In an interview on DZBB/GMA News TV, Sen. Lacson stressed at least P200B in assistance to poor families affected by the COVID19-triggered quarantines should be distributed soonest, with scrutiny from the Joint Congressional Oversight Committee.
NOTES and QUOTES:
* AYUDA SA MAHIRAP:
President Duterte’s First Weekly Report to Joint Congressional Oversight Committee:
“Katatanggap ko ng email galing kay SP, sabi niya natanggap niya kaninang 4 a.m. Kaya lang nag-struggle kami ng staff ko basahin kasi scanned copy lang. Ngayon even as we speak binabasa namin, at may instruction ako sa staff ko kasi suggest ko kay SP matapos namin mabasa, submit namin sa kanya ang aming komentaryo at recommendation para consolidate niya, tapos post namin sa Senate website para maging virtual oversight committee public hearing. Para malaman ng publiko ano opinion at sentiment ng member ng Congress.”
“After all, kami nagpasa niyan at gusto namin matingnan, kaya ang purpose ng oversight committee, i-review. Nakalagay sa Saligang Batas Art VI Sec 23 Par 2, sinasabi roon itong binigay naming authority sa Presidente kasi maski hindi tinatawag na emergency power, parang effectively parang binigyan ka ng ganyang authority di ba? So under sa ating Saligang Batas ang sinasabi, pwede namin i-withdraw yan sooner or matatapos ang granted sa kanyang authority upon the next adjournment, meaning sine die adjournment namin sa June. Unless sooner withdrawn by Congress. So kailangan i-review namin ang implementation para kung saan nakikita naming hindi na kailangang mag-implement pa, pwede na withdraw-in. Ganoon ang sistema noon kaya nagkaroon ng joint oversight committee.”
Availability of Funds for P200B Assistance to Poor Families:
“Kung tutuusin mahigit pa roon ang available. Kasi nang nagko-caucus kami na naroon sina Sec Dominguez, Guevarra at Bautista, dahil nag-caucus kami bago punta plenaryo para maplantsa ang gusot para hindi yung nasa plenary na, mas maraming payabangan doon kesa pagka naka-caucus lang mas masustansya ang usapan. So ang isang tinanong ko roon kasi hawak ko records ng unused appropriations ng 2019 kasi sabi rito gagamitin sa 2019. At tinanong ko kay Sec Dominguez kasi wala pa si Sec Avisado nasa HOR pa, sa records SAOB, official record ng DBM, napakalaki ng unused appropriation kaya lang as of Sept 30 of 2019. P989B ang hindi nagagamit ng mga ahensya. So sabi ko kung ito ating pagbabatayan give or take sabihin natin as of yearend, mangalahati lang di pa nagagamit may mga P500B. So hindi tayo mawawalan ng pera kung talagang gusto gamitin para sa COVID19.”
“Ang sagot ni Sec Dominguez hindi kailangang kumuha roon kasi may sapat namang pera na mahuhugot galing sa GOCC. Kinwenta niya makakabuo ng P217B. So as we were conducting the caucus, tinatawagan niya ahensya. Ang LBP may P14B basta consolidate niya lahat at may meron siyang naiipon. So walang problema sa pondo. Tama ang sinabi ni Pangulo na may pera.”
$3M grant from ADB and $100M loan from WB to support COVID response:
“Yung $3M grant galing sa ADB tama si Sec Dominguez. Sabi niya gusto ng ADB ibigay ang pera. Ang suggestion niya sa ADB huwag nyo kami bigyan kami ng pera. Tama yan kasi experience namin sa Yolanda pag pera ang binigay, magiging public money yan. Dadaan sa masalimuot na auditing process. Ang suggestion niya sa ADB, kayo na bumili ng goods at ibigay nyo sa amin ang goods at kami ang magdi-distribute. Ang problema sa goods, ang logistical requirement. Mas mahirap yan. Mamimili, magdi-distribute. Ang pera maraming pamamaraan. Kung identified ang informal sector, low income groups, daily wage earners, pwede naman kung may ATM yan, kaya napakaimportante rito ang database.”
National ID:
“Sayang ang National ID system natin kasi naipasa noong 2018, hanggang ngayon wala pang implementation.”
***
* ACCOUNTABILITY in FUND USE:
Congress to Use Oversight Function vs Corruption:
“Isa yan sa napakaimportanteng aspeto ng oversight (na makarating agad sa tao). At sa paanong pamamaraan.”
“Usually because DSWD meron na silang database kasi kasama rin dito ang CCT beneficiaries. Ang unang suggestion ko nga sana noon dahil meron silang natatanggap, baka pwedeng pagbigyan naman ang mga daily wage earners nag-zero ang income. Pero ang sabi nga nila magkano lang ang natatanggap ng sa 4Ps, halos mga P1,500 lang, so kasama rin yan. Kaya ang estimate nila nang nagbilang sila aabot sila ng 18.5M families out of 24M families.”
“Dapat lang (ma-post online ang detalye ng disbursement). Dapat malaman natin kasi taxpayers’ money yan. Dapat malaman ng mga kababayan natin kung paano ito nadi-distribute.”
Private Sector Donations:
“Kailangan alamin din namin yan para sa ganoon alam namin ano ang gap na nabubunuan ng private, ang buhos na pondo.”
Speedy Implementation of Aid:
“Implementation yan. Ginawa namin isang buong maghapon naipasa namin ang batas. Ngayon papel ng executive, wala kaming pakialam sa implementation. Ang sa amin, oversight. Ang tatanungin namin yan, nasaan ang mechanism kung paano kayo mag-distribute at gaano kabilis ma-distribute. Kasi ito na-stress ko na ito. Pag daily wage earner siguro ang loan o mauutang niyan stretch natin 2 weeks. After 2 weeks di mamamasada ang driver walang papakain sa pamilya yan. Ang waiter walang trabaho, ang construction worker, walang trabaho, e daily wage yan. Kapag walang trabaho walang kita yan. So pag naubos ang kanilang kaunting savings at na-exhaust ang pangungutang di natin alam anong pwedeng pumasok… Hindi ako nag-i-instigate o nag-i-incite.”
“(As OPARR), ang nirecommend ko sa Comprehensive Plan na submit ko, P167B. Ang unang taon sinita ko noon si dating Sec Abad kasi nang nagba-budget call kami para sa buong gobyerno, napansin ko wala man lang pondo sa rehab ng Yolanda. Kako lagyan mo maski piso yan para may authority ang Pangulo mag-realign kasi kung walang item walang ire-realign, di pwedeng realign kasi sa Constitution yan pag walang item ano ire-realign-an mo? Sabi niya sige lagyan natin ng P1B. So talagang kulang. Alam mo looking back, hindsight na ito, kung hindi private sector sa Yolanda, palagay ko lalong napakahirap ang nangyari roon. Ako OPARR office ko 4 buwan walang sweldo staff ko volunteers yan, ragtag galing sa Senado, nag-aaral habang nagtatrabaho. Kako pasensya na kayo alam nyo bureaucracy sa gobyerno. 3-4 buwan walang sumusweldo sa amin pero sige lang trabaho. Mabuti dumating ang USAID nagbigay ng $10M hindi pera pero technical assistance at support. Nag-hire kami ng consultant magagaling, tapos dumating Mackenzie nag-offer ng technical assistance din, may pinadalang ang babata at ang galing na consultant. Doon kami nabuhay.”
***
* LATE RESPONSE:
DOH Backlog in Implementation:
“Naka-ready kami sa Kongreso. Tulad ng sabi ko sa inyo nang humingi ng authority ang Pangulo binigay ng Kongreso. Ngayon ang backlog natin nasa implementation. Lagi tayong late eh. May nabasa akong naka-post sa FB, napakabata ng nag-post, tama observation niya, lahat tayo late. Late ang incoming flight sa naging source ng COVID, 2 months late bago tayo nag-ban. Tapos ang pag-approve natin ng test kits, late. Ka-approve ng rapid test kits, what took them so long? Samantalang ginagamit na ito sa ibang bansa.”
“Ang rapid test kits di tayo nagmamarunong pero nagtatanong tayo sa medical practitioners. Ang sabi nila pag nag-positive ka sa rapid test kits, na aprubado sa regulatory agencies ng bansang pinanggalingan, at ginagamit sa ibang bansa, pag nagka-positive ka, that is virtual positive, walang dudang positive ka. Pero kung negative ka pwedeng false negative. Di ba mas mainam na pinagbigyan halimbawa, yan daang libong donation na dumating. Pero di magamit dahil walang approval ng FDA. Ka-approve lang nila ng 5 rapid test kits. Pag virtual positive ka makakapagingat ka, pati kasambahay at kaibigan mo masasabihan mong nag-positive ako sa rapid DIY ito eh. Ito ang di ka na kailangan pumila sa DOH o government hospitals. On your own parang pregnancy test ito prick mo tapos may solution tapos may magmanifest doon kung positive ka. Malinaw naman sinasabi ng medical practitioner na nakausap ko pag positive ka positive ka; pag negative ka huwag kang umasang negative ka kasi pwede mag-false negative. Di ba malaking tulong din yan? Kasi pag alam mong positive ka? Bakit ayaw nila payagan?”
“It’s just a matter of educating. Ang problema bakit ayaw approve-in ng DOH and FDA. Malaking tulong sana yan.”
“Kahapon lang nag-approve (ang 5 test kits) so late na naman tayo. Pati sarili nating invention pinaghirapan ng UP students at ng DOST, hanggang ngayon di ba?”
“Pwede ka naman maingat pero mabilis. Pag ang ingat mo inabot ng buwan di na ingat yan, baka tamad ka na lang.”
“Kung halimbawa nakasabay mo o nakamayan mo o kaya katabi mo sa elevator alam mong positive, maghihintay ka pa maging severe? Ako magpa-test ako maski rapid test na di aprubado, basta alam ko ang pinanggalingan medyo credible, reliable. Magpapa-test ako sarili ko. Ang Made in China inaprubahan nila. Ginagamit sa China yan.”
“May mga in-approve ng US FDA na hindi pa rin approved sa atin. Kaya ngayon nag-amend ako riyan, isang amendment ko riyan basta ang health product kasama na ang mga test kit, kung ito inaprubahan na ng regulatory agencies sa ibang bansa at gingamit doon basta reputable ang regulatory agencies doon deemed approved na rito, di na kailangan dumaan ng FDA. Pumasok din sa batas.”
Research and Development:
“Ang laban natin, ang dami nating mga homegrown. Magugulat ka ang dami nating homegrown scientist ang gagaling. Hindi lang natin naha-harness. Why? Kasi year in year out, nag-aaral ako ng budget alam mo ang suporta ng budget sa R&D, 0.4% of the national budget. Kinwestyon koi to sa deliberation namin sa 2020 budget, sabi ko bakit di tayo gumagastor para sa R&D? Kasi ang ahensya natin mga shopaholics. Ang ginagawa nilang R&D mag-Google kung saan bibili. Kahit may R&D sinasayang ang mga talent ng local scientist natin kaya nagpupunta sa ibang bansa. Alam natin ang fluorescent (light), Pilipino ang nagimbento niya. Bakit punta sa abroad at hina-hire roon? Kasi walang suporta rito. In my capacity as legislator taon-taon maski hindi humihingi ang DOST nagre-realign ako ng pondo roon para pang-research. Nakalagay lang doon sa amendment ko R&D maski di sila humihingi basta ang bilin ko lang gamitin sa R&D kasi sayang, ang dami nating talent tulad ngayon nakikipag-agawan tayo sa pagbili samantalang pwede tayo mag-manufacture dito ng PPE. Katunayan may gumagawa, e hindi makakuha ng permit eh.”
“Ang problema nga, napakabagal natin. Pwede naman mag-aral nang mabilis. Sabi nag-iingat, pwede ka mag-ingat pero bilis-bilisan mo naman ang action mo. Hindi sa pag-aano, mabagal ang DOH natin talaga, laging late.”
“Kasi urgent ito, emergency na tayo, kailangan ang measure emergency. Extraordinary ito kailangan ang measure natin extraordinary. Ano hihintayin natin maging worse bago makita ang better?”
***
* FOOD SECURITY:
Rice Stocks:
“May assurance naman ang DA, si Sec William Dar, na sufficient ang supply ng bigas natin. Lagi naman tayo talagang may buffer stock. Actually 6 months ang maintain nilang buffer stock.”
Checkpoint Issues:
“Kailangan lang pati local produce natin kasi una pa lang, going into the first week of lockdown, may kaibigan akong taga-Isabela na may palayan. Tumawag sa akin bakit ang kanilang delivery ng bigas papunta NCR kasi may warehouse sila rito, sa Nueva Vizcaya hinarang ng checkpoint at pinapabalik sa Tuguegarao at kumuha raw ng DA permit. Papano raw ito Senator, mauubusan kayo ng bigas sa NCR maski inspection ng DA ang aming warehouse, paubos na yan. So ginawa ko kasi may Viber chat group kami ng member ng Cabinet at legislator na PMAers so pinaabot ko kina Sec Ano at Lorenzana at agad sinabi nila iko-correct namin yan Sir. Actually meron na talagang instruction na ganyan baka di lang filtered down ang instruction. So nai-correct nila. I assume di na tumawag kaibigan ko ibig sabihin napalusot na sila.”
“Kausap ko si Gov Albano kahapon. Sabi niya ang problema sa checkpoint kanya-kanya ang LGUs nagpapatupad ng checkpoint, barangay tanod naka-man at hindi alam ang instruction so harang dito harang doon. Ginawa ng DILG walang barangay checkpoint na walang PNP o AFP na kasama. Kasi sila ang mas maganda ang communication system kung paano mailatag ang instruction. Ang barangay tanod natin hindi sa kung ano pa man, siyempre di sila halos naaabot kung ano ang maliwanag na instruction galing sa IATF. So yan ang corrective measure na ginawa ng DILG na di pwedeng basta barangay checkpoints na walang naka-man na pulis. Otherwise magulo talaga yan.”
“Yan ang napakaimportante ng dissemination. Naroon ang lahat na available means. Nariyan ang social media, TV, buhay pa TV network, at lahat halos nagmo-monitor. Walang dahilan para isang brgy chairman ay maibahagi sa kanilang kagawad at tanod kung ano talaga ang instruction at protocol.”
“Medyo maliwanag yan dahil sinabi ng Pangulo pag may emergency na ganito, may calamity na national ang magnitude, papasailalim ang LGUs sa executive branch, sa Presidente mismo, after all sya ang pinakamataas na government official.”
***
* VOLUNTARY DISCLOSURE:
Voluntary Disclosure by Those Who Tested COVID-positive:
“Kung mag-voluntary tulad sa Baguio, di ba ginawa ng isang health worker doon, nagkusang-loob siya, waive niya ang right under the Data Privacy Act, sinabi niya identity niya, para sa ganoon malalaman ng community sino ang mga nakakontak niya, so ang may direct contact sa kanya at nalamang positive siya, magpapa-quarantine na yan. So ang suggestion ko nga sana hindi namin naisama kasi, sana kung naisingit naming amendment yan, tutal emergency powers ang binigay sa Presidente, pwede niyang i-authorize ang pag-identify sa those who tested positive. Kasi malaking bagay sa contact (tracing).”
“Kaya sinabi ko nga, ang nag-test positive, magkusang-loob na lang sila kasi walang pwede mademanda kung kusang loob ang nag-test ng positive na sabihin nilang ako positive. Kung personalities like Prince Charles, Boris Johnson, Christopher de Leon, Tom Hanks, pati mga senador at congressmen na nag-test positive nagkusang-loob sila kasi ang inaalala nila ang naka-contact nila, ang may direct contact sila. Mag-ingat kayo kasi ako positive. Kaya sa tingin ko mas magandang, ang tawag doon sa Baguio City, ang nagsabi ng pangalan niya, sa halip ng makatanggap siya ng disgust o discrimination, papuri ang tinanggap niya. Ang iba nga ang tawag sa kanya hero.”
Addressing Discrimination vs COVID-positive Persons:
“Dapat siguro isama ng IATF sa kanilang regular briefings ang dissemination of information, na may mga measures kung saan hindi kayo mahahawaan. Malinaw naman pinapaulit-ulit na nito ng regular practitioners, ngayon 3 ang paraan paano ito maipahawa. Una ang surface na nahawakan naroon ang virus. Pangalawa, yung sneezing, droplets. May pangatlo sa bandang Hapon hindi masyado na-disseminate, micro-droplet infection. Pag bumahing ang isang tao may lumulutang sa hangin na napakaliit, micro-droplets, ang size noon, 1 is to 10,000 mm, talagang di mo makikita so maski nasa labas na ang taong humatsing pwedeng nariyan pa rin yan. Yan siguro ang tinatawag na airborne. So kung alam ng kababayan natin paulit-ulit na sasabihin, hindi na kailangan mag-discriminate kundi magdistansya lang sa taong infected.”
“Kailangan ng legislation kung ia-amend ang batas. Kasi kung halimbawa, kasi nagkaroon ng ruling ang SC di pwedeng joint resolution. Mas magaan sana kung joint resolution. Kami nasa bahay-bahay kami magpirma lang ng JR pwedeng i-amend ang batas pero nagkaroon ng jurisprudence. Di na pinapayagan ng SC na ang isang batas ia-amend sa pamamagitan ng JR lang kundi sa pamamagitan ng batas din.”
*****
Sana i-post sa Brgy bulletin board or stores ang mga tatanggap ng financial assistance para malaman ng mga kabarangay kung tama bang isali sila sa listahan, for transparency and to avoid anomally.