Ping: Proseso Para sa Patas na Budget, Simula na sa 2020

photo0814-001

Malakas na ang tsansa na simula sa darating na taon, direkta nang matatanggap ng mga nangangailangang local government unit (LGU) ang pondong kanilang hinihingi para sa kanilang mga proyekto.

Ito ay bunga ng polisiya ng Department of Budget and Management (DBM) na nag-aatas sa mga ahensiya ng pamahalaan na kumuha muna ng sertipikasyon sa Regional Development Councils (RDCs) kaugnay sa mga proyektong ipapatupad sa taong 2021.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson na nangunguna sa krusada para sa tamang paggamit ng pondo ng pamahalaan, ang hakbang na ito ng DBM ay magwawakas na sa “disconnect” na matagal nang nagpapahirap sa mga lokal na pamahalaan.

“I am thankful to DBM Secretary Wendel Avisado for requiring agencies to obtain certifications from RDCs to make sure projects have local support. This is a step in the right direction that we must follow,” ayon kay Lacson.

Related: Lacson Hopeful 2020 Will Kick Off Budget Reforms to Benefit Poor, Far-Flung Areas: Wala nang Disconnect!

Una rito ay ipinaalam ng kalihim sa mambabatas na maigiging pangunahing sangkap ng mga ahensiya sa paghingi ng badyet para sa mga proyekto ang mga sertipikasyon mula sa RDCs, at isasama ito sa paghanda sa darating na taon ng pambansang badyet para sa 2021.

“For the P4.1-trillion budget for 2020, projects initiated by the Regional Development Councils accounted for only 25 percent of development projects in the National Expenditure Program or the President’s Budget that forms the basis of the budget bill,” paliwanag ni Lacson.

“Yet, local government units, especially those in far-flung areas, are in the best position to know their constituents’ needs and priorities,” dagdag ng mambabatas.

Ipinaliwanag din ni Lacson na hindi mawawala ang karapatan ng mga mambabatas lalo na ang mga kongresista, na lumahok sa paghingi ng proyekto dahil ang mga ito ay kabilang sa mga bumubuo ng RDCs.

“Under the Local Government Code, district representatives can help shape priority projects for their towns, cities or provinces by taking part in the Local Development Councils,” ayon sa mambabatas.

β€œWhat is important is to end this big disconnect between the needs and priorities of LGUs and the national budget. So long as this disconnect exists, poor provinces will get poorer because they cannot get the funding for the projects that will address their needs and priorities,” diin ni Lacson.

Bago pa man ang hakbang ng DBM, matagal nang isinusulong ni Lacson ang tamang paggamit ng pondo ng pamahalaan sa pamamagitan ng kanyang panukalang Budget Reform for Village Empowerment (BRAVE) Act of 2019, na nagbibigay ng direktang karapatan sa mga LGU na magamit ang parte ng mga ito sa pambansang badyet.

Muli ding nanawagan ang mambabatas sa publiko na mas maging mapagbantay pa sa pinagggagamitan ng pambansang badyet at isumbong ang hindi tamang gastos sa mga kinauukulan.

“As I have repeatedly been emphasizing, the national budget is the lifeblood of the economy, if not the country itself. No government or no nation will survive without its healthy components and circulation,” dagdag pa nito.

“If we turn a blind eye, waver in fear of intimidation, give in to pressure – we will leave nothing behind to the future generations that would come after us,” palala pa ni Lacson.

*****

One thought on “Ping: Proseso Para sa Patas na Budget, Simula na sa 2020”

Comments are closed.