#PINGterview: DOH, Epicenter ng Kapalpakan vs COVID; IATF, Dumiretso na sa Pangulo!

In an interview on DWIZ, Sen. Lacson answered questions on:
* overpricing at DOH amid COVID-19 threat [0:19]
* DOH insiders provided information on irregularities [4:12]
* expose is meant to put DOH on notice [5:58]
* wrong decisions due to wrong data [11:12]
* IATF members dismayed with DOH performance [22:50]
* proposed tax on Netflix [25:48]

QUOTES and NOTES:

* DOH, EPICENTER OF ISSUES AMID COVID-19 THREAT:

Epicenter of Issues:

Ang epicenter talaga ng mga issues, DOH. Kung efficient ang DOH at walang kalokohan, palagay ko mas maganda ang coordination between the public sector and private sector. Ang problema, nanawa na rin ang private sector, kasi sa halip na tulungan sila na mapadali ang kanilang pino-procure para sa employees at pang-donate, nag-donate sila ayaw nila i-donate sa DOH kasi ayaw gamitin. Nag-donate tapos tinatambak lang kasi ayaw gamitin kasi ayaw ng DOH makunan ng rapid test kits. Gusto nila puro PCR pero ang PCR limitadong limitado. E ang rapid test kits malaking tulong sa ibang bansa, ginagamit nila yan.”

“Ang problema, ang private sector gustong gusto tumulong, may nakausap din akong malaking corporation, CEO nila, talagang gustong tumulong. Parang nadidismaya sila kasi sa halip na tulungan sila ng DOH, parang pinahihirapan pa sila. Halimbawa ang magdo-donate sila dati mga rapid test kits, magdo-donate sila, hinaharang sa BOC dahil pinag-aaralan ng FDA kung ia-accredit. Samantalang donation na nga, at accredited sa ibang bansa, bakit ayaw pa rin, ang tagal ng pagdating? So ginawa nila nagkanya-kanya na lang sila. Kami bahala sa employees namin, bahala kayo sa buhay nyo, tumutulong na nga kami pinahirapan nyo pa kami. Ang daming issues involved dito.”

Sec. Duque’s Explanations at Senate Hearing Acceptable?

Actually hindi. Kasi unang una nagturo agad siya. Ang una niyang tinuro ang Procurement Service ng DBM. Naroon si Usec Lao na OIC sa PS-DBM, tinuro pabalik sa kanya. Nang tinuro pabalik sa kanya dahil sabi ng PS kami umaasa lang sa agency procurement request ng ahensyang gagamit, so parang ministerial ang PS dahil hindi nila naintindihan ang technicalities ng mga nare-request. Ang sunod na tinuro ni Sec Duque ang RITM. Ang RITM under naman sa kanya.”

“Ang extraction machine na nakabili ang private sector na P1.75M, ang DOH through DBM, P4M per unit. Ilan ang binili nila, 10 units, so P40M agad yan. Mahigit doble kasi P1.75M vs P4M. Ang claim nila at validate ko sa private sector and DOH, ang King Fisher brand, dati nang naroon sa RITM bago magkaroon ng pandemic. Pero sinasabi roon closed system yan, hindi magiging compatible pag (output ng) ibang brand na extraction unit ang ipasok. E hindi rin totoo. Sansure kasi binili ng private sector. Ito binili sa Project ARK.”

“Maraming business groups ang involved dito. At nag-aambag-ambag sila pambili ng PCR test, rapid antibody test, alam nila presyo. so hindi lang yan lumabas na malaking diprensya kundi iba pa, mga PPE, swabbing system. Ang swabbing system, parehong brand ito, quote sa private sector, $12. Siyempre nagpatong ang distributor and may VAT, umabot $16. Sa DOH ang presyo nila $32 so doble. PPEs ganoon din, ang bili ng private corporation kasi sila nag-asikaso sa staff and employees nila, they are dealing with tens of thousands of employees. Nag-procure sila ng sariling PPEs, ang bili nila P1,079. Nang check namin sa DOH, ang bili nila P1,979 so doble na naman. Bakit ganoon? May pattern.”

DOH Insiders Offered Information on Overpricing:

Malinaw naman kasi ang information na dumarating sa akin galing din sa loob ng DOH, vina-validate ko lang doon kasi involved ang private sector tinatanong ko sa kanila kung magkano kuha nila. Yan ang lumabas na numero.”

Papaano ko makuha ang datos sa loob ng DOH kundi taga-DOH nagbibigay? So naamoy nila na may mali sa procurement. So sila na mismo nagpapaabot sa aming kaalaman bibigay ng information. Di ko basta ilalabas, magtatanong din ako para may basis of comparison. Kasi pwede mo sabihing overpriced ang binibili namin ano ang basis of comparison? Tinanong ko ang nasa Project ARK ng private group. Yan ang nilabas nilang datos. Ngayon sinasabi ni Sec Duque, ang huling pagdinig namin, sinasabi niya ang Sansure na bili ng private sector, closed system daw yan, di magiging compatible sa naroon sa DOH. E teka muna may Sansure din ang DOH, kasi may exclusive distributor ang Omnibus. So nag-procure din ang DOH ng Sansure. Bakit nila pipilitin ang bibilhin nilang component ay para sa King Fisher, e samantalang may Sansure din sila? Kaya medyo mahiwaga nga kailangan dapat tingnan.”

Mismong tao niya sa DOH ang nagre-report sa amin. Paano namin makukuha ang information kung di galing sa loob ang information? Hindi lang sila makapalag kasi bossing nila yan. Tapos ang mga societies, associations na parang nagre-regulate din DOH, hindi rin sila makapalag.”

Hindi tayo namumuna for the sake of mamuna lang. At least ang purpose natin, objective, is to put them on notice na may nagbabantay at may nagre-report kaya mag-ingat sila sa procurement nila. Ngayon hindi (panahon) manawagan ng investigation kasi ayaw namin ma-distract dahil nasa pandemic tayo. Pero sinasabi ko nga may day of reckoning dito. Pag medyo nakaraos tayo sa pandemic, dapat may managot dito kung talagang nasasayang ang pera ng gobyerno.”

“Alam mo ang sulat sa amin ni Sec Dominguez, ang revenue collection natin ang laki ng diprensya. For April 2019 and 2020, 58.5% ang collection. At ang Jan to April 30, 2020, down 18.5%. Ang laki talaga ng hindi nakokolekta. So dapat magtipid at maging judicious, maingat ang mga ahensya, lalo ang DOH. Patawarin na muna nila. Kung may mga kalokohang iniisip patawarin na muna nila itong pandemic. Kasi napakawalang konsensya naman na sa gitna ng napakalaking krisis, magsasamantala ka pa, iipitin mo pa ang bulsa mo.”

Investigation Ordered by Malacaรฑang:

“Naibahagi ni Sec Roque na na-miss niya tawag ni Presidente kasi naka-mute ang phone niya, di nya natanggap hanggang nai-relay sa kanya, nabahala na nga ang Presidente at sabi sa kanya, bantayan nyo ang procurement ng DOH. Bakit ganoon, bakit doble ang presyo?

“Depende sa ebidensya. Alam mo naman ang rule of law natin nagbabase sa direct evidence o circumstantial evidence na tumuro sa kanya. Kung wala, malulusutan niya yan. Ang bottom line dito bakit nag-aaksaya tayo ng pera ng gobyerno? Kung makakabili ka ng mura bakit pinipilit mo bumili ng mahal, e gahol na gahol na sa gastusin ng gobyerno?

Sa PhilHealth ibang usapin yan. Kasi ang case rate, pagka ang singil ng PRC umaabot mataas na ang P4,500 kasi talagang sa kanilang MOA, parang ang kwenta nila per testing package sa P3,500. Pero nagdagdag ang PRC kasi may miscellaneous sila halimbawa kung gusto magpa-test na mag-issue ang PRC ng certification, ang PRC sisingilin ka ng additional P500. Pero ganoon pa man, pag ang private hospitals nag-conduct ng test kasi case rate at kung PhilHealth members ang magpapa-test, ang sinisingil P8,100. So mabuti na rin tumugon ang president ng PhilHealth na mag-a-adjust sila kasi kumuha sila ng datos na average cost ng PCR tests sa ibaโ€™t ibang bansa. Parang may tumulong sa kanilang private consultancy firm na para i-canvass ano ang standard rate sa buong mundo. Halos 212 countries ang apektado ng COVID-19. Lumalabas sa pag-aaral na ginawa tama ang sa P4,000, kalahati. So mabuti si Gen Morales nagpahayag siya mag-a-adjust kami. Iha-halve nila, hahatiin nila ang case rate nila sa private hospitals.”

Isang katanungan, di ba under Universal Health Care Act, lahat tayo member ng PhilHealth. Paano tayo mag-discriminate? Magulo sa kababayan natin. May alam ako di ko sasabihin ang lugar, nagpa-rapid test siningil sa barangay ng P1,500. Parang P30 lang yata yan. Napakamura. Siyempre di minsan ka lang magpa-rapid test. Ang protocol diyan rapid test ka maski negative ka kailangan after 14-21 days rapid test ka uli at pag negative ka, pwede ka na fit to work. Ngayon kung positive ka magku-quarantine ka tuloy PCR ka na for validation, confirmation. Kung P1,500, 2x ka magpa-test, P3,000. E di magpa-PCR ka na lang. Ang problema, limitadong limitado.”

Sec. Duque’s Promise to Do Better:

Honestly lalo kaming nadismaya, lalo kaming na-disappoint. Parang walang effort man lang. Ang tawag doon, hubris. Kasi di siya tinanggal, maski anong panawagan ninyo, maski anong palpak ko, mahal ako ng Pangulo, hindi ako tatanggalin. Di ba tawag doon hubris? Sobrang self-confidence, apektado ang efficiency mo. Regardless na kung incompetent ako, matuyo kayo lahat diyan, pero hindi niya naiisip ilan sa kababayan natin ang maapektuhan. Huwag na sarili niya, huwag na relasyon niya sa Pangulo, ilan ang napapahamak. Ilan na namamatay, 800+ na, at hindi pa ito totoong reflection ng talagang namamatay. May narinig tayo may namatay di pa lumalabas ang resulta. E di mas marami pa sigurong namatay sa 825 o 850+.”

Sa akin, nakakatakot at nakakapangamba (kung manatili siyang mamumuno vs COVID19). Sa tingin ko pag ganyan at ganyan ang takbo di tayo magtatagumpay, marami pang madidisgrasya. Hindi accurate ang binibigay na datos. Di ba may report ang data analytics ng isang TV station, sinasabi nila 13,000+ ang positive. Pero kung pag-aaralan ang analytics, more than 19,000 ang positive. So mali ang datos, umaasa ang mga kababayan natin stable ang sitwasyon, every day 200+ lang ang nate-test positive. Pero predictable na yan. Because nakabase ang 200 sa nae-encode. Ang nae-encode naman dahil limitado ang gamit at encoder. Predictable na yan kung ilan ang ma-encode nila, doon nanggagaling ang nagte-test positive.”

“Na kay Sec Duque na yan. Huwag siya umasa ang trust and confidence ng Pangulo.”

Testing for OFWs:

“Depende kung anong test ang ginamit. Kung pina-rapid test ang OFW, may protocol yan, di agad porkeโ€™t negative ka agad-agad pauuwiin ka. Ang problema, di kakayanin ng gobyerno, ng RITM o pati ang PRC isama natin, ang bilang ng OFW na dumating. E 42,000 ang sinasabi nila. Ilan lang ang capacity ng PCR test ng lahat na entities, government, RITM, PRC, private sector? Ilan lang ang kakayanan nila? At ang isa pang issue rito kaya naintindihan natin ang parte ng government yung limitations. Halimbawa positive ka 42,000 palagay natin 10,000, may paglalagyan ba roon? Wala rin.”

***

* WRONG DATA, WRONG DECISIONS:

Data Encoding Woes:

“Ang isa pang problema natin, nagsasalitang 2nd wave, una tungkol sa asymptomatic. Mali-mali tapos nagbabase ng desisyon ang IATF sa data o situation na nire-report ng DOH.”

Ang problema, ang encoding. Kasi ang laki ng issue rito. Napaka-predictable ng nire-report ng DOH average 200 ang dagdag. Pero ang pinagbabasehan mo ang ine-encode kasi limitado ang encoder nila. Ilan lang ma-encode sa isang araw? Halos predictable na 200 lang lalabas. Pwede siguro lahatin nila. Kaya nang tinanong ko rin magbigay kayo separate na datos ireport sa publiko para ma-guide ang publiko, na 14 days ang backlog. Sabi ni Sec Dizon, 7,000 ang backlog sa pag-encode o sa pag-PCR test. Tapos 14 days ang backlog. Kung May 22 kahapon at 6:00 ang cutoff, ang report nilang nag-positive ang na-test noong May 8. So hindi tama, hindi accurate sa pananaw ng publiko stable tayo, maliit ang nagpa-positive, 200 a day. Pero hindi yan ang tested noong May 22. Ang lumabas na resulta, ang tinest May 8, kasi 14 days. So naliligaw ang kababayan natin.”

“Tapos ang problema pa rito magbabase at magdedeklara ang gobyerno, ang IATF gagawa ng recommendation sa Presidente, okay mag-GCQ sa NCR kasi stable naman. Pero ang totoo di naman talaga stable kasi di accurate ang data kasi nga ang backlog tapos ang numerong lumalabas di talaga ito updated.”

DOH Stats Doubtful, Not in Real Time:

Kasi nga hindi updated. Ang nire-report nilang backlog 14 days, minsan umaabot ng 20 days. So ang pag nag-report kai to ang nag-positive ngayong araw kasi dated ito, halimbawa sabi nila nag-positive kahapon, hindi yan ang tested kahapon. Yan ang nilabas nila kahapon, ito ang na-test nila 14 days ago. So anong accuracy ng datos mo?”

“(Hindi real time) kasi di ba sa management, sinabi ng UP Resilience Institute ito. Ang data accuracy is key sa management sa paggawa ng decision. Kung inaccurate ang datos mo, mali ang conclusion mo. Ang magiging decision mo mali, magdeklara ka GCQ na, walang ECQ, mali ang datos mo, mapapahamak ang kababayan natin. Kasi asang asa sinasabi pa nga na-flatten ang curve, which is talagang BS. Malaking BS ang na-flatten ang curve natin. Pag tiningnan mo ang curve natin, paakyat eh.”

***

* IATF MEMBERS DISMAYED WITH DOH:

IATF Members Should Report to the President:

Si Gen Charlie Galvez at si Sec Vince Dizon, sila ang sabihin nating breath of fresh air. Nang pumasok sila 2-3 weeks ago, maganda ang nangyari. Ito na-share sa akin ng taga-IATF na noong pumasok sila, napansin nila bakit insisting ang RITM, ang DOH, na mag-manual? Sa PCR extraction dapat automated na, kasi matagal nang automated ang sa ibang bansa. Pero parang (ayaw) ang RITM and DOH na mag-automate. Bakit? Ang sagot, kasi pag manual maraming involved na consumables. Again, iisipin mo na naman pagka ganyan ang situation bakit ayaw mag-automate, mas mapapadali ang resultang lalabas. Ang manual napakatagal. Bakit ini-insist nila manual? So nag-start sila mag-automate less than a month ago.”

“Hindi ko sasabihin sino nag-share ng information pero taga-IATF. Sila dismayado. Ang training nila they will toe the line of Malacanang. Pag sinabi ng Pangulo si Sec Duque still enjoys my trust and confidence, tameme sila. Ang sa akin naman dapat maski confidential memo magpadala sila sa Pangulo ng totoong nangyayari. Hindi ang dahil mapapakontra sila sa decision ng Pangulo, hindi na sila kikibo. Dapat tingnan nila ang mas malaking picture, hindi ang organization lang ng IATF na parang magpo-project na they are working harmoniously. Pero there is a bigger issue, thereโ€™s a bigger risk involved kung di sila kikibo para i-report sa Pangulo ang totoong nangyayari. Kasi kung blinded sila, wag na tayo kumibo baka sabihing nagaaway-away tayo rito, masamang projection sa publiko. Dapat they should think beyond that. They should not think of anong isipin. Isipin nila ang safety, ang health risk ng mamamayang Pilipino. Yan lang ma-advice ko sa kanila. Kasi ganoon ang nangyayari.”

“Walang mangahas magsabi sa Pangulo na Mr President eto namomroblema kami sa DOH. Walang nagsabi nang ganoon. Pero kung nakikipagusap sa amin, individually, sinasabi sa amin ang mga issue eh. Sinabi ko nga na shared sa akin nagulat sila nasorpresa sila bakit manual ang extraction, e samantalang automated na? Parang ayaw mag-automate? Anong ibig sabihin noon? Maski BOC, computerized na, nagpasa ng modernization, pero ang nangyayari ayaw nila mag-automate. Tinanong ko na rin yan noon. Kasi pag automated walang human intervention eh. Mawawala ang human factor.”

***

* NETFLIX TAX:

Siyempre may effort na BIR riyan maski bago sinabi ni Rep Salceda yan nabanggit sa akin ng mataas na opisyal ng BIR na talagang pinag-aaralan nila kaya lang napakaraming challenges. Unang una, ang Netflix kakaunti ang subscriber ng PH compared sa India or China. Sa India threaten nila ire-regulate nila di papapasukin ang Netflix. Pero sa PH di ganoon karami so wala tayong boses. Pero kung China and India pinayagan nila i-tax. Sa atin maliit boses natin kasi maliit ang subscription. Ang kinikita ng Netflix, P50B a month, $1B eh. Noon pa ito, buong mundo ito. Ang bayad natin P500 monthly, sa laki ng subscription nila worldwide tapos di ito nahagip ng tax especially sa PH.”

Ang problema ng BIR sabi sa akin noon maliit boses natin kasi ang India na-tax nila kasi ang daming subscriber, ang population 800M o 1B. Ang China, 1.5B, sa atin 100M. So anong boses natin, i-threaten natin ang Netflix, sige kayo di namin kayo papapasukin dito iba-block namin kayo, baka hindi tayo pansinin. Kaya yan ang pinagaaralan nila kung paano maka-capture kasi borderless ito. Paano mo ma-monitor? Ang subscriber makukuha yan pero ang Netflix baka di nila kaya abutin. Di lang Netflix. Pati iba. Malaki sanang tax yan.”

***

* SENATE BUILDING CONSTRUCTION DELAYED:

“Apektado siyempre, tumigil sila eh. I just hope na itong mare-resume ang mga infra projects maihabol na rin na payagan ang mag-construct doon. Na-delay ito 2-3 months.”

*****