#PINGterview: Mensahe sa ABS-CBN; Kritiko ng Anti-Terror Law; PNP; DOH

In an interview on Abante Radyo Tabloidista, Sen. Lacson answered questions on:
* ABS-CBN franchise [30:25]
* Fake news vs Anti-Terrorism Law [37:22]
* Cops accused of violating the law [16:07]
* Dealing with COVID at home [21:20]
* DOH issues in handling COVID pandemic [24:05]

QUOTES and NOTES:

* ABS-CBN FRANCHISE:

Mensahe sa ABS-CBN:

Unang una, Kongreso ang may authority under the Constitution para mag-approve. Kaya tawag doon legislative franchise. Kung anuman ang individual na dahilan o collective na dahilan ng mga kongresista kaya nila ni-reject o hindi binigyan ng franchise ang ABS-CBN, nasa kanila yan.”

Ang sa parte naman ng ABS-CBN, maybe kung bumagsak sila today, pero iba ang usapan kinabukasan o sa susunod na araw o taon; I’m sure babangon uli at babangon.”

“Ang sinasabi ng iba na assault sa press freedom, yan ay isang opinion pero kung titingnan din naman natin ang constitutional requirement dito na ang Kongreso, ang HOR for that matter. Kung umabot sa Senado yan, kasi di kami makakaaksyon hanggang hindi transmit sa amin ng HOR ang approved HOR version ng legislative franchise, so ngayon wala kaming didinggin sa Senado.”

“Pero dahil nag-exercise sila ng kanilang duty under the Constitution, para sa akin irespeto na rin natin yan. Anuman ang dahilan nila mapa-selfish ang dahilan, talagang mandate nila at authority nila yan under the Constitution na mag-approve or disapprove ng application for legislative franchise. Naroon tayo sa punto na ginawa nila yan, anuman ang dahilan, kailangan natin tanggapin yan. Sa ABS-CBN naman, you fall today but you will rise tomorrow. Ganoon lang kasimple yan.”

***

* ANTI-TERRORISM LAW:

Pakiusap sa Kritikong Nagkakalat ng Fake News vs Anti-Terror Law:

“Maraming mali na sinasabi ng mga kritiko. Sana magpakatotoo lang sila para ma-educate ang ating kababayan, ang mga uninformed na tinatawag. Hindi ang ililigaw nila ang kaisipan para lang magkaroon ng suporta. Yan lang ang aking pakiusap.”

“At huwag sila mangamba. Ang kalaban terorista, hindi nagpoprotesta.”

NPA Designation in 2017:

Ang designation (sa NPA), sinagawa ng Anti-Terrorism Council. noong 2017. Dalawa ito. Ayon sa ating batas ngayon na naroon din sa HSA, kailangan ma-designate muna ng ATC ang terrorist group, org or association na terrorist group pero di ibig sabihin automatic hulihin at kulungin agad.”

Designation yan, ang basehan niya (Pangulong Duterte). Ibig niya sabihin designated ang CPP-NPA, designated ng ATC.”

Sa designation, administrative. Ang ATC nagde-designate pero susunod sila sa panuntunan ng UN Security Council Resolution 1373. Kung labas ito sa panuntunan ng UNSCR 1373, hindi pwede magdeklara ang ATC. Maski may request, halimbawa CPP-NPA, 2002 pa lamang ito na-designate na ng US bilang terrorist organization. Pero hanggang ngayon di inaaresto ang member unless na-encounter ng military o namaril ng sundalo at pulis. Hindi automatic na pag nag-request ang isang foreign jurisdiction o supranational jurisdiction tulad ng EU or ASEAN, di rin automatic yan. Titingnan pa rin ng ATC kung ang panuntunang nakasaad sa UNSCR 1373 ay nafu-fulfill o nako-comply bago sila mag-designate ng isang grupo na terrorist organization.”

***

* PNP ISSUES:

Pulis Sabit sa Rape-Slay sa Ilocos Sur:

“Unang una ang ginawa na action ni CPNP Gamboa. Ang paggawa ng mga abuse ng pulis, hindi lang sa PH nangyayari yan. So hindi mawawala yan, may maliligaw at maliligaw na scalawags sa hanay ng pulisya. Ang mas importante ang liderato may ginagawa. Agad-agad naman naman ginawa ni CPNP Gamboa. Tinawag pa niyang mga animal, na hindi dapat maging pulis. At sila nahaharap sa sakdal at sila nakakulong na ngayon. At siguradong kung di man sila dismissed ngayon siguradong madi-dismiss sa serbisyo. Kasi mukhang maliwanag naman at napakalakas ng ebidensya sa mga pulis na yan dahil may nabuhay eh. May complainant pang isa na binibigyan ng seguridad.”

Maski kapanahunan ko bilang Chief PNP meron talagang naliligaw at naliligaw nangongotong, pero ang importante ang liderato alisto naman na i-check agad at ikulong kaagad at i-dismiss kaagad.”

“Ang Joint Resolution 1 sa pangunguna at initiative ni PRRD, nagdoble ang sweldo ng pulis natin pati ang retirees, nagdoble ang mga pension. So ang mga pulis dapat mahalin nila, at mga sundalo, walang masyadong problema sa AFP. Sa pulis nagtataka nga ako, sa kabila ng lahat na pabor at benepisyo at attention na binigay sa kanila ng CIC ngayon si PRRD, bakit may ibang naliligaw pang tulad sa Ilocos Sur? Dapat mahal na mahal na nila ang kanilang trabaho. Ang patrolman, P30K, saan ka makakahanap ang entry level P30K, may allowances pa at lahat. Dapat mahalin nila at mahiya sila sa balat nila dahil lahat na benepisyo binibigay sa kanila. Pag may namamatay sa hanay nila, nauna ang Pangulo pa pumupunta roon at nagbibigay ng financial assistance sa naiwang pamilya. Pagka nagkasakit ganoon din, binibigyan ng attention kaagad. Kaya ang mga pulis na gumagawa ng ganoon talagang kulang sa pag-iisip. Kung hindi man talagang tama ang description ni CPNP Gamboa na parang mga hayop ang mga ito na wala sa wastong pag-iisip at dapat talaga mawala agad sa serbisyo.”

Sa ngayon maraming nadi-dismiss na at maraming nakukulong din. Tulad ng pumatay kay Kian delos Santos, nakakulong na sila, na-convict na. Kaya nagtataka ako bakit ganyan ang ibang kapulisan natin.”

Mga Pulis na Hindi Dapat Pabalikin sa Serbisyo:

“Dapat talaga computerized ang PNP kaya lang i-update lagi ang records para ang talagang mga natanggal na at ang kaso moral turpitude ang involved, dapat wala nang pagkakataon na makabalik. Kasi pag nakabalik yan iisipin nya madali rin naman malusutan ito. So mag-iisip ng kalokohan yan, mabuti kung kalokohang kapilyuhan lang, pero pag kalokohan nang nangongotong sa labas o kaya nangra-rape o kaya papatay ng ni-rape nila para walang testigo.”

Update on NCRPO P/Maj Gen Sinas:

“May kaso siyang administrative sa IAS. Ginagawa ng DOJ ang kaukulang Iniimbestigahan siya ng DOJ at IAS. So hintayin natin ang resulta ng investigation at kung siya mapatunayang nagkasala, pwede rin siya makulong o ma-suspend o kaya ma-dismiss sa serbisyo. Hintayin natin ang resulta ng investigation, both criminal and administrative aspects.”

***

* COVID-19:

Ginagawa sa Bahay sa Panahon ng COVID:

Yun talagang sobrang ingat. Maski lalabas ka ng bahay kailangan naka-mask at very conscious. Pagka may nag-positive ang isang member ng pamilya, delikado, hawa-hawa lahat yan. Virus yan, pag uso ang flu, halos buong pamilya nagkakaroon ng flu, ibang usapan ito, COVID ito, walang vaccine ito, kaya talagang sobrang ingat.”

(Ang paboritong pagkain) basta native. Tinola, sinampalukan o prito, native, yan ang paborito.”

Pag Sunday oo (biking), kasama ko anak ko nagba-bike kami pero paikot-ikot sa loob ng subdivision, 2 loops yan, 20 km. At nagte-treadmill ako quite regularly, once every 2-3 days, nagte-treadmill ako sa bahay.”

Mga Dapat Gawin ng DOH:

The mere fact na tumataas ang kaso ng nagpa-positive, mukhang may pagkukulang ng malaki ang DOH. Unang una nang nauna ligaw tayo sa kanilang pinapalabas na datos. Kasi parang ang na-project noon napaka-efficient kasi parang nag-a-average tayo nang una noong March na 200 a day. So alam natin hindi totoo yan kasi tine-test nila napakakaunti so predictable ang lalabas na positive kasi pag nag-test ka ng kaunti, kaunti lang ang magpa-positive. E ngayon nang dumami na ang PCR, ang pang-test, nakita natin pumapalo tayo libo isang araw. Dapat accurate ang data ng DOH. Tapos pati mga protocol hindi nasusunod.”

Pero dahil may IATF at ako naman sang-ayon ako sa ginagawa nina Gen Galvez, at ating kasamahan sina Gen Ano, Gen Lorenzana, Gen Bautista, na nasa Cabinet at member ng IATF, lahat ginagawa nila para sa quarantine kaya maraming naaresto sa kabila ng batikos na nagpoprotesta inaaresto at pilit ikonekta sa ATL. Pero gawain ng pulis yan dahil kung hindi, lalong lalala ng lalala.”

“Ngayon medyo nga medyo masama ang tayo kaya kailangan makibagay ang ating kababayan na huwag mag-insist na di naman importante na lakad ay bakit lalakad pa, sasakay ng pampublikong sasakyan, lolobo ang kaso, nasa 52,000 na tayo.”

“Kung napansin ninyo nang naging GCQ sa halip ng ECQ, dumami talaga. Pero isang dahilan ng pagdami, dumami ang test. Maski March nang sinabing 200 a day yan lang nakita natin pero marami tayong naririnig na nagpa-positive din o kaya maysakit din, di lang nare-report dahil bukod sa kakaunti ang tine-test, delayed pa, di accurate ang reporting. There was a time 14 days ang gap bago lumabas ang resulta, 14 days.”

May staff ako nag-positive kamakailan lang. Nag-positive kasi nawala ang kanyang sense of taste and smell. Nagluluto raw siya biglang di na niya maamoy ang niluluto niya at pag nilasahan hindi malasahan. May kapatid siyang duktor sinabihan siya magpa-test. Nagpa-swab siya sa San Juan de Dios, positive. Pero ilang araw bago nalaman na positive, 7 days pa. So hindi pa rin nag-i-improve ang mga gap sa pagte-test at paglabas ng resulta. Dapat talaga ma-improve yan. Marami na tayong pang-test mga PCR machines kung saan-saan na, at dapat binigyan nila at least man lang 1-2 days nariyan na resulta para di na makahawa pa ang positive na di pa nila alam na positive.”

Contact Tracing:

Unang una dapat maging accurate (ang DOH). At contact tracing napakimportante. Ito napabayaan nang una. Kung natandaan ninyo di dapat dumami dahil may mag-asawang galing Wuhan sumakay ng eroplano galing Cebu. Nang tinanong namin DOH kung ang mga ibang pasahero napagsabihan na, lumalabas ang sagot ni Sec Duque, 17% pa lang e ilang araw na nakalipas ang kanilang nakokontak. Tapos ang tinuturo niya ang may kasalanan ang NAIA o CAAP, nagtuturo na. E samantalang doon nagsimula ang unang kaso natin ang mag-asawang yan na galing Wuhan pa. Doon nag-originate ang COVID. So ang maipapayo natin, maging makatotohanan sana sa pagre-report.”

Tigilan na ang Overpricing:

“At pinakaimportante tapos na Bayanihan 1. May request ituloy ag emergency powers. Importante naman patawarin nila procurement, huwag na overpricing. Overpricing na doble pa presyo. Di ba sa ating Committee of the Whole hearing noon, ang $16 halaga e $32 ang bili nila? Huwag naman sana. Kasi magkaroon ng konsensya ito hinaharap natin pandemic. At isantabi muna ang katakawan sa pangungurakot. Patawarin na muna ang pandemic kasi nagkakamatay ang kababayan tapos sasamantalahin pa. Parang yan na ang height ng greed and insatiability.”

“Ang Ombudsman nagsasagawa ngayon ng fact-finding investigation patungo na ito sa PI. Sana aabot ito sa logical conclusion maparusahan ang dapat maparusahan.”

*****