Panukalang Sariling Marshal ng Hudikatura, Inihain ni Ping

judicial marshal

Alinsunod sa panawagan ng namumuno sa hudikatura, naghain ng panukalang batas si Senador Panfilo Lacson para bumuo ng Philippine Judicial Marshal Service na magbigigay ng proteksiyon sa hukom, opisyales at maging mga kawani ng sektor na ito.

Isinulong ni Lacson ang Senate Bill 1209 matapos nagpahayag si Chief Justice Diosdado Peralta na kailangan ng judicial marshals na maging law enforcement arm ng hudikatura, na parang Supreme Court of the United States Police at United States Marshal.

“This legislative measure seeks to create a Philippine Judicial Marshal Service under the control and jurisdiction of the Supreme Court whose primary function is to protect, safeguard, watch over, provide security, and ensure the safety of justices, judges, court officials and personnel, and the various halls of justice, courthouses and other court buildings and properties all over the country,” paliwwanag ni Lacson sa pagsasampa ng Senate Bill 1209.

Ani Lacson, hindi bababa sa 31 ang napapatay na miyembro ng hudikatura sa nakalipas na dalawang dekada, lima sa mga ito ay naganap sa Duterte administration.

Related: Lacson Files Bill Creating Philippine Judicial Marshal Service to Safeguard Judiciary

View Fullscreen

Gayunman, sa panukala ni Lacson ay hindi lamang pagbibigay seguridad sa sektor ng hudikatura ang magiging responsibilidad ng judicial marshal kundi pati ang pagbabantay laban sa katiwalian na kasasangkutan ng mga hukom, court official at maging mga kawani ng mga hukuman at korte.

Pati mga atas ng korte at hukuman ay ang judicial marshal na rin ang magpapatupad, alinsunod sa panukala ni Lacson.

Ang Judicial Marshal ay pamumunuan ng Chief Marshal na may ranggong katumbas ng associate justice ng Court of Appeals. Tutulungan ito ng tig-iisang Deputy Marshal para sa Luzon, Visayas at Mindanao na may mga katumbas ng ranggo ng Regional Trial Court judge.

Ang Chief Marshal at mga Deputy Marshal ay dapat na abogado at may ranggong full Colonel sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at sa Philippine National Police (PNP). Ang mga ito ay itatalaga sa pamamagitan ng en banc ng Korte Suprema, at maglilingkod hanggang sa edad na 65.

Sa ilalim ng panukala, ang Judicial Marshal ay may pangunang P50 milyon na pondo na magmumula sa National Treasury.

*****

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.