Huwag lang matabunan sa bicameral conference committee, mailalabas na sa darating na taon ang umento sa mga government nurses.
Ito ay makaraang naipasok sa Senate version ng P4.1-trilyong 2020 national budget ang ipinaglaban ni Senador Panfilo Lacson na alokasyon para rito.
Sa ilalim ng probisyon sa Senate version ng pambansang badyet na “Increasing the Salary Grade of Government Nurses,” magiging Salary Grade 15 (P30,531) ang buwanang base pay ng government nurses, sang-ayon sa utos ng Korte Suprema.
“The implementation of the salary adjustment shall take effect when the decision of the Supreme Court had become final and executory, but not earlier than the start of Fiscal Year 2020,” saad sa probisyon.
Related: Lacson Move to Raise Gov’t Nurses’ Wages Adopted in Proposed 2020 Budget

Isiniwalat ni Lacson sa kanyang interpelasyon sa 2020 budget ng Department of Health noong Nobyembre 19 ang pangangailangan ng P3.173 bilyon para sa bagong salary grade ng government nurses.
Ayon kay Lacson, ang kakailanganing pondo para maipatupad ang utos ng Korte Suprema ay manggagaling sa inilaang pondo para sa staffing modifications at upgrading of salaries.
“We can introduce a special provision and source the P3B from the P12.469B under that particular item (Miscellaneous Personnel Benefit Fund),” paliwanag pa ng senador.
“They don’t have to wait six months or another year. By January once we enact the GAA for 2020, ang salary upgrade nila is taken care of,” pahabol niya.
*****