#PINGterview: Mensahe sa Mga Pasaway sa Quarantine; Testing at Contact Tracing, Kulang Pa Rin!

In an interview on DZRH, Sen. Lacson answered questions on:
* post-ECQ scenarios [1:01]
* continued lack of testing, contact tracing [2:46]
* Senate teleconferencing due to COVID-19 [12:59]
* Pagcor allowing reopening of POGO [21:48]
* mensahe sa mga pasaway [28:21]

NOTES and QUOTES:

* POST-ECQ SCENARIOS:

On Post-ECQ Scenarios in Selected Areas:

By this time ang mga tao, tayo mismo ramdam natin. Tayo mismo nag-iingat na. Napakaimportante ng dissemination paulit-ulit maski sabihin pang parang sirang plaka ang protocol na dapat sundin, especially physical distancing. Maraming dapat sundin na nakabaon na sa utak natin. Sa palagay ko naman maski mag-relax kaunti ang lockdown, baka on our own marunong na tayo mag-ingat at conscious na tayo sa implication sa narinig natin sa buong mundo.”

“Pagdating ng padilim na wala kang makikitang sasakyan, wala kang nakitang taong naglalakad, maski kaya pa dahil 8 ang curfew pero mga tao talagang sarili nila nag-iingat. Siguro kung magbubukas man on a limited scale ang ibang pangkabuhayan natin baka employers mismo at employees nila sa sarili mag-iingat. So napakaimportante ng information dissemination sa ating mga kababayan.”

“Ang nakakatakot dito pag ang talagang, sabagay siguradong di yan completely ili-lift. Siguradong lilimitahan lang, parang ire-relax lang. Kasi kung totally lift mo yan, baka pandemonium. Sabi ko nga kanina… baka (kung) magkaroon ng second wave, yari tayo riyan, napakahirap. Dapat magkaroon ng adjustment. Kasi hindi rin tagal ang kabuhayan natin.”

Kasi pag walang hanapbuhay ang tao hindi naman pwede mabuhay sa ayuda ng gobyerno lagi. Limitado ang resources, ang laki ng utang natin. Pumalo na tayo ng P8.2T. Last year nasa P7.7T lang tayo. So P8.2T na, may loans tayong pinasok para sa COVID19. Kung puro sa gobyerno manggagaling ang tulong at di gagana ang ating ekonomiya, meron pang momentum yan pagka nawala na ang COVID, bago tayo makausad. May gap pa rin yan, di agad na parang as if balik tayo sa normal. Meron pang slack yan.”

Personal and Social Responsibilities:

Sa mga kababayan natin, ito personal responsibility na muna. Sumunod ang social responsibility natin. Personal meaning pangalagaan natin ang mga sarili natin kasi in so doing pinapangalagaan na rin natin ang ating kasambahay, kaibigan, ang hindi natin kakilala na nakasalamuha. Pero kung tayo mismo maging conscious all the time every time babangon tayo e conscious tayo na kailangan huwag tayo makipagsalamuha kung kani-kanino lalo kung hindi natin kilala, palagay ko mas malaki ang maitutulong kung personal ang ating participation. At lagi tayong conscious sa ating personal na responsibilidad sa sarili natin at sa kababayan natin.”

Pero sa mga pasaway, huwag na kayo uminom at magtupada pagtanggap ninyo ng ayuda galing gobyerno. Kasi yan ang height hindi na ignorance yan. Height talaga ng pagkamanhid. Isipin mo hirap na hirap ang gobyerno mag-produce ng pera, pagkatapos pagbigay sa inyo, iinom mo lang sa halip na gamitin na pangkain sa pamilya mo na daing kayo ng daing wala kayong makain na pagkatapos pag nabigyan ng ayuda itutupada ninyo. Huwag naman sana ganoon. Magsimula tayo sa ating personal responsibility bago sa lahat.”

***

* LACK OF TESTING:

DOH’s Continued Lack of Testing:

Ang problema may pagkukulang ang pamahalaan. Halimbawa non-existent ang contact tracing natin. Sa ibang bansa napaka-conscious nila sa contact tracing. Once may ma-infect sa isang lugar inaalam agad sino nalapitan at sino pwede mahawaan. At quarantine agad nila yan. Sa atin nonexistent. Wala tayong narinig sa DOH o IATF na may contact tracing na umiiral.”

Wala (ang pagbabago galing kay DOH Sec Duque) kasi ang policy mismo masama. Nag utos ang Pangulo na magkaroon tayo ng rapid testing. E hindi naman sinusunod. Naririnig ko nga pag nagkakaroon ng discussion ang IATF kasi may kakilala tayong naroon, ang lumalabas na information na nakakarating sa atin, ang pagtatalo naroon pa rin sa anong gagamitin na test kits eh. Samantalang nagpahayag ang Pangulo openly, ‘on my authority’ gamitin nyo ang rapid test kits na yan para mas marami tayong masakop. Kasi limitadong limitado ang PCR-based. At maski nagkaroon ng PCR-based tests hindi naman nara-run ang mga tests, ibig sabihin di alam ang resulta. Di ba napakarami nating naririnig. Namatay na lahat di pa nakukuha ang resulta. Kaya hindi natin pwede sabihing mababa ang ating rate of infection, rate of death. Of course ang recovery nare-record. Kasi kung ang basis lang natin ibabase natin sa baseline data ng contact tracing halimbawa, dapat hindi lang 89, 85 o 89,000 nate-test natin. Dapat pumapalo tayo by now na 250,000-300,000 man lang. So malaki ang kakulangan sa ating pag-conduct ng test.”

“Di tayo makapangarap magkaroon ng flattening of the curve kasi hindi sapat ang ating ginagawang tests.”

Kung ganito ang takbo ng palakad ng DOH at IATF, sa physical distancing maganda ang ating nangyayari kasi mahigpit ang PNP, AFP at barangay officials na kasama sa lockdown at quarantine sa mga checkpoint. Pero sa akin importanteng element ang contact tracing. Kung wala tayong contact tracing wala tayong baseline data. Sino ang tine-test ng DOH? Anong basehan nila, bakit nag-test ng tao? Kung wala silang contact tracing man lang na ginagawa sino ite-test nila? Kung sino lang mag-apply o kung sino ang may symptoms na? napaka-limitado noon.”

“At di lahat na may symptom may kakayahan magpunta. Ngayon nag-establish ng swab center na 4. Pag 4 ang swab centers mo napakakulang noon sa NCR. Napakaraming gusto magpa-test na may possible symptoms o kaya sila mismo alam nila dahil naka-contact sila sa taong infected o positive. E kailangan nila magpa-test pero may kakayanan ba sila pumunta sa testing center? Pangalawa na-swab nga sila pero di mara-run agad ang test na kinonduct sa kanila, nakapila. At there’s quite a number ng PCR-based na tested na pero di pa nara-run ang test. So kailan nila malalaman? In the meantime hindi nila alam kung sila ba intended o hindi. Napakadelikado noon. Kaya nagpasya ang Pangulo payagan ang rapid test maski ayaw ng DOH, payagan ang rapid testing kasi maski papano, precautionary yan. Naglipana ang rapid test kits ang iba naman talagang hindi maayos. Pero may in-approve ang FDA sa mga brand na rapid test kit na pwede gamitin. At least rapid testing pag positive ka positive ka. Pag negative ka pwede kang false negative. Di ba mas mainam pag positive ka isolated ka agad kung negative ka mag-ingat ka pa rin kasi baka false negative ka. Mas maganda yan kesa sa insist ang DOH na PCR-based, limitadong limitado naman at napakatagal.”

Pero sa akin talaga ang kulang na kulang sa atin dito ang pagte-test dahil wala pang baseline data. First and foremost health issue ito. Of course affected ang economy pero unang una rito health muna. Di tayo makakausad o makakatrabaho hanggang nariyan si COVID. At ang problema, ang nagdidikta sa atin COVID, not the other way around. So talagang kailangan pagsumikapan na talagang masaklaw ang mas maraming dapat ma-test para malaman natin at ma-isolate kasi kung di ma-test ang nakaayon sa baseline data hindi alam sino infected dahil walang test.

Kaya nakaligtaan talaga ng DOH dito, hindi na natuto. Simula pa lang nang nagkaroon ng hearing diyan yan ang unang problema, doon siya nasabon, ang contact tracing sa mag-asawang galing Wuhan, na pinagsimulan ng COVID19, 17% isang eroplano pa lang yan. Samantalang madaling identified lahat na pasahero ng eroplano. E bakit nang sumagot sa amin after so many days na, na-positive ang magasawa at nakasakay sa eroplano, 17%? Yan talaga ang height ng incompetence, na di kayang patawarin ng mga tinamaan ng COVID. Kasi kung nagawa dapat ang dapat gawin noon baka hindi ito ganito kalala. At least naapula natin kaagad ang spread ng virus. Pero incompetence nga, e lumala ng lumala. Ang bilis ng pag-spread kasi exponential ang increase nito.”

***

* BAYANIHAN ACT:

Palace/IATF Adoption of Senators’ Recommendations:

Mas comprehensive ang sa amin kami namang mga senador, at least sa Senate nagpapadala kami ng aming feedback. At mahigpit ang chairperson namin si Sen Pia, na tinatalaga niya ang noontime na Wednesday kasi Monday namin nare-receive. Noontime ng Wednesday kailangan pasok na ang aming comments, recommendations and observations kung ano ang inaakala naming makakabuti.”

Marami rito sinusunod ng Palasyo, ng IATF. Sa aking pagkaalam kasi pagka sumunod na weekly report meron doon sa weekly recommendations namin na ina-adopt ng IATF. Halimbawa sa MSMEs. Dati hindi kasali yan, ang programa ng gobyerno, ang CAMP ng DOLE, COVID Adjustment Program nila. Ngayon kasama na, may Small Business Wage Subsidy, at naglagak ng pondo. Kaya lang napakalaki nito, ang talagang bilang ng MSME nasa 3.4M employees out of 1.5M employers. Pero tina-target pa lang, ang prequalified, 199,000 pa lang. Ang pondo rito under Bayanihan ang alam ko mahigit P50B kasi malaki ang tama sa MSME eh. At maliit ito, pag hindi ito nakapagtrabaho, walang kikitain ang negosyo at mga empleyado.”

Social Amelioration Efforts:

“Last Monday, nasa 34% pa lang ang nasasakop ng amelioration program… So I just hope malaki ma-jump dito kasi may pondong nakalaan dito under the law and palagay ko ang DBM may pondong magagamit.

Ang problema rito ang distribution kasi nagkagulo-gulo ang listahan ng DSWD kung kumpara sa listahan ng LGU. So ang laki ng discrepancy. Ang nakalista sa DSWD kung kumpara mo sa listahan ng LGUs. Ang laki ng gap 60% ang di tinatamaan. Ang ibang barangay officials nireremedyuhan nila imbes na P8,000 ang ibibigay sa qualified, ina-average na lang binibigyan ng P6,500 o P7,000. Binabawal sa batas yan kasi category nila dapat P8,000 pero bibigyan mo ng P6,500 intindihin natin ang barangay officials at mayors kasi gusto nila mas malaking bahagi ng qualified.”

So napakahirap ng katayuan ng barangay officials. Pag nagbawas para mas maraming masakop, mabibintangan naman sila na pangungupit. Of course may barangay officials naman alam natin may mga pilyo riyan na nangungupit talaga.”

Suggestions to Include Senior Citizens in Amelioration Program:

“Ang pagkaalam ko wala. Dahil ang meron dito ang daily wage earners, ang informal sector. Yan ang sa usapan namin noon na dapat masaklaw. Ang sa ayuda sa senior citizens, kasi hindi kasama sa daily wage earners. Pero kung masasama ang senior citizens sa ayuda kung natatrabaho sila, siguro iku-qualify natin. Senior citizens na nagtatrabaho na nawalan ng trabaho.”

Pero kung dating senior citizens na retired at tumatanggap naman ng pension, baka sa tingin ko magiging duplication kung bibigyan pa ng ayuda ng gobyerno, lalo pang gahol din sa gastusin ang pamahalaan natin.”

***

* SENATE TELECONFERENCING:

Physical Attendance at May 4 Session:

Sa bilang namin at least 12 ang pupunta. Ako pupunta ako roon dahil nag-usap kami ni SP Sotto. Talagang naaayon sa Constitution na dapat talaga ang resumption naroon kami para at least makapag-adopt man lang ng resolution. Di kami pwedeng mag-adopt ng resolution paano kami boboto na wala kaming physical presence sa plenaryo? E yan ang napakahigpit sa amin. Pag di ka physically present di ka makaboto. So paano kami mag-adopt ng Senate Resolution 373 na file ni Sen Zubiri, at na-co-author ng napakaraming senador, mga 15?”

Ako gusto ko rin mag-author, medyo late lang pagpadala ng e-signature ko, pero sa floor mag-manifest ako mag-co-author kaya lang meron akong amendment na i-introduce kaya kailangan pa rin talaga pumunta roon.”

Measures to be Discussed:

“Pag na-adopt na ang resolution, halimbawa teleconference kung ano ang bills na idi-discuss namin, ano pa ibang resolution na pending, nakahain, pwede na sila kung papayagan bumoto maski wala sila, makakaboto sila. At saka at least makapag-teleconferencing na kami.”

Ang Bayanihan Act, time-bound ito. Hindi ito forever. Ito pinasa pero may hangganan. Ang pagkaalam ko 3 buwan ang binigay na authority sa Presidente. Siguro kung magtatagal pa tayo baka i-reconsider namin mag-aymenda o mag-file ng panibagong batas para mag-extend kung ilang buwan pa namin ma-extend. Kasi sa tingin ko hindi magbabago ang situation. Not that much difference sa loob in another 2-3 months.”

Teleconferencing Should Not Set a Precedent:

Sa tingin ko, hindi dapat maging precedent-setting ang resolution. Ang wording, parati na lang kung may force majeure o state of emergency, at di makapunta ang mga senador, teleconferencing na kaagad. Sa aking palagay dapat i-limit sa pandemic, sa COVID-19. At kung magkaroon uli ng ganitong katindi, talagang hindi makapunta physically di dahil sa ayaw magpunta o dahil namasyal lang kundi talagang di makapunta, gagawa kami ng panibagong resolution.”

“Ang issue sa akin pagka na-establish ito, parang napaka-encompassing masyado ang in cases of force majeure and state of emergency, automatic teleconferencing agad kami. Ako na-discuss ko kay SP yan. Initially in agreement siya, sabi niya introduce mo ang amendment, pagbotohan natin. Nagawa na ang amendment na i-introduce ko. Anyway bukas naman yan so malaman kung ma-adopt ang aking amendment.”

“Ang pangalawa ang kailangan pang kumuha ng consent sa HOR. Under the Constitution may sarili kaming rules. Bakit magpapalam kami sa HOR? hindi naman sakop. May 2 instances lang kami dapat magpaalam sa HOR. Kapag more than 3 days kaming hindi mag-session kailangan magpaalam ka.”

Sa akin ang amendment ko kailangan limited lang ang teleconferencing sa kaso ng COVID-19. At kung magkakaroon ng bagong pagkakataon na kasing tindi ng COVID-19 ang haharapin namin o pangkasalukuyang hinaharap, magpasa uli kami ng panibagong resolution. Hindi pwede ang, kasi anong definition ng emergency or force majeure? Masyadong malawak. Kailangan i-limit namin. Kung tatanggapin nila amendment ko, ayoko ng in case of force majeure or emergency. Masyadong malawak yan. Gagawin ko na lang, dito sa particular nakatutok talaga sa COVID19 pandemic lang yung aming teleconferencing. At kung magkaroon ng similar na sitwasyon na ganoon, magpasa uli kami ng panibagong resolution.”

“Itong pandemic every 100 years ito wala na tayo sa ibabaw ng lupa pagka ano. Bahala ang susunod na senador 100 years from now mag-file ng resolution.”

Calls to allow Sen de Lima to Attend via Teleconferencing:

“Kami ni Sen Drilon (may dating reso), na-adopt na namin yan nang panahon ni SP Enrile na mag-apply kay Sen Trillanes. Yan ang ginamit na precedent, nag-file ako ng resolution payagan siyang makilahok sa plenary debates at committee hearings, pero hindi siya makakaboto kasi violation ng aming rules na hindi siya maging physically present.”

Ang pananaw ng mayorya sa Senado, wala sa jurisdiction namin si Sen De Lima. Legal custodian niya ang korte na nag-issue ng warrant. At ang kanyang physical custodian ang Crame, ang PNP. So dadaan pa sa proseso kailangan mag-file siya ng petition sa court na makalahok sa aming teleconference at magpaalam din siya sa PNP Custodial Center kung payagan siyang gumamit ng gadget kasi bawal ang cell phone doon. Ngayon kung ma-satisfy yan, halimbawa makakuha siya ng court order na papayagan siyang makipag-teleconference at papayagan siya ng PNP na makilahok at gumamit ng computer or phone or anuman, e di pwede namin i-reconsider ang position, na payagan na siya.”

“Legal custodian ang korte, physical custodian ang PNP. So baka ma-contempt si SP Sotto kung basta na lang payagan niya, parang i-usurp niya ang authority ng korte.”

***

* POGO:

Pagcor Allowing POGO Resumption:

“Naintindihan ko ang gobyerno lalo Pagcor kasi ang laki ng nakukuha nila sa POGO. Sa ngayon ang filing ng ITR di ba postponed hanggang June, so walang nakolekta ang BIR. Tapos ang Pagcor sarado ang lahat na hotel-based casino, wala silang makukuha from the casino. E ang POGO ang laki ng pera nito at lalo sa BIR. Kaya yan from their perspective naintindihan ko desisyon nila. Ngayon siyempre maraming kontra especially ang mga anti-gambling advocates. Pero anong policy ng gobyerno? Kung talagang ayaw natin ng gambling gawin nating illegal. E kasi hindi pwedeng bitiwan, ang laki ng income na nakukuha ng Pagcor lalo sa POGO, (doon sa?) casino sa mga hotels.”

Dapat magpaliwanag para sa kaalaman, ma-educate di lang mga senador kundi mga tao kung bakit kailangan payagan. Demokrasya naman tayo. Kung ano ang point of view ng Pagcor, gusto namin marinig mga senador through panawagan ni Sen Kiko dapat lang magpaliwanag para maunawaan. Kasi mahirap basta may decision hindi naman sasabihin kung bakit. So nagkaroon ng alinlangan ang maraming tao.”

*****