In an interview on DZBB/GMA News TV, Sen. Lacson sets the record straight on pieces of disinformation against the Anti-Terrorist Act of 2020 – including safeguards against possible abuse; and the role of the Anti-Terrorism Council.
QUOTES and NOTES:
Katotohanan vs Disinformation:
“Madaling idepensa ito dahil katotohanan vs disinformation should be an easy competition. Kasi nangyayari ngayon may headstart sila. Nakauna na sila sa disinformation kaya pati mga bata sa iskwela, pati mga millennials, pati mga beauty queens, apektado pag-iisip nila kasi perception eh. Maraming bumabatikos. Pero ang bumabatikos nagdi-disinform, nagmi-misinform. Nangyari na ito eh.”
“Ang National ID noong araw, katakot takot na batikos yan noong panahon ni FVR early 1990s. Incidentally ako rin nag-sponsor niyan. Katakot-takot na batikos din inabot ko sa leftist and progressive groups. Pero ngayong nade-delay ang implementation, marami ngayon ang nag-aapura, hindi pa na-implement, napakalaking tulong niyan hindi lang seguridad kundi paglikom ng taxes, pagtulong sa mahihirap? All-encompassing eh. Pero ganyan din yan. Irony dito, batikos ng batikos, pagdating ng araw nakikita natin kailangan pala natin ito.”
“Napakaraming disinformation. Daming mga kababayan natin dapat mag-ingat.”
Why Prioritize Anti-Terror Bill over Hunger, COVID?
“Unang una walang kinalaman sa pandemic ito. Ang terorista hindi nakakilala ng timing, hindi nakakilala ng borders. Basta sila anytime when we least expect it, saka sila sumasalakay. What if bigla nang, huwag naman sana, biglang may nangyaring terrorist act? Or sa susunod na pagkakataon, sa isang buwan, isang linggo? Pag ito napirmahan ng Pangulo at na-publish sa Official Gazette, at least armado tayo ng batas.”
“Ang UN Security Council nagpalabas ng Resolution 1624 at sinasabihan ang mga estado, hindi lang Pilipinas, na palakasin, magkaroon ng legal backbone ang mga bansa para labanan ang international terrorism. Kasi nag-mutate na ito, di na ito simpleng pagsabog lang o pagpatay. Kundi napakarami nang pamamaraan ang ginagamit ng terorista para mag-terrorize. At maraming namatay, nabaldado, maraming infrastructure nasira. Ang Marawi karanasan natin yan.”
“Ang iniiwasan natin, maging safe haven ang PH kasi tayo ang may pinakamahina. In fact ang RA 9732, ang Human Security Act, severely underutilized if not talagang dead-letter law ang tawag namin diyan eh. Mula nang naipasa hanggang ngayon ang nako-convict dito iisa pa lamang. Ang nag-convict nga ang isa sa resource persons namin si Judge Felix Reyes, president ng PJA. Share niya experience niya sabi niya talagang napakahirap mag-convict under HSA. Unang una ang pulis takot mag-file under HSA dahil baka mapagmulta sila ng P500,000 a day kung ma-acquit ang kanilang finile-an ng kaso. Alam mo ba na report ito ng BJMP sa amin, 735 persons ang PDL na high-risk ang nakakulong, undergoing trial. Pero ni isa sa 735 hindi na-file-an ng violation sa HSA. Bagkus ang kasong hinaharap nila, murder, kidnapping, illegal possession of firearms.”
“At ang Global Terrorism Index, buong mundo, 9th ang PH sa most negatively affected by terrorism. Tayo nangunguna sa SE Asia. Kaya karatig bansa natin, Australia, US, EU, nagpunta sa sa opisina ko, tinatanong bakit hindi tayo makapagpasa ng batas na may ngipin man lang. Kaya ipinasa namin ito.”
Lack of De-Radicalization Program for Terrorists Charged with Common Crimes:
“Ang problema doon, nawawalan ng karapatan ang gobyerno magsagawa ng program of de-radicalization. Sa halip na ma-deradicalize ang mga detainees, sila ang nagre-recruit sa loob ng preso kasi ang kaso nila common crimes.”
“(Kung kinulong sila for ‘common crimes’ tulad ng murder), ang dapat na government interventions hindi available. Kasi common crimes yan. Nakahalo sila sa ibang preso. At walang programang intervention, hindi sila ma-deradicalize. Dapat may programa ang gobyerno na ito may psychiatrists, psychologists na mag-a-attend sa kanila. Special ang treatment sa kanila para hindi sila makapag-recruit sa loob ng preso. At sila mabago ang kaisipan tungkol sa terorismo.”
“Ang ASG, 66 na-convict, 20 na-acquit. Sa 66 na na-convict, ni isa doon, walang na-convict sa violation ng HSA. Bagkus karamihan na-convict sa kidnapping, for the same reason. Ang alagad ng batas at military, ayaw nila mag-file under HSA. So talagang may compelling reason para i-repeal.”
“Walang parole. Kasi amend ang RA 10592 sa parole, di sila mapa-parole. Pinakaimportante rito, may intervention ang gobyerno na kung saan mapagbago ang kanilang kaisipan. Magbago ang sa halip na sila nagra-radicalize sa loob. Alam mo ang mga fundamentalist iba ang takbo ng isip nito. Maaaring nasa loob na sila mag-commit pa sila ng acts of terrorism doon.”
Warrantless Arrests:
“Warrantless arrest, existing yan. Kahit walang Anti-Terrorism Act nariyan yan. At malinaw ang panuntunan diyan. 3 yan, ang una en flagrante delicto, when nariyan ang alagad ng batas o citizen, nakikita niyang nako-commit mismo ang crime, siya tutugunan ang kanyang duty. Pangalawa pag ang krimen has just been committed at ang alagad ng batas has probable cause to believe, na may personal knowledge na ang taong arestuhin talagang siya nag-commit ng crime, pwede niyang arestuhin, parang hot pursuit. Tapos ang pugante na tumakas dahil may final conviction, or pugante na temporarily detained pero may bisa ng arrest warrant tumakas siya pwede arestuhin. Di natin binago yan.”
“Sa halip, dinagdagan pa natin ang safeguard. Pupunta tayo sa 14 days na extendible to another 10 days. Pagkaaresto ng pagkaaresto ng pulis, obligado siya under the Anti-Terrorism Act of 2020 na sulatan ang huwes na pinakamalapit na lugar ng inarestuhan para impormahan ang huwes na meron kaming hinuli rito pangalan niya, sa ganitong lugar. Hindi lang yan. Susulatan pa ng pulis ang CHR, meron kaming hinuli rito, bisitahin nyo, inspeksyunin nyo. At ang visitation ng suspected terrorist at pati ang abogado, hindi pwede pigilan na siya ay dalawin at bigyan ng payo. Sa umiiral na mga batas, wala yan. Pagka hinuli by virtue of a warrantless arrest na sinasabi ko, di lang dito ginagawa sa anti-terrorism kundi talagang valid ang warrantless arrest under Rule 113. So under ordinary crimes. Halimbawa huli dahil murder o kidnapping. Hindi obligado ang pulis na sulatan ang huwes o CHR. Dito, nilagay pa natin yan.”
Need for Reglamentary Period:
“Iba ang krimen ng terorismo. Ang ordinary crimes, 36 hours ang nire-require. Dito kasi mahabang proseso ang pagtatanong o pagimbestiga. Sino ang sa cell niya, by cell kasi sila mag-operate, sino ang responsible, saan ang ibang kasamahan. Na-share ang experience ni Sen dela Rosa at ito sinama sa co-sponsorship speech niya. Personal experience niya ito. Nang may nahuli sila sa Davao na terrorist, 36 hours lang ang tinalaga ng batas, RA 9732, para i-detain without formal charges. So kulang ebidensya nila, wala silang sapat na panahon para mag-follow-up, mag-gather ng ebidensya. So nag-alala siya, madi-dismiss lang ito. Di nila finile, bagkus ni-release niya. A few months later nakita niya sa TV ang hinuli niya mismo na ni-release nila dahil kapos ang oras, namumugot ng ulo. I think sa Syria yata nangyari, kasi ISIS member.”
“So nang nagkakaroon kami ng pagdinig, ini-insist ng security sector, ng law enforcement, ang kailangan nilang panahon, 30 days. Ako umawat sa kanila, sabi ko mahihirapan tayo mag-defend kung 30 days. Ano pinakamaiksing oras na allowable sa inyo para makapag-gather ng enough evidence? So nagsaliksik din kami sa ibang jurisdiction. Nakita namin Malaysia 59 days pwede extend ng 2 taon. Indonesia 21 days pwede mag-extend hanggang 120 days. Ang Singapore and Maldives pwedeng mag-detain 730 days nang walang formal charges extendible period nila indefinite. So pinaka-lenient na nakita namin Australia, so doon ko pattern sa Australia ang 14 days. Tayo isa sa pinaka-lenient kung tutuusin. Ang safeguards nariyan. Another safeguard, pag ang pulis na nag-aresto di simulat sa huwes o CHR, makukulong siya 10 taon. Kaya obligado talaga mag-report. Pag hindi na-report ang hinuli agad-agad, hindi papalipas ka 2 araw bago sumulat. Nakalagay sa batas, immediately susulatan ang huwes.”
“At saka ang abogado agad para ma-advise ang mga rights. So hindi ba mas mahigpit ito sa ordinary crimes?”
Worries About Implementation:
“Ang implementation wala sa Senado o HOR. Executive branch yan, that’s another matter altogether. Ang dinedepensa ko rito, ang batas na kanilang pinupulaan at sinasabing violation ng human rights, ng civil rights. Ang Bill of Rights, Art III Sec 4 napakaliwanag sinunod namin. Hindi lang Sec 4, kabuuan lahat ng section, mahigit 20 sections sa Art III ng Bill of Rights. Lahat yan hindi kami lumabas doon. Ang sinasabing mere suspicion pwede hulihin, bumatikos ka sa gobyerno pwede ka hulihin, disinformation yan. Maliwanag sa provision, define namin ang terrorism 5 ang definition pero sa bandang huli qualify namin na kailangan ang intent and purpose maliwanag. Hindi lang yan. May provision pa, ito importante, ang definition dito shall not include advocacy, protest, dissent, stoppage of work, mass action or other similar exercises of civil and political rights. Napakaliwanag.”
“Qualified na qualified yan. Napakalinaw ng nakasaad dito na ‘shall not include.’ Mag-strike kayo, murahin nyo ng murahin si Presidente araw-araw sa ibang kaso kayo makukulong, hindi sa anti-terrorism.”
Disinformation that the Anti-Terrorism Council can Declare What Groups are Terrorist Organizations:
“Mali yan, maling mali, disinformation na naman yan. Disinformation yan. Ang ATC mag-file sa DOJ. Sila magke-clear sa pulis na pwedeng mag-file sa DOJ para mag-file sa CA ng petition for proscription. May due process ito. Kasi pag nag-file ang pulis ng petition na ma-proscribe, halimbawa mag-file sila petition naka-pending ngayon sa CPP NPA. May due process ito kasi unang una ang magde-determine kung ie-elevate pa ito sa CA, ang DOJ. Parang pangkaraniwang PI at lahat. Tapos CA ang magsasabi na itong NPA proscribed organization ito, ito parang terrorist organization. Hindi ito ATC. Ang ATC lang mag-clear sa pulis na pwede mag-file sa DOJ. Ito ang disinformation.”
“Sabi nila ATC nabigyan ng powers. Wala po, wala silang judicial o quasi-judicial powers na binigay sa kanila. Pati halimbawa sa tinatawag na pag-freeze ng assets o pag-designate. Ang part lang ng ATC sila mag-coordinate sa AMLC para i-freeze ang assets without delay ng designated. Pag sinabi nating designated, hindi criminal yan, administrative yan. Sabi ng ATC mag-file tayo sa AMLC itong terrorist organization na ito, designate ito ng UN o another jurisdiction na terrorist organization, pwedeng AMLC paki-freeze ang assets and bank accounts nito para hindi makasagawa ng terrorist acts. So hindi rin sila mag-designate kundi AMLC.”
“Pangatlo ang sinasabing ATC raw mag-determine ng 14 days. Mali rin po yan. Ang pulis di namin binigyan ng discretion na pag hinuli nila automatic 14 days ang kulong nila kasi mga susulatan, huwes, CHR at ATC. Pag ATC, nasa kanilang pag-aaral ay hindi tama ang ginawa ng pulis na pag-aresto na mag-detain ng 14 days, sasabihin sa pulis, i-release nyo agad yan kasi mali ang ginawa ninyo. So hindi ATC magsasabi ikulong nyo 14 days. Nasa batas yan ang warrantless arrest, sinasabi ko nga hindi lang dito sa ATC present kundi present ito sa lahat ng krimen.”
*****