Hatchet Job: Ping, ‘Ibinida’ sa Road Project sa Tarlac

tarlac city fb
Image Courtesy: City Planning and Devt Office, Tarlac City Facebook page

Nagkaroon ng “hatchet job” laban kay Senador Panfilo Lacson matapos niyang isiwalat ang pagkakaharang ng Malacañang sa tinatayang P80 bilyong realignment sa 2020 national budget.

Nakarating sa senador ang paglutang ng pekeng impormasyon na ini-sponsor niya ang isang proyektong kalsada sa Tarlac City sa kabila ng patakaran nito na huwag magpatupad ng proyekto gamit ang pork barrel.

“First, I don’t realign appropriations for road projects, much less local roads since it smacks of a pork barrel allocation. Also, the realignments I propose in the national budget are institutional – meaning, they have undergone planning and vetting, and are based on requests from the implementing agencies concerned,” mariing paliwanag ni Lacson.

Ang nabanggit na pahayag ay ginawa ni Lacson bilang pagpapasinungaling sa lumabas na impormasyon na siya ang nag-sponsor sa P25-milyong road concreting project sa Barangay San Rafael, Tarlac City.

Related: Hatchet Job? Lacson Scores ‘Disinformation’ on Tarlac Road Project

“This is the reason why I keep questioning such congressional interventions which should have been processed and endorsed by the Regional Development Councils (RDCs) after going through proper deliberations in the different local development councils. If you recall, I particularly questioned why projects endorsed by local development councils constituted a mere 25-percent share in the national budget, compared to the 75 percent initiated by national agencies,” dagdag pa ni Lacson.

Nagulat pa ang mambabatas dahil nitong nakaraang linggo, nakatanggap ng tawag ang kanyang tanggapan na kung saan ay ipinapaalam sa kanya ang umano’y pasasalamat ni Tarlac City Mayor Maria Cristina C. Angeles sa naturang proyekto na nakatakda nang umpisahan sa mga darating na araw.

“Without imputing malice to the mayor, this may be a hatchet job intended to put me in a bad light since I have consistently and diligently advocated for the active involvement of the LGUs in the preparation of national budget and their just share in the allocation of funds,” pagbunyag ni Lacson.

Una na ring isiniwalat ng mambabatas na inalisan ng P80 bilyon ng ilang mambabatas ang pondo mula sa “Build, Build, Build” program ng administrasyon at inilipat sa mga kani-kanilang distrito kaya hinarang ito ng Department of Budget and Management (DBM).

Krusada ni Lacson ang pagsusulong ng patas na hatian ng mga pondo sa pambansang badyet upang mabigyan ng karampatang atensiyon ang mga tunay na pangangailangan ng mga lokal na pamahalaan at hindi base sa kumpas ng pambansang pamahalaan.

Sa madalas na pag-iikot ni Lacson sa iba’t ibang lugar sa bansa, personal niyang nakikita ang pagkaagrabyado sa pondo ng mga malalayong lugar, na ugat ng tila pagpapalimos na ng mga namumuno sa mga ito sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan at mga politiko, makakuha lang ng kahit na kakarampot na panggastos.

Ngayong taon, bahagyang nabuhayan ng loob ang mambabatas dahil sa patakaran ng DBM na kumuha muna ng certification sa mga Regional Development Councils ang mga ahensiya bago maisama ang pondong hinihingi ng mga ito sa proposed 2021 budget.

“Local government units, especially those in far-flung areas, are in the best position to know their constituents’ needs and priorities,” banggit ni Lacson.

“What is important is to end this big disconnect between the needs and priorities of LGUs and the national budget. So long as this disconnect exists, poor provinces will get poorer because they cannot get the funding for the projects that will address their needs and priorities,” pahabol pa nito.

*****