#PINGterview: Proteksyon ng Mamamayan, Pakay ng Anti-Terrorism Bill

In an interview on ABS-CBN’s TeleRadyo, Sen. Lacson stressed the Anti-Terrorism Bill’s aim is to secure the state and protect the people from terrorist acts.

NOTES and QUOTES:

What the Bill Does and Does Not Cover:

May definition ang mga acts na kino-commit, ang mga acts, pero naka-limit ito sa ano ang purpose, ano ang intent, ano ang dahilan o motibo sa paggawa ng ganitong aksyon. Ang sinasabi lang dito pag ini-intimidate or tinatakot ang public or any segment thereof, maski hindi buong general public tapos hino-hostage mo ang gobyerno para magsagawa o di gumawa ng mga dapat gawin. Yan ang mga limitations.”

Maliwanag doon, unequivocal ang proviso na yan, talagang dinugtong, na hindi kasama rito ang sinasabi ng nagsasagawa ng disinformation na magsalita na lang laban sa gobyerno o maging aktibista ka laban sa gobyerno, terorista ka na. Napakamali kasi napakalinaw nilagay natin doon bilang qualification. Ito nakahugot ito sa Bill of Rights, maliwanag naman, Art 3 ng Constitution, Bill of Rights, sa Sec 4. Sinasabi roon, walang batas na pwedeng ipasa abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, ang rights of the people to peaceably assemble, mga ganoon, to petition the government for redress of grievances. Kung nagreklamo ka nireklamo ang wrongdoing ng gobyerno, hindi ka terorista.”

(Kung) ipo-provoke ang mga tao para magsagawa ng acts of terrorism, di karapat-dapat yan, hindi na yan parte ng freedom of speech. Kung provoke mo na ang na-recruit na terrorist o terorista na mismo para magsagawa ng ganoong violation e dapat naman panagutan mo. Iba ang freedom of speech iba ang nagpo-provoke ka na mag-commit ng acts of terrorism as defined.”

Remember, hindi ito pangkaraniwang krimen. Ito crime against humanity, crime against the general public. At indiscriminate ito, when we least expect it saka umaatake ang terorista. Kaya iniiwasan natin dito maging safe haven ang PH sa foreign terrorists. Dahil kung walang strong anti-terrorism law, e dito magpupuntahan yan.”

Need to Replace ‘Dead-Letter Law’ 2007 Human Security Act:

“Nangyari na yan, ang HSA of 2007, sa Senado na ako roon. Pero alam mo ba 735 sabi ng BJMP na nakakulong at ndergoing trial, 735 high-risk PDL, mga terorista ito. Pero kaso nila hindi violation ng HSA. May 66 ASG nagki-kidnap ag nagbe-behead, na-convict ang 20 na-acquit, pero sila na-convict hindi sa violation ng HSA kundi kidnapping. Ang 735 nakakulong di dahil sa violation of HSA kundi murder, illegal possession of firearms. Bakit? Ang pulis at military natatakot kasi pag na-acquit ang kanilang nahuli pagbabayaran sila under the present law, P500,000 a day.”

“Inalis natin ang provision na yan kasi matatakot ang pulis di naman sagot ng gobyerno ang P500,000 a day. Ubos pension ng pulis. Mangungutang yan, magho-holdup yan pambayad sa na-acquit.”

Inimbitahan namin ang progressive blocs, HR advocates, di sila pumunta. Gusto naming marinig ang kanilang position. Ang nagpunta, CHR, academe UP, PJA president Felix reyes, tapos DOJ. Yan inimbita namin kasama inimbita namin ang alam naming tututol, kasi gusto naming makuha ang kanilang inputs para ma-incorporate.”

Detention of Suspected Terrorists:

“Ang pinagbasehan natin dito ang warrantless arrest nariyan pa rin yan. Hindi ang mere suspicion, dadamputin ka at ikukulong for 14 days tapos extensible for 10 days.

Tinanong natin security sector, ano experience nyo sa field? Si former Chief PNP dela Rosa nang nasa Davao, personal experience, may nahuli sila terrorist. Hindi sufficient ang 36 hours reglamentary period. Napilitan sila dahil kulang ebidensya, alam nila madi-dismiss ang kaso, so ang ginawa nila ni-release nila before mag-expire ang reglamentary period, otherwise ma-file sila ng arbitrary detention. Months later napanood niya sa video ang mismong hinuli nila na ni-release nila may pinupugutan ng ulo.”

“Tanong namin, ano ang kailangan nyong panahon, kung kumpara sa ibang bansa na nagpapatupad ng reglamentary period? Ang hingi nila 30 days. Sabi ko huwag 30 days kasi lalampas tayo o kaya doon sa pinaka-median kung ikukumpara nati ibang bansa. Ang in-adopt natin Australia and Sri Lanka, 14 days. Sabi ko 2 weeks pag-aralin ninyo kung uubra makapag-buildup kayo ng ebidensya.”

Safeguards, Due Process in Place:

“Ngayon ang ginawa naming safeguards, itinaas natin ang parusa sa law enforcement agencies na magva-violate nitong proposed measure na Anti-Terrorism Act of 2020. Tinaas natin sa 10 taon para di sila makapag-probation. Ngayon ang pag-arrest sa warrantless arrest di tayo lalabas sa element ng warrantless arrest.”

Kung ako masusunod 20 years proposal ko pero sa interpellation at amendment natalo ako sa boto. Kung ako masusunod gusto ko 20 years. Gusto ko kung anong dapat pagkalagyan ng inmate, ganoon din parusa ng pulis. Kung ako masusunod. Kaya lang, collegial body tayo, demokrasya tayo, nagbobotohan tayo for every amendment na proposed, pinagbobotohan yan.”

“At isa pang importanteng safeguard. Under RA 4200, pwede gumawa ng judicial authorization sa RTC, dito elevate natin sa CA, sa surveillance. CA mag-issue ng judicial authorization at pagkatapos, ang proceeds i-deposit sa court, di pwede galawin ng law enforcement, may parusa rin yan.”

“Kapag nakaaresto ang pulis agad-agad dapat inform ang huwes sa pinakamalapit na lugar na inaresto nila. Halimbawa Imus, nakahuli ang puli Imus, unang tatawagin ang huwes sa Imus. Tatawagin nila ang CHR, may nahuli kami rito bisitahin nyo inspection ninyo bantayin ninyo. Ganoon ang nakalagay na safeguard dito para hindi masabing torture o itago.”

At di natin binigyan ng full discretion ang pulis. Ang talagang meron pa itong level ng validation ang Anti-Terrorism Council. Pag sinabing ATC, hindi valid ang pag-arrest, hindi pwede kulong ng 14 days, ire-release nila yan. May ganoon pa ito. Yan ang sinasabi nila bakit binigyan natin ng judicial power ang ATC. Hindi. Wala sila. Ang HSA na di sila pwede mag-exercise ng judicial, quasi-judicial, naroon pa rin yan.”

May due process pa rin yan. Ipo-prove pa rin ng DOJ o PNP o military na si Pedro dela Cruz talagang bona fide member ng NPA, magproduce sila ng ebidensya roon. Di pwedeng dampot ng dampot. Kaya huwag mag-alala ang mga kaibigan natin sa progressive bloc, hindi sila madadampot dito pwera pag may ebidensyang nagbibigay sila ng tulong, nag-supply sila ng explosives, nagbigay ng armas, sila mismo nag-i-incite, hindi ganoon. So huwag sila mag-alala.”

This measure goes beyond the PRRD administration. Pangalawa, maski wala tayong anti-terrorism act na ganito ang nilalaman, pwede pa rin mag-abuso ang pulis. Nakita natin si Ragos, nakita natin ang pinasok sa bahay dahil sa illegal drug operations. So huwag nila sisihin ang ATB kasi maski wala ito ang abuso at meron tayong karampatang batas na magpaparusa sa pulis. Tulad ng Ragos case, sabi ng NBI nakakita ng dahilan para i-file ang magsagawa ng preliminary investigation ang DOJ. So papunta ito sa due process na pag nakakita ng probable cause ang DOJ tuloy-tuloy sa korte. So walang kinalaman yan sa ATB. So bakit dinidikit nila rito? Ang basic dito, ang basic aim, is to secure the state and protect the people from terrorist acts.”

Appeal:

Ang panawagan ko, ang terrorism knows no timing nor boundaries. I just hope di darating ang araw ang mga tumutuligsa ngayon at ang naniniwala sa nagkukumbinsi, sana, sana, sana, huwag dumating ang araw na ang kamaganak, pamilya, mahal sa buhay maging sa receiving end ng terrorist act or attack. Yan masyadong late na para sa kanila i-regret ang araw na ito panahon na ito na tumutuligsa sila.”

*****

2 thoughts on “#PINGterview: Proteksyon ng Mamamayan, Pakay ng Anti-Terrorism Bill”

  1. Where can i read the Anti-Terrorism Bill/Act?

    The govt should publish it on the internet for the public to peruse.

Comments are closed.