In an interview on DWIZ, Sen. Lacson answered questions on:
* possible challenge vs Anti-Terror Bill before the Supreme Court [14:31]
* Sen. Drilon voted yes to anti-terror bill [7:04]
* blame game in COVID health workers’ P1M death benefits [29:53]
* Sec. Duque’s other obligations to health workers under Bayanihan Act [35:39]
* ‘removal’ of safeguard vs overpricing in Bayanihan 2 [44:33]
QUOTES and NOTES:
* ANTI-TERRORISM BILL:
Withstanding Possible Challenge before the Supreme Court:
“Confident kami kasi ako mismo habang in-interpellate ako at nag-introduce sila ng amendment, lagi nasa isip ko ang Bill of Rights. Ayoko masayang ang pagod namin na balang araw kinwestyon sa SC lumampas kami sa boundaries ng Bill of Rights, ma-declare as unconstitutional. So parameters ko roon tatanggapin ko proposed amendments nila, huwag lang bumalik kami sa maging dead-letter law uli, itong pag-repeal ng HSA. Pero sa maximum naman ayoko rin naman ang lalampas sa boundary ng Bill of Rights na nakasaad sa Constitution. Otherwise pag nadeklarang unconstitutional balewala itong batas. Sayang ang pagpapagod naming mambabatas dito.”
“Ang primary aim ng Anti-Terrorism Act of 2020 is to secure the state and protect the people, di ito para protektahan ang terorista. Ang poprotektahin natin ang peace-loving Filipinos against the terrorists.”
Contributions of Senators, Including Minority Bloc:
“Si (Sen. Drilon), napakalaki ng contribution niya. Ito siguro natatandaan kong panukalang batas na talagang pinarusahan ako nang husto, 7 araw ito sunod-sunod, walang puknat, walang patid. Nagbiro ako sa floor nang dinedepensa ko ito, sabi ko sa Bibliya nga nagpahinga ang Diyos on the 7th day pero dito sa ginagawa nyo sa akin pampitong araw ito ayaw nyo ako pagpahingain. Tapos ang amendments dito, 3 araw, sunod-sunod din katakot-takot ang amendments. Napakaraming nag-amend, napakaraming nag-interpellate. Para talagang ma-scrutinize.”
“Hindi ito gawain ng sponsor o authors pero pati ng gustong mag-contribute para lalong ma-enhance ang mga safeguards, talagang tinanggap ko naman. Si Sen Risa and Kiko, napakalaki ng contribution nila. Nag-interpellate sila, pagkatapos nag-introduce ng amendment. Tinanggap ko halos lahat na amendment nila. Kaya nagulat ako nang botohan na, biglang nag-negative vote sila. Sabi ko tinanggap ko naman ang mga amendments, yun pala boboto rin against the bill. So nakakatawa rin, parang awkward lang, kung ikaw kontra ka na o may amendment ka na di tinanggap, bumoto ka ng no. Pero wala silang dahilan dahil nag-participate sila at tinanggap ko ang amendment pero no pa rin. Pero ginagalang ko pa rin yan dahil demokrasya tayo sa Senado, collegial body, kami nga 24 republics. Kung ano nilalaman ng loob igalang ng bawa’t isa. Yan lang sa akin. Komentaryo ko lang yan na parang tinanggap ko naman lahat, hindi ko mawari bakit sila bumoto ng No.”
“Ang hearing nito nagsimula Oct 2018. Mahabang pagdinig dito. Sa Senate Nov 2018 uli. Tapos inabot kami ng pagpapalit ng regular session sa Kongreso so nag-refile ako ng bill kasi nawala na. In-incorporate namin ang nakalap naming information sa 2 naunang hearing noong 17th Congress tapos nag-hearing uli kami October 2019. Kaya 2 sponsorship speeches ako rito. Unang sponsorship speech di ito napasa kasi walang counterpart sa HOR. Sa pangalawa nag-sponsorship speech uli ako rito. Inabot nga ni Sen Bato. Nang una kong in-sponsor, CPNP pa siya. Ang pangalawang sponsorship speech, co-sponsor ko na siya. Ganoon katagal.”
“Ang sabi ko nga 7 sunod-sunod na araw may pagkakataon pa natatandaan ko nakatayo ako sa podium. Ang kaharap ko No. 1 sa Bar, Sen Koko Pimentel; No. 2 sa Bar, Sen Drilon. Tapos batikang abogado si Sen Gordon, tapos kabilang corner naroon si Sen Kiko. Tapos nag-i-interject Sen Tolentino. Nasabi ko nga, it is an honor nakatayo ako rito kasama magagaling na abogado may No 1 No 4, at ako di abogado, ako ang kanilang pinuputakti ng tanong.”
“Si Sen Drilon, lulusot ba ito kay Sen Drilon e alam mo naman kabisado niya mag-interpellate. Maraming panukalang batas sa Senado na hindi lumulusot pag ini-interpellate niya. Pero siya mismo bumoto ng yes dito dahil nga nakita niya rin ang necessity na ito di para sa pulis, di para sa military. Ito para sa ating estado at para sa tao.”
Some Mindanao Lawmakers Reportedly Not in Favor:
“Pero pag mababasa nila ang kabuuan at ang context, ang substance ng batas, at hindi lang makikinig sa disinformation na kumakalat, hindi sila mangangamba at palagay ko susuporta pa sila. Kasi katakot-takot na safeguards nilagay natin dito. Mas malala pa, kung sa safeguards din lang, mas mahigit safeguards natin kesa sa umiiral na malakas na democracy sa buong mundo. Pinag-pattern natin dito mostly kinuha ko ito sa Australia, EU, US. Yan ang mga pinagkopya natin pero ang pinaka-standard na sinunod namin ang UN standards sa anti-terrorism. Kasi ang UN SC naglabas ng Resoluton No. 1624 na nananawagan sa mga bansa pero meron silang standards doon. Yan ang sinunod natin, hindi tayo lumampas doon.”
‘Lenient’ Compared to Anti-Terror Laws in Other Countries:
“Doon (sa US) walang visitation. Sa France lalo, ang kanilang security act naku, napakatindi. Aarestuhin ka sa checkpoint.”
Disinformation ‘Targeting’ Senators’ Children:
“Ang iba ring nakausap namin pati kapwa kong senador, mga anak din nila nata-target. Matindi ang kampanya sa social media rito, siyempre nadadapuan ang bata, nadadapuan ang millennials. Kasi basta nakapasok sa may account sa social media talagang matatamaan ito at maling information kumakalat.”
“Siguro misplaced ang kanilang apprehensions and fears dahil lumabas na ang katakot-takot na disinformation. Pag ganitong pananakot ang ginagawa, vulnerable ang kababayan natin. Kasi madaling takutin eh. Isipin mo papakalat nila, pagsuspetsahan ka lang dadamputin ka na. Tapos makapagsalita ka laban sa gobyerno dadamputin ka, wala naman pong ganoon. Kaya emphasize ko may provision na ‘Shall Not’ at in-enumerate sa nakasaad sa Bill of Rights na hindi pwede ipasok bilang commission of crimes sa terorismo ang nakasaad mismo sa Bill of Rights.”
Claims that Anti-Terror Bill was Rushed amid COVID Threat:
“Unang una ang terrorism walang kinikilalang timing o boundary. International ang hinaharap natin. Ang scourge na yan nag-mutate na. Hindi limitado sa isang jurisdiction, kung hindi kung saan-saan na napunta. Nangyari na sa Marawi. Napalaking pinsala, P18B ang estimate, at 900 ang Maute allied forces at 47 civilians namatay. Malaking perwisyo. E ang ISIS hindi sa PH yan.”
Claims that People Need Food, Jobs, Govt Assistance Instead of Anti-Terror Measure:
“Totoo naman yan. Kailangan natin trabaho, ayuda ng gobyerno, pagkain, at kailangan ng tulong sa frontliner. Pero malay natin baka ngayon naguusap tayo may sumabog diyan? O baka naantala o di napasa ang batas, biglang may nangyaring Marawi at malapit sa NCR? Huwag sana mangyari yan.”
“Kaya inarmasan natin ang state, di law enforcement. Inarmasan natin ang bansa natin kasi mismong UN Security Council kaya rin tayo nag-amend, o ni-repeal ang HSA, kasi tugon ito sa panawagan ng UN na sa lahat na states, di lang sa PH, magkaroon ng malakas na legal backbone sa paglaban sa terorismo. Kaya natin inisip i-repeal ang HSA of 2007, kasi napaka-underutilized, naging dead-letter law eh.”
Fears that One Can be Arrested on Mere Suspicion:
“Unang una hindi ang sinasabing mere suspicion, pwede arestuhin, maling mali po yan. Ang umiiral dito ang Rules of Court, ang tinatawag na citizen’s or warrantless arrest, yun pa rin. Hindi pa yan nagbabago. Ito nagsasabi en flagrante delicto ang mismong sinasagawa ang krimen nakita ng pulis, aarestuhin. Pangalawa kung ka-commit ng crime at ang pulis na aaresto may probable cause at may personal knowledge na ang krimen ay committed ng taong aarestuhin, doon lang siya pwede mag-aresto. Pangatlo kung takas, ang pugante. Yan ang pwedeng okasyon na pwede mag-aresto. Hindi yung nagsuspetsa lang ang pulis aarestuhin agad maski sino. Maling mali yan. Ito isang part ng disinformation campaign na wine-wage ng kumokontra nito.”
Fears that Ranting on Social Media Can Lead to Arrest:
“Mali rin yan. Naka-qualfiier yan sa definition, talagang sinaad namin doon na terrorism shall not include advocacies, freedom of expression, freedom of speech. Pati ang industrial strikes. Lahat yan, talagang mabuti nilagay namin yan kasi kung di nalagay yan, pwede magkaroon ng alinlangan. Pero nakasaad doon shall not, hindi may not. Inutos, shall not include. So hindi pwedeng isali roon. So pwede magpahayag.”
“Of course pag iba ang nag-i-incite ka na, seryoso pag-incite mo at may independent ebidensya na talagang ikaw seryoso sa pagre-recruit, pag-incite para ibang tao mag-commit ng acts of terrorism, pwede ka makasuhan. Pero kung usap-usap lang casual o kaya nagbiro na pasabugin natin ito di agad aarestuhin ang ganoon. So No. 2, yan isa sa disinformation campaign na lumalabas.”
Need to Replace ‘Underutilized’ 2007 Human Security Act:
“Alam mo ba na after a decade, 1 pa lang ang convicted dito. Ang ulat sa atin sa BJMP, ang nakakulong ngayon undergoing trial 735 high-risk PDLs. Pero ang 735 na nakakulong ngayon, mga terorista ito pero ang hinaharap na kaso hindi violation of HSA, bagkus mga kaso ng murder, illegal possession of firearms. Bakit? Kasi ang alagad ng batas natin natatakot mag-file ng violation ng HSA dahil sa provision na pagbabayaran sila ng P500,000 kada araw ng detention pag na-acquit. Ang ASG, 86 ang nakulong. 66 na-convict, 20 na-acquit pero na-convict na 66, walang na-convict na terrorism or HSA, na-convict sa kidnapping. Again ganyan ang dahilan, kasi iniiwasan na mag-file ng violation. Kaya napaka-underutilized o kaya di man na-utilize ang HSA kaya panahon na rin na bukod sa tugon sa UN at karatig bansa natin, minabuti na nating i-repeal.”
“Ngayon ang experience ni Sen dela Rosa binanggit niya sa co-sponsorship speech, may nahuli sila noon nang nasa Davao pa siya na terorista. Pero ang maximum time na pwede kulungin, 36 hours. Gahol na gahol sila sa oras para maghanap ng sufficient evidence para ma-file ang kaso against that person so napilitan silang palayain. Kasi lalampas sa reglamentary period. Makaraan ng ilang buwan napanood sa TV naroon sa Syria at namumugot ng ulo. E sa ibang bansa. Kung halimbawa dito namugot ng ulo e di terorista pa sa kababayan natin. Ito ang dahilan bakit minabuti natin habaan ang reglamentary period from 36 hours ginawa natin 14 days.”
“Gusto ng law enforcement security sector, 30 days. Sabi ko sa kanila, huwag 30 days, mahirapan akong idepensa sa floor. Ano talaga ang katanggap-tanggap sa inyo? Sagad na natin. So ang sinunod namin maski 30 days ang kanilang gusto, ang pinakamababa. Pinattern namin sa Australia at Sri Lanka. Sa Indonesia, 21 days na pwede sila mag-extend hanggang 120 days. Yung Malaysia 59 days pwede ma-extend 2 taon. Singapore at Maldives, 730 days na pwede pa ma-extend indefinitely. So pagkahaba. E narito na tayo sa moderate to lenient na reglamentary period. Of course pwede pumunta sa SC sila, kwestyunin nila, pero wala kaming nakikitang violation ng Constitution dahil lahat na position dito nakapaloob at di lalagpas sa Art III ng Constitution, Bill of Rights.”
Safeguards vs Abuses:
“Talagang lahat na paghihigpit ginawa namin. Sa proscription, sa HSA ang pag-apply ng proscription ng terrorist organization like ASG, a terrorist group na official na dneklara ng ating korte na terrorist organization, 2015 ito nangyari. Ang NPA pending sa RTC, pero ang ginawa natin dito sa halip na RTC mag-file ng petition for proscription para madeklarang terrorist organization ang isang grupo, inakyat namin sa CA. Pagkatapos timebound ito. Halimbawa nabigyan ng proscription, after 3 years ire-review ito, kung hindi magla-lapse ito. Di tulad sa umiiral na batas ngayon na forever pupwedeng naka-proscribe. At ito pa isa, para mabawasan ang agam-agam ng mga di naman sympathizers, yung sympathetic sa cause ng CPP NPA. Hindi naman porke’t na-proscribe ang NPA as a terrorist organization, agad-agad maski sinong sabihing NPA ka, aarestuhin. Separate ang pag-prove na ang taong yan member ng NPA, rules of evidence din ang mangingibabaw. Halimbawa si Pedro dela Cruz, may nagsabing kapitbahay na NPA yan, di agad dadamputin yan. Aanuhin yan alhough halimbawa proscribed ang NPA, si Pedro dela Cruz sasailalim sa due process, ito ipoprove na member siya ng NPA bago maaresto siya on the basis of the proscription. Ganoon kahigpit ang ginawa natin.”
“Maski sumbong ka ng 3 kapitbahay mo na NPA ka, hindi ka pwede damputin. Ipo-prove pa rin na talagang member ka ng NPA once na-proscribe. Tinitingnan ko rito kaya ang leftist lalo ang progressive bloc sila malaking agam-agam kasi baka ma-associate sila sa NPA baka bigla silang damputin. Hindi po ganoon, hindi sila dadamputin. Ibang due process ang susundin para i-prove na ang taong yan talagang member ng proscribed organization.”
“Kaya tinaasan natin ang wrongful acts, ang hindi pag-comply sa panukalang batas na ito, tinaas natin ang parusa sa pulis at military, naging 10 taon. Halimbawa kung inaresto napatay o tinorture, mananagot pa rin sila sa umiiral na batas na murder o anti-torture act. Yan pa rin mananagot. Pero halimbawa may inaresto dahil pasok sa warrantless arrest pagkatapos hindi nag-comply ang alagad ng batas, ito isa pang safeguard, pag-aresto na pag-aresto, susulatan agad ang pinakamalapit na huwes. Halimbawa sa Laguna may naaresto roon susulatan agad ng pulis ang huwes sa Laguna. Kung hindi, makukulong siya 10 taon. Kailangan sulatan din ang CHR, kasi kung di niya gawin yan, makukulong din siya ng 10 taon. Lahat na wrongful acts na konektado sa panukalang batas na ito tinaasan namin ang parusa. Pero kapag lumampas pa sila sa nakapaloob ng panukalang batas na ito, iba pa ang krimen na commit nila, mananagot sila sa ilalim na umiiral na batas. Kung murder, habang buhay sila mananagot. Kung kidnapping, kinidnap ang inaresto nila, makukulong sila habang buhay.”
“Di ko sila masisisi dahil sa mga experience laban sa illegal drugs, maraming excesses. At ito naman, checkpoint pa lang, kay Ragos. Pero na-file-an naman ng kaso ang pulis. Kung agam-agam nila tungkol sa implementation ibang usapan yan. Pero pag pinaguusapan natin ang batas na ito, narito ang lahat na safeguards. Ang gamot naman doon kung may abuses, tinaasan natin ang karampatang parusa at may umiiral na batas, kung lampas sa violation ng proposed bill na ito ang mako-commit ng mga pulis. Pangalawa in-elevate namin under the existing law, RA 4200, ito ang anti-wiretapping act, ang alagad ng batas nag-a-apply sa RTC at pwede bigyan ng judicial authorization. Ito in-elevate natin, di na RTC, sa CA na sila mag-file ng judicial authorization para mag-conduct ng surveillance. Nilagay natin 60 days extendible period of 30 days. Pero pag pinayagan ng korte yan, at meron silang nahagip sa conversation, di nila pwede pakialaman ang napakinggan nila roon. Idedeposit nila ito doon sa CA. at ang pwede magpalabas mamili kung anong pwede ilabas doon, ang CA. Hindi ito ang alagad ng batas na share natin anong napagusapan dito.”
Enrolled Bill:
“Enrolled bill. Kasi pag naipadala ng HOR kay SP, pipirmahan nila yan tapos enrolled bill na. Bahala na si Presidente kung ive-veto o aaprubahin niya. At kung di niya gagalawin sa loob ng 30 araw, magla-lapse into law, Parang deemed approved na yan.”
“Nang nag-caucus kami sa martial law extension tinanong ko sila, ano ang end state ang tinitingnan ninyo para di kayo humingi ng extension ng martial law? Sagot nila, sina SND Lorenzana, SILG Ano, NSA Esperon, Sir ito ang commitment namin. Kung maipapasa ang Anti-Terrorism Act, di na kami hihingi ng extension ng ML sa Mindanao. So yan ang commitment nila. So once ma-approve ito ng Pangulo wala nang extension at hindi na sila magdedeklara. Maybe other circumstances, pero ito sa umiiral ngayon gawa ng Marawi, wala na yan kasi pangako nila wala na martial law sa Mindanao kapag naipasa ito.”
***
* BAYANIHAN ACT
Blame Game in Implementing Compensation for Health Workers
“Ang puna ko lang kay Sec Duque, turo siya ng turo. Kung natatandaan mo unang pagdinig namin under the committee on health, ang napagusapan doon, committee on health, ang 2 mag-asawa na taga-Wuhan na sumakay sa Cebu Pac. Tapos ang contact tracing sino ba tinuro niya, di ba ang subordinates, tao niya? Tinuro pa niya CAAP, ang NAIA administration. Tapos sunod naman nang kinwestyon ko overpricing, tinuro niya DBM Procurement Service, tinuro ang RITM. Ito na naman kay Pangulo mismo, ang masama roon tinuro niya ang kanyang mga underlings, subordinates. Pati ang nabiktima na gagawin pa niyang dahilan. Kaya raw natagalan, ang iba sa dapat nabigyan ng biyaya, 2 asawa. Nariyan pa ba yan? Namatay na ang tao tapos gaganunin mo pa. Sila pa dahilan at sinisi niya ibang tao. Teka muna, ikaw ang kalihim diyan. Sa iyong department. Dapat naman matuto siyang tumanggap ng responsibility.”
“Mabuti inako niya ang responsibility pero nakapagturo na siya. So pangit pakinggan ang ganoon. Ikaw ang kalihim tapos wala kang ginawa kundi magtututuro. Baka mapalitan ang pangalan niya baka di na siya si Francisco. Baka si Arturo na siya.”
“Kaya iba sa amin pag nag-uusap kami nagtataka kami ano ba anting-anting meron ito? Alam kong may anting-anting si Sen Revilla Sr at Jr. Pero mukhang tinatalo sila ni Sec Duque sa agimat dahil talagang nagtataka kami ang dami niyang palpak. Nag-resolution ang 14 senator, 15 hindi lang humabol pirma ni Sen Recto. So ang tibay-tibay talaga, ano talagang anting-anting na hawak?”
“Na kay Pangulo talaga yan, hire and fire nasa kanya. Basta hindi saklaw ng Civil Service Law basta presidential appointee talagang siya lang pwede magsibak. Pero sabi ko nga baka nahiya o naawa o anuman si PRRD sa kanya, out of delicadeza dahil sana kung isang palpak pero pattern na nga. Pattern ng failure, pattern ng neglect, pattern ng inadequacy. Nasa sa kanya na yan. Huwag na niya pahirapan si PRRD, magkusa na lang sana siya.”
“Si PRRD maski sa bravado niya, pagdating sa kaibigan at pagdating sa kasama ang baba ng loob kasi ako mismo may personal experience sa kanya nang nasa TF Habagat pa ako. Nang bugbog na bugbog kami sa kasong KB, naroon siya, nakikiramay. Pinuntahan niya ako sa Kiangan Hall sa Crame. Sabi niya mag-relax ka muna, bisita ka sa Davao. Manood ka ng Miss Davao. Ganyan yan eh. Si Sen Pacquiao kung kailan natalo, saka niya pinuntahan. Pagka nanalo at lahat nakiki-celebrate, wala siya. Pero pag natalo at walang pumupunta dahil talo siya ang nakakaisip pumunta. Ganyan si PRRD. With all his bravado, tapang, talim ng dila, pero pagdating sa kasama, mababa loob niya lalo sa mga api. Parang under the gun ka, nariyan siya. Yan ang isang quality niya na gusto ko. Kaya lang minsan pagdating kay Duque, parang di ko na rin gusto.”
“Kung di nakaabot sa kanyang (Pangulo) standard ng pagtugon sa pangangailangan, di ba dapat may pagkalagyan? E wala, nagturo pa. Harap-harapan, sa harap ng media, naka-televise buong PH, sasabihin mo pa kaya naabala kasi ako nahihiya masama loob ko sa tauhan ko. E ikaw pinuno roon. Tapos sabihin mo pa isa pang nakaabala kasi ang iba 2 asawa. Foul naman ata yan. Alam mong nasa national TV ka babanggitin mo pa yan. Sana binulong niya na lang yan, ito naging problema natin nung isa. E bakit lahat ba na 32, 2 asawa?”
“Bukod sa walang concern, incompetence yan. Failure of leadership. Pag hindi mo napagalaw tauhan mo, ang balatay niyan sa iyo. Ikaw pinuno eh. Ibig sabihin di ka pinapakinggan? Itatapon mo pa sa ilalim ng bus ang tauhan mo?”
Some of 32 Health Workers Who Died Getting P1M Under Bayanihan Act:
“Kasi yan ang pinuna. (Pero) may nakapaloob sa Bayanihan to Heal As One Act. Tatlo yan. Kami ni Sen Poe ang nakapaglagay ng Special Risk Allowance. Dapat lahat ng government health workers, entitled doon on top of the hazard pay kasi may hazard pay na sila. Di pwedeng tawaging hazard pay kaya pinalagay namin yan ng Special Risk Allowance. Tapos lahat na maging severely ill kailangan makatanggap ng P100,000 medical assistance. Public and private. Tapos, lahat na public and private frontliners, health workers na magkakasakit, sagot lahat ng PhilHealth. Tapos 4th lang ang P1M pag namatay. Pero lahat yan in the line of duty. Kailangan related sa COVID ang kanilang pagkakasakit at pagkamatay nila at pagkakaospital.”
“Bakit ang ni-react-an lang niya, ang P1M? Kasi ito lang ang pinagusapan. Pero ano ang sitwasyon o ginagawa niya sa P100,000 na dapat tanggapin ng severely ill? I’m sure tanungin na rin siya, ilan ang severely ill sa COVID? I’m sure hindi niya alam. Paano nyo bigyan ng P100,000 kung di niya alam? Tapos, ilan ang nagkasakit na public and private na dapat sinagot ng PhilHealth? Ito ang nagre-react lang siya pag inaapura na siya, pag napapansin na at inaapura ng Pangulo. Pero ang 3 iba pang benepisyo, binigay niya ba? Ang tinugunan niya lang ang P1M kasi ito naging usapin. Ang ibang hindi pinaguusapan, Special Risk Allowance, P100K, etc… Remember, ang sagot na Special Risk Allowance ang government workers. Pero the 3 others, ang severely ill at sagot ng PhilHealth at P1M, public and private health workers. Bakit hindi natin itanong sa kanya, ano nangyari sa severely ill? Binigyan mo na?”
“Kailangan patawag uli siya ng Pangulo, anong nangyari sa P100,000 bago siya kumilos uli? E nasa batas lang yan, babasahin lang niya ang batas?”
Problem with Documentary Requirements to Get Benefits:
“Yan ang masama. Parang ayaw mo ibigay, pinapahirapan mo para tamarin mag-apply. Di ba tayo ganoon? Pag katakot-takot ang documentary requirement tinatamad na tayo. Sa inyo na yan, hirap na ako pinapahirapan nyo pa ako, tapos di pa makalabas, naka-confine sa bahay, magsa-submit pa. Dapat salubungan. Kung anong requirement na kaya i-produce ng DOH, sila na mag-produce. Bakit itong P1M sila na nagasikaso, dinala pa sa bahay? Dahil napagusapan? Dahil inutusan ng Pangulo? At kung di inutos ng Pangulo na sa severely ill at sagot ng PhilHealth? I wonder kung ang naospital na health workers public and private kung binayaran ng PhilHealth o nagbayad sila sa ospital. May alam ako private health worker naospital sarili niyang gastos. E sa batas sagot ng PhilHealth yan. Public and private, di lang public.”
Benefits of Bayanihan 1 to Continue Even if Bayanihan 2 Not Passed?
“Oo kasi kung nasimulan na at may naiwanan, tuloy-tuloy yan. Pero ang di pa na-implement, wala na yan, ang di nasimulan ma-implement. At ito questionable ito. Kung di ba na-implement ang mabibigyan ng P100K, ano mangyayari ngayon? Nag-expire? Questionable nga. Di ko sinasabing di mabibigyan pero nag-expire na. kasi di na valid ang batas. Ang batas nag-stop mag-exist noong June 5 nang nag-adjourn ang Kongreso. Ang nakalagay namin retroactive Feb 1. Dapat noong nagkasakit tinamaan ng sakit noong umpisang Feb 1 dapat sakop doon.”
“Ang problema, kung di na-implement yan, anong isa-cite nilang justification para maglabas ng pera kung di pa nila nasisimulan? Ito P1M nasimulan na so ongoing na yan. Pero halimbawa, yan ang problema ngayon. Di ko sinasabi kasi di ko alam ang sagot dahil ito korte magsasabi kung sakaling may mag-question kung applicable pa sa kanila. Nagkasakit Feb 1, Feb 2 tapos naging severely ill dapat nakatanggap ng P100,000 tapos hospitalization nila sagot ng PhilHealth maski di severely ill basta naospital ka health worker ng govt or private sector, naospital ka wala kang babayaran dapat sa hospital. Retroactive yan Feb 1.”
Possible Class Suit over Bayanihan 1 Benefits:
“May batas. Pag di nag-comply, oo. Tapos kung gusto nila humingi ng danyos dahil nagkautang-utang o kaya meron silang tinatawag na anxiety, tapos may nagkasakit uli o naatake, bakit hindi? Palagay ko pupuwede. Hindi naman ako lawyer pero palagay ko pupuwede magkaso.”
***
* BAYANIHAN 2, SAFEGUARDS vs OVERPRICING:
“Ang problema, ang naging problema sa Bayanihan 2 meron kaming version, pinasa namin sa second reading. Dumating ang gusto ng Malacanang, pinadala sa amin kaya na-stall, pabalik-balik ito. Description ni Sen Angara ang sponsor, para tayong kumkuuha ng exam na hindi makapasa-pasa. Ayaw rin namin ang pakiramdam na para kaming rubber stamp na kung anong idikta yan ang ilalabas namin sa batas. Halimbawa meron akong in-amend na tinanggap ni Sen Angara.”
“Remember nang question ko overpricing kasi naka-indicate yan parang Sec 4V nakalagay roon pag under finance act, exempted sa provision ng RA 9184 Govt Procurement Act, ang nakalagay lang doon in an expeditous matter. Sabi ko pag sinabing expeditious manner maski gaano kamahal basta expeditious pasok na. So nag-introduce ako ng amendment para may limit ang presyo, siningitan ko ng ‘in a judicious, economical and expeditious manner.’ Dinagdag ko ang 2 words para managot sila sa COA o sa batas na RA 9184 kung overpriced masyado kasi di na economical at di na judicious ang pagpe-presyo. Nang dumating ang gusto mangyari ng Executive Branch, tinanggal na nga ang judicious at economical, pinalawak pa, pati expeditious nawala na. Parang blanket exemption na from Govt Procurement Act. Sabi ko pag ito pinilit di ako boboto in favor kasi eto na naman tayo. Ang makakagusto lang niyan ang mga suppliers at may ka-connive na tiwali na taong gobyerno.”
“Napaka-fair ng aking amendment at para makatipid ang gobyerno dinagdagan ko judicious and economical on top of being expeditious sa pag-procure ng mga items. E doble-doble nga. Tinanong ko Sen Gordon magkano bili nyo sa PRC, sabi niya $15 ang swabbing system tapos bili ng Project ARK $16 kasi may middleman. May profit yan at VAT. Tapos bibili ang DOH $32 kasi kailangan expeditous? Di ba sinalo na nga ng Pangulo yan, sabi niya ako nag-utos niyan kaya kailangan madaliin. Pero between $16 and $32, sobra naman yan, di na economical yan kaya ko ang judicious and economical. Tapos pagbalik, wala na, blanket na, exemption na, humihingi na sila exemption from RA 9184 pangkalahatan na. Sabi ko teka muna. Pag ganyan ang ito at ito pinilit pa rin, di ako papayag dito. Magno-no na lang ako.”
“Kasama yan (sa 32 amendments ng Malacanang). Yan ang una kong tiningnan kasi 1 lang amendment ko. Di ako nakipagtalo sa numero. Ang pinaka-conscientious sa HOR man o sa Senate, ang figures. Mas mataas gusto ng Senado di hamak mas mataas ang gusto ng HOR parang P1.3T. Naintindihan ko naman ang mga kasamahan namin, stimulus ito. Lagyan na natin stimulus package para umagat uli ang ekonomiya. Pero 32 amendments na huling ipinadala ng DOF, hanggang P130-140B lang sila. Naintindihan natin, kung walang pera paano mo pipigain ng dugo ang singkamas, walang lalabas na dugo sa singkamas.”
*****