi target noon 6th graders, elementary students. Gagamitin niya rin, panahon ni PJEE, in-adopt sa PH ang PhilDARE, ang pulis natin mismo 1-2x a week dadapo sa eskwelahan para mag-lecture ng tungkol sa masamang epekto ng droga habang nasa formative years ang bata, ipamulat sa kanila ang masamang dulot ng illegal drugs. So she took note. Sabi ko pwede niya i-research yan ina-adopt yan sa ibang bansa at effective yan sa US.”
“Ma-control mo kung enhance mo intel network mo. Isa pang napagusapan, dapat palawakin ang network na magkaroon siya ng close coordination with foreign counterparts. Share ko aming experience noong sa PNP pa ako, napakalapit ng aming coordination with US DEA, Australia, HK, even Macau narcotics nila, units doon. Dito sa bansa natin may reps yan at ang isang suggestion ko rin, kung pwede siya maglahad maski executive director ng committee kasi mukhang sa organizational structure walang ED or secretariat. Yan ang mga napagusapan namin.”
On PDEA chief Aquino’s suggestion to join anti-drug ops:
“That could be arranged kasi interesado siya pero huwag naman ano, kasi ma-compromise ang operation kung kasama ang VP mismo from start to finish kasi sa security pa lang nakakalat na security niya mate-telegraph ang operation. But they could make some arrangements paano sasagawa yan. Pero from briefing sa jumpoff tapos sa mismong operation di pwedeng pabayaan mo VP, ang 2nd pinakamataas na opisyal ng bansa, ilalagay mo ang buhay sa alanganin dahil susugod siya roon. Di naman iyan siguro ibig niyang sabihin. And clarify niya sinabi niyang zero killings di literally ganoon ibig sabihin noon. Ang overarching noon, bawasan natin ang patayan na unnecessary, ang hindi in self-defense, ang arbitrary.”
“Let’s face it kasi marami talagang alam na natin dahil sa pagdinig ng Senado, may abuso rin na unnecessary ang killing pero may namamatay. Yan naman clarify niya napagusapan namin imposible zero killing. Kung halimbawa babarilin ka ng quarry mo alangan iilag ka lang at susugurin mo parang immobilize mo lang physically. Or with bare hands. Hindi naman ganoon ibig sabihin. Imply kasi ng ilang tao lalo na ang nagki-criticize na yan gusto mangyari ni VP, which is far from the truth.”
On drug war deaths:
“Sinasabi lang doon maraming napatay 3.5 years, although hindi natin ma-judge kung failure or success, it continues to be a problem. Kung ganoon ang strategy mag-isip naman tayo paano improve. Yan ang sa kanya. Basically doon umikot. Of course may classified info rin akong binigay sa kanya, appreciate niya naman, she took note, di pwede discuss publicly, on how how to deal with big-time drug dealers, especially mga importers. Alam niya rin na karamihan galing sa China, although transshipment from Cambodia, Myanmar, Golden Triangle. Marami kaming discussed pero iba di marapat i-share kasi may classified portions sa usapan.”
“Alam niya rin yan. Sabi niya di ba binanggit niya sa kausap niya kahapon, basta huwag kang lalabag sa rule of law, rules of engagement, ma-minimize ang killings. Ma-address mo yan kung ang mga tinatawag na ninja cops, i-address mo rin kasi yan ang gumagawa ng kalokohan. If you recall sa una naming pagdinig nang ako pa sa public order, di ba may pulis na naglilinis, bago pumasok admin ni PRRD, ito nakikipag-deal at nagre-recycle ng droga, tapos ang alam nilang pwede magturo sa kanila. Kaya nagkaroon ng maraming patayan kasi ang mga naglilinis na pulis nagisip sila baka maituro sila, yan ang pinagpapapatay nila ang dating couriers nila, etc. Matter of public record yan, sa hearings namin. May nangyari noon na umiiyak ang magulang, sa Antipolo, anak nila dating nagbabalot ng droga na nire-recycle ng pulis tapos in-operate ng pulis.”
On reported claim that the entry of drugs into PH is uncontrollable:
“Hindi. Isang napagusapan namin ni VP, sabi ko intelligence, intelligence, intelligence. Ang intelligence napakaimportante noon, that’s the prime mover of all operations especially sa law enforcement. Kung bulag ka and di mo alam target mo, anong gagawin mo? And coming from Gen Pimentel na dating director for intel sa PNP, parang mahirap paniwalaan na ganoon ang kanyang view na uncontrollable ang pagpasok.”
On being VP’s adviser:
“Legislative ako, executive sila. Di pwedeng formal. Pero may usapan kami open ang linya and anytime may gusto kayo tanungin o clarify pwede naman kasi open ang line of communication. And may ni-refer akong tao na pwede directly makausap nila ng kanyang staff na magtanong, di kailangan i-plantilla, yan naman mga volunteer advisers. Kung kukuning plantilla or consultant, it will entail additional expense kaya di na kailangan yan. And I know ang mga taong binanggit ko sa kanya more than willing to help.”
Word of caution to VP:
“Napasukan niya siyempre maraming character. Sabi ko ang especially ang pulis sari-saring character. She should really watch her back all the time.”
“May lumabas na alam nyo na, may hindi pa lumalabas pero nariyan sa intel reports na nakikita ko nababasa ko at nalalaman ko through my own contacts. Brief ko na rin siya roon. As of now di klaro how these people could be handled and handled properly.”
“Sa kanya basta trabaho lang, kung sino ang pwede makatulong sa kanya sa trabaho niya, welcome sa kanya. Wala akong nakitang, sabi ko nga, 2 bagay yan. Do your job and make the people know how you are doing your job. Di lang ang pagganap sa trabaho, kundi ipaalam. Kasi uso ngayon mga trolls. Siyempre kung di nakakarating ang ginagawa ninyo, sabi niya wala yan, basta alam naman ninyo wala akong capability, wala siyang pondo para gumastos sa ganoon. Bahala na lang. Yan ang focus niya.”
“Ang ale napakasimple. Hindi naman ako close sa kanya, mas close ako sa late husband niya dahil pag nagpupunta ako ng Naga, yan naman nakikita ko roon. Kaya napakasimple ng ale. At very logical mag-isip. Yan lang masasabi ko.”
On suggestions for VP to have own unit:
“Hindi viable yan under the memo na issued para sa kanya kasi inter-agency committee co-chair siya. Di siya para maging operative. Pero isang suggestion, she should develop her own people who could be trusted. It entails a lot of study in the performance of her duties. Makikita niya sino credible and trustworthy sa tao, mag-develop siya ng sarili niya within the law enforcement na pwede mag-provide ng intel info sa kanya o mag-observe ano kamalian sa naliligaw na landas na pulis. Kesa mag-form siya ng sariling pwersa baka mahirap sagawa yan, baka taliwas sa assigned task na binigay sa kanya.”
“Ako naman noon (as OPARR), 2-3 lang ang talagang hindi nag-attend ng meetings, pero by and large nakuha ko cooperation ng majority ng Cabinet, pag nagpapatawag ako ng meeting naroon sila sabi ko lahat pwede matutunan kailangan may nag-advice na maalam. Ganoon din ginawa ko, anong alam ko sa rehab bigla akong in-appoint in charge of Yolanda? I just put them on the spot, 2 ang hindi nagkocooperate after that cooperate na sila, join na meetings. Sabi ko lahat natutunan. Built-in advantage ni VP, VP siya. Ako wala noon kasi tapos na term ko sa senator. Simple Ping Lacson lang ako noon pero nang in-appoint ako, sa diskarte rin yan. Siya nariyan siya, No. 2 pinakamataas. So built-in sa kanya pag patawag siya, naroon lahat. May binanggit siyang pwedeng di makisama for 1 reason or another. Pero sa unang pagdinig, tama yan, small group meetings susunod, ito di namin napagusapan, pero tama ang gagawin niya na sometime next week papatawag niya small group members o 1 group ng cluster, mga cluster meetings.”
“Maraming matutunan basta nagaral ka and you put your mind and conscience into your jobs, madaling matutunan. Ang problema kung tinanggap mo trabaho wala kang intention mag-accomplish. Ako kalaban ko may pulitiko yellow at Marcos side, Tacloban pa naman ang area. Medyo nahirapan ako noon kasi nahaluan ng pulitika ayoko makipag-pulitika. Nahaluan na rin kasi may alitan, calamity ang ano. Ako di naman nagbuhat ng sariling bangko, I delivered kasi ang mission ko mag-prepare ng comprehensive rehabilitation plan, which I did in a record time of 8 months. Pero tumulong sa akin noon, hindi national government. Ang tumulong talaga sa akin noon, mga UNDP, USAID, ang mga private at NGOs. Ganoon din attitude ni VP, sabi niya di ako parang umasa, nahiya siyang hingi ng budget. Sabi ko resource ang kailangan. I leave it to her ano diskarte niya sabi niya nahiya ako hingi pondo.”
President Duterte’s expected support for VP Robredo:
“Now that she has accepted, parang unang problemang gusto harapin ni Pangulong Duterte ito I don’t see any reason bakit hindi siya susuportahan.”
***
* MEETING WITH MAYOR MORENO:
Advice to Mayor Moreno:
“Sa kanya naman ang isang problema ang internal cleansing tapos paano matitigil ang kotong. Siyempre nakikipag-ano siya sa vendors and drivers, nariyan pa rin, may nangongotong na pulis. Yan din, binigyan ko siya how to go about it.”
“May tips ako binigay sa kanya how to handle it. Sabi niya take notes naman ang kanyang COS si Cesar Chavez, na kasama kagabi. Doon umikot usapan namin, disciplinary mechanism na pwede niya gamitin under PNP law and how to handle. Alam niya kaya siya humingi ng audience at kaunting tips, dahil poproblemahin niya sariling police force sa Manila at malapit sa kanya na pwedeng paikutan siya. Ang mama naman street-smart si Isko, ginagawa niya ngayon, very effective sa Manila. And he wants to sustain it. Sabi ko yan ang pinakamahirap.”
“Pero ang key riyan, consistency. Pag medyo naligaw ka riyan at nakitang di ka consistent, doon masisira lahat na ginagawa mo. Yan lang advice namin kay Isko.”
On being an adviser to VP Robredo and/or Mayor Moreno:
“Whenever sought for advice, available ako. Pero di on regular basis. Ayoko mag-volunteer… Usapan namin palitan ng number. Kung kailan kailangan through text message pwede magkonsulta.”
***
* MEETING WITH ES MEDIALDEA, SND LORENZANA:
“Kami ni SP naroon. Sila naman si ES, may kasamang Usec, tapos Sec Lorenzana and USec. Kami lang ni SP. Hindi importante ibahagi sa publiko ang usapan.”
***
* PORK IN 2020 BUDGET:
On reported P100B realignments by HOR in 2020 budget:
“Nagulat din ako (pero) hindi na rin surprised na may pinaplano palang i-realign P100B. Hindi ba sabi ko sa inyo earlier pa, na kung paguusapan lang ang HOR version ang GAB na transmitted sa amin, parang sa akin ok na yan kasi lahat institutional amendments na P9.5B. Totoo nga ang suspetsa ko rin na meron pa silang nakatago na sa bicam nila ipapasok. Ang P100B, napakalaking halaga noon, madi-distort ang entire budget kasi matatamaang ahensyang tatanggalan mo, paano ang kanilang priority projects na pinag-aralan na nila bago pa man sila mag-budget call kasama na sa NEP? Tapos gagalawin mo ganoong kalaking halaga.”
“Mga kongresista I doubt may pagkonsultang ginawa sa ahensyang maapektuhan ng pagbawas at pagdagdag.”
“Dapat naipasok na nila yan at kasama sa pag-transmit sa amin. Pati ang P100B. Halimbawa nagalaw nila P109.5B, at least nakita namin at mapagaralan. Pero alam nyo BCC. Kaya suggest ko maging open sa publiko ang discussion sa BCC para kwentas klaras. Di pagdating sa BCC taguan ng insertion at realignment. Kaya ito anticipate kong problema; while commendable ang P9.5B lang na institutional amendments, yun pala sa BCC ipapasok ang individual amendments at pagkalaki-laki.”
“I can only say this. Kaduda-duda ang na-transmit na sa amin o approved nila on 3rd and final reading pero nag-e-entertain pa sila ng pagsumite sa small group committee, galing sa kanla, sa leadership ng HOR, na pwede pa sila mag-submit ng amendments after 3rd and final reading. Sabi ko ano ito? Di ba pinasok ito sa in-approve nilang amendments, bakit kailangan pa mag-submit sa small group committee?”
“Doon makikita ang wala akong maisip na word kundi malevolent and sneaky. Sneaky rin kasi bakit kailangan itago sa plenaryo ang pag-submit ng individual amendment at di isama sa isasubmit sa Senado? Magkakaroon ng contention pagdating sa BCC, ang BCC di open sa lahat na member. Pagdating sa BCC kung sino lang designated member ng BCC makarinig doon.”
“Nangyari na yan for 2019 budget, kaya na-delay. Mas masama ang ginawa roon, tapos na bicam, ratified na, nang nag-print sila ng enrolled bill, naiba ang na-ratify naming pinagusapan pati sa BCC. Mabuti na lang ang sinulat ni SP Sotto, in-adopt ng PRRD kaya veto niya ang P95B. Ito P100B pinaguusapan natin.”
On possible delay in 2020 budget passage:
“Kami committed na hindi ma-delay. Ang problema makakapag-delay nito pag insist nila in toto ang P100B. Magtatagalan kami sa BCC pag insist nila yan. Or kung pilit nila at isasama sa enrolled bill, bago naman pirmahan ni SP ang enrolled bill scrutinize pa namin yan. Ganyan ginawa namin for 2019 budget, kaya nabuko, actually P75B sinulat ni SP pero P95B ang veto ni PRRD. Ok naman Malacanang, very vocal sila, kung may makita kayo riyan na lump sum at di kanais-nais ipagbigay alam nyo sa amin, veto yan. And I believe that, may track record si PRRD pag may makitang aksaya ng budget, di tama sa pag-submit sa kanila, vineto naman niya.”
“Doon tayo aasa dahil kung iisip nila, iisipin mo P95B nga lang nalakihan na tayo, tapos ngayon iniisip nila, saan nanggaling ito? Sila mismo nag-announce.”
“We learned from the lesson of a reenacted budget sa 2019. May impact talaga yan sa ekonomiya kasi GDP mag-suffer. Government spending nabawasan ng ilang buwan. Ayaw natin na ang Kongreso o Senado o HOR masisi pag nagkaroon na naman ng reenacted budget. So pipilitin natin mai-enroll ang bill. Kung insist nila, susulatan namin si PRRD uli. Yan ang gagawin namin. Sa Senate nagkakaisa kami, majority minority, pagdating sa ganyang mga issue.”
On reported P500M per congressmen:
“May nakita na nga ako roon ayoko magbanggit ng mga distrito. Pero may mga malalaking budget na nakalagak sa kanya-kanyang distrito. Hindi makakaila yan kasi papel yan, nakasulat yan. Maski sabihin nila walang pork, kita ko na anong distrito ang lalaki.”
“Pag interpellate ako mababanggit ko, PowerPoint ko pa. Sa distrito may P300M, may lugar na P500M.”
“Apparently pumasok yan sa NEP. Ibig sabihin noon bago masumite ni PRRD sa HOR ang NEP nakapasok na sila roon. So apparently pinatawag nila o nakipagpulong sila sa agency para ibigay ang gusto nilang ipasok doon. Walang problema roon kasi ang supposition ko ang assumption, pinagaralan ng ahensya ang binigay na proyekto ng kongresista. Pero makita nyo rin pag interpellate kami next week, may mga point out ako roon na pumasok na mga proyekto mga PAP from RDCs napakaliit na bahagi, mga 17% lang. Ang bulto dapat ng PAP dapat nanggagaling sa RDC, ang RDC pinagkukunan ang LDP. Dapat ganoon. Nang pinagaralan namin budget bakit ang laki ng disparity, ang liit ng considered na galing RDC? Yan ang bulto dapat, buong kabuuan ng PH. Bakit 83% galing national, dapat ang pinagbabasehan ng pinaka-spending program, ang LD funds, more than anybody in govt nakakaintindi at nakakaalam ng priorities, ang LGU, kasama ang district reps. Ang nangyayari di pinapractice ang dapat na procedure sa pagbalangkas ng project, binabalewala ang kailangan ng LGU through their LDP na submit nila sa RDC. Kaya ang laki ng disconnect. I mentioned to you time and gain na from a mere P800M sa first budget year ni PGMA nag-balloon budget sa P4.1T. Ang tanong nakita nyo ba ang increase, sa laki ng budget nakita ba natin ang development? Nakita natin SCTEX, TPLEX, NLEX, Skyway, pero bayad tayo toll di govt projects yan private sector so saan napunta? Yan tanong ng kausap kong businessmen, yan din tanong ko. Nasaan ang development commensurate to increase in our national budget? Hindi natin makita di natin ma-equate.”
On reported ‘pasaload’ in budget:
“May items na transferred from and to. Taon-taon point out ko yan unused appropriations either di utilized or di released ng DBM. Nakikita namin average P280B di nagagamit. Bakit tataas ng budget, di gagamitin din? Ngayon cash-based kailangan maobligate within fiscal year. Taon-taon din nagagawa kami ng joint resolution to extend. Does it make sense itutuloy ang cash-based budgeting? Ngayon pasa kami joint resolution till Dec 2020 ang 2019 budget, bakit tayo mag-cash based kung di mapapatupad? Nakasaad sa GAA binigyan ng additional 6 months, so 18 months na. So hingi added 6 months para mabuo 1 taon.”
***
* APPOINTMENT OF NEW CHIEF PNP
On CPNP office vacancy:
“Bakante na ang office of CPNP although may designated OIC. So I can understand the position of PRRD sobrang maingat siya. Kung napansin nyo ang kanyang pahayag niya ayaw niya mapalusutan so ina-admit niyang napalusutan siya itong huling appointment ng CPNP so naging napakamaingat ni PRRD pumili. Siguro naghihintay pa siya ng input lahat na information available sa consider niya maging CPNP para more or less sigurado siya walang lalabas na ganyang issues once appointed.”
“Nangyari before yan, OIC CPNP si Espina. Bago ako na-appoint CPNP, OIC si DDG Larroza. Hindi bago ang ganyan so long as may designated OIC pero limited ang authority kasi specified sa PNP law pag OIC di ganoon kalawak ang authority over the organization.”
On suggestion to have 3 PNP ‘chiefs’:
“Kailangan may (isang) CPNP, kailangan may unity of command. Kung 3 ang bawa’t island tapos walang CPNP hindi puwede yan; di viable and di advisable. Mawawala ang unity of command.”
“(Ang PNP) national in scope civilian in character. Kung 3 at walang pinuno malaking problema, parang 3 bansa.”
“Unang SONA ni PRRD right-sizing sabi niya. How do we reconcile ang brand ng Pangulo mag-right-size ng gobyerno kasi masyadong bloated ang gobyerno tapos create tayo ng katakot-takot na dept? In any case kasi napakaraming bill na refer sa Committee on Defense, sa Monday, hear ko mga bills proposing creation of Dept of Disaster but it doesn’t mean all the way to the floor adopt namin yan. We have to ask the resource persons, DBM particularly, kung kaya ba ng gobyerno. Sa January ma-activate ang Dept of Housing and Urban Devt. Additional budget, additional personnel. Isang pwede talakayin doon kailangan ba ganyan kalaki ang dept? Baka pwede pag right-size bawasan natin ang Usec kasi may dept 6 Usec tapos Asec pagkarami-rami rin tapos marami nagma-manicure yan.”
On possible new post for retired PNP chief Albayalde:
“Ang attitude ko riyan authority ng appointing power. Ayoko question-in. Call ng Presidente yan being the appointing authority, prerogative niya yan. Pag pumalpak, sa appointing authority din bulto ng sisi.”
***
* MARTIAL LAW IN MINDANAO:
“Sa ngayon wala kaming narinig request from Malacanang to further extend. Mag-December na rin, ma-lift na martial law sa Mindanao.”
*****