#PINGterview: Legislation vs Money Laundering

In an interview on DZMM, Sen. Lacson answered questions on possible legislation vs money laundering.

QUOTES and NOTES:

Need to amend the Anti-Money Laundering Act:

“Tama yan. Dapat pag-aralan talaga ang mga gaps. Naka ilang amendments na ito. Nag-e-evolve kasi ito para maka-adopt or maka-adjust sa alam mo na. Wise din ang mga sindikato so kailangan habulin natin if not kailangan one step ahead tayo.”

“Ang mga covered institutions maliwanag doon. Pati ang covered transactions. Unfortunately ang talagang magagawa ng BOC halimbawa nagdeklara ng more than $10,000 o equivalent or P50,000, ang magagawa lang nila talaga kung hindi deklara, kumpiskado yan. O kaya makulong, depende sa circumstances kung may suspicious… Aside from that walang magawa talaga ang BOC kasi hindi sila covered institutions.”

“Pero alam natin marami pang dapat gaps na dapat punuan natin sa batas.”

Added authority for BOC:

“Siguro yan ang hinihingi nila na bigyan sila ng authority under the law na automatic, parang mga bangko mag-report sila sa AMLA. E ngayon ang pwedeng report-an nila ang department na under sila, ang DOF, at bahala mag-coordinate sa AMLC.”

Handicap due to the Bank Secrecy Act:

“Lagi ako nag-file ng bill simula pang 2001. Kung pagpasok mo sa gobyerno, ito covered ang government officials and employees, pagpasok mo sa gobyerno mapa-Pangulo ka hanggang sa pinakamababang clerk, deemed waived ang rights mo under Bank Secrecy Act nang sa ganoon ito ang parang magandang foil laban sa graft and corruption. (Pero) hindi nga lumalabas sa committee eh. Hanggang committee lang. Minsan hindi pa nga nadidinig eh.”

“Dapat revisit siguro yan ang penalties na naka-impose sa violations. Ang isa pang nakita nating handicap dito, kailangan ang predicate crimes. May listahan ng predicate crimes, very specific… Nag-e-evolve ang crimes, maraming amendments ito. Mga 4 amendments na.”

Riding-in-tandem shootings:

“Maraming panukalang batas. Ang kay Sen Gordon ang lakihan ang plaka para madaling ma-identify. Kaso maraming wala namag plaka. Sa panukalang batas walang masyado except para sa prevention pero talaga sa implementation law enforcement talaga rito kasi parang with impunity. At masyadong bold na. abogado, huwes, pulis, yan ang nagiging biktima.”

*****