
Their failure to attend Tuesday’s hearing is their loss, not the Senate’s, simply because they won’t be there to respond to new issues to be brought up by resource persons and some new incriminating documents in our possession.
Having said that, I wish PhilHealth President-CEO Morales well in his fight against the Big C. In all sincerity, I join his family in praying for his recovery. It is unfortunate that these new corruption issues have exploded at a time when his health condition is at a low point.
*****
QUOTES FROM DWIZ INTERVIEW:
Morales and de Jesus Cannot Attend Aug 11 Senate Investigation:
“Ang magiging epekto nito, sa PhilHealth… It’s their loss. Ang alam ko, may mga bagong sasabihin ang mga resource persons. Tapos may bago kaming documents na medyo incriminating. So kung di nila ito masasagot during the hearing, kaya sinasabi ko di kawalan ng Senado yan. Of course kawalan din namin kasi isang side lang marinig namin. Pero mas kawalan nila yan kasi hindi nila masasagot.”
“Irerespeto natin advice ng doctor nila. Especially si Gen Morales. Nakakalungkot din, hindi biro-biro… Hindi natin siya puwede sisihin kasi talagang valid ang kanyang reason. At mismong ang oncologist niya nagsabi, in-advice niya pa mag-take ng leave of absence. So sabi ko nga, I join his family in praying for his recovery kasi hindi naman biro ang sakit na yan.”
“Ngayon ko lang nalaman na ganyan (karamdaman ni Morales). Actually even before today, may nakapagsabi na sa akin na may nag-furnish actually ng request ng oncologist niya kay SP Sotto, I think this was kung hindi yesterday, the other day. Anyway kanina na-confirm lang na si SP ang nagsabi sa amin na talagang ganoon. So we respect that and we join his family, sana malampasan niya itong health crisis na ito.”
“In the case of SVP de Jesus ang balita ko matagal na siyang may pacemaker. Pero ngayon lang niya ginagamit, dahilan ng kanyang, ang dami, may heart disease, may diabetes. Respetuhin na rin natin kasi duktor na nga, di para pagdudahan natin ang integrity ng duktor na nagsasabing talagang meron siyang sakit.”
“Pag health condition, talagang mababa ang loob ko. Ako particularly, I’m sure I can speak on behalf of my colleagues kasi sakit yan. Sino ba namang tao ang gusto magkasakit, except the others before alam nating nagsasakit-sakitan?”
“Itong particular case na ito, talagang dapat makibagay, makiramay. Kasi nag-alangan tayo noong nakaraan parang modus operandi. Pag medyo nagigipit na biglang naka-wheelchair na. Pero ito totohanan naman ito. So let’s leave it at that and respect ang kanilang privacy and time na dapat magpagamot, magpagaling at magpahinga.”
“Ginagalang ko kasi sabi ko hindi biro-biro ang sakit na yan. Kung sipon lang yan o inuubo lang, baka na sinasabi ko, baka iba na statement ko ngayon. Pero ang situation na ganyan, ayoko nang igiit o kung ano ang motibo ayoko nang question-in.”
Morales’ Claim They were Exhausted after Aug 4 Hearing:
“Kami mismo pagod na pagod eh. Kami ang nagtatanong. I can just imagine sa kanilang end naman, lalong stressful yan. Kami nga na-stress, ako particularly pagkatapos ng hearing, kasama na siyempre ang inis.”
“Iba sa Senate. Sa amin in aid of legislation at saka may information na pumasok kaya kami nagkaroon ng inquiry. Di namin pwede balewalain na taga-loob mismo ng PhilHealth ang nagibibigay ng information at may documents may basehan naman babalewalain namin. Responsibility namin yan sa inyo, sa taxpayers, na gampanan ang aming tungkulin. Kung babalewalain namin yan sino magtitiwala sa amin?”
Col Laborte to Testify on Tuesday?
“Tingnan natin kung sa Tuesday kung nariyan siya. Yan lang masasabi ko.”
“Di na ako magko-comment doon. Hintayin nyo lang sa Martes. Kasi may invitation naman siya. Pinababalik nga sila. Nag-login siya kaya lang di naka-participate. So tingnan natin sa Tuesday kung mag-testify siya.”
Can SVP de Villa become a Witness?
“Ang kanyang kailangan talagang i-submit sa Senado dahil nai-commit na niya, ang document patungkol sa award sa 15 network switches na overpriced. Akala ko pinunit niya pero inamin niya na nasa kanyang possession at isusumite niya. So di siya makakaiwas doon. Pag hindi niya ito mai-submit, may subpoena duces tecum, as of record naman under oath na nasa kanya, pwede siyang ma-cite for contempt.”
“Sabi naman niya maski nag-resign siya magko-cooperate siya patuloy sa Senado. And alam mo, I was observing his demeanor nang pinaguusapan ang issue na yan. Parang aligaga, parang hindi siya mapakali sa kanyang upuan. Katunayan I admire him for even volunteering the information na nasa kanya pa ang dokumento na yan. Yan ang magandang indication na cooperative talaga siya at gusto niya tumulong sa investigation. And the fact that he resigned, madali-daling basahin ang saloobin niya na baka hindi na rin niya kaya sikmurahin ang nangyayari sa PhilHealth.”
“And hopefully mag-testify rin siya and i-share sa Senate ano ang nalalaman niya. Remember all these people, Atty Keith, Col Laborte, even Atty Labe, mga galing sa military ito. Military doctor si Gen de Villa. Tapos si Atty Labe ang corporate counsel, although sabi niya, kasi pinull aside ko siya during the hearing kasi nabalitaan ko na nag-PMA rin siya. Sabi niya totoo yan, in fact dati niyang kaklase si Atty Keith pero sabi niya lang hindi niya tinapos, nag-pursue siya ng law studies.”
Legislative Immunity for Keith and Cabading After Threat of Legal Action from PhilHealth Execom:
“I think nagpadala sila ng letter request kay SP Sotto na humingi sila legislative immunity. Nasabi ko rin kay SP. Magmo-move ako para ma-grant sila ng legislative immunity nang sa ganoon freewheeling ang kanilang testimony lalo pa may banta na ganyan. Hindi na bago ang ganiyang banta eh. When we investigated PhilHealth last year di ba pinagkakasuhan ang RVPs na nag-testify? So I think we owe it to them kasi nag-volunteer sila ng mga dokumento at information, na bigyan naman sila ng certain amount of legal protection ng Senado, ang kanilang ite-testify di pwede gamitin sa kanila in future legal action against them.”
“Of course this is subject to the approval of the majority fo the members of the COW. Motion lang naman ang sa akin. Kung papayagan ng mga kasamahan ko, hindi naman bago sa ginagawa namin ganito, pag meron kaming witnesses na medyo sensitive ang kinalalagyan, binibigyan namin ng legislative immunity.”
*****
Magandang araw po Senator Lacson, ako po naman sa kasalukuyan ay hindi apektado ng mga nangyayari sa PhilHealth at ibang bagay sa Pilipinas. Subalit alam ko ang kahalagahan ng programang ito ng gobyerno, sa mga tao, lalu na sa kanilang may maliliit na kita. Ang akin po naman eh rekomendasyon lamang; hindi po kaya napapanahon na para ilagay ang PHILHEALTH sa “Receivership,” kung saan ang pamamahala nito ay mapupunta sa purview ng Korte (SC kung kailangan) at hindi ng sino mang politician, special interest group o may ari ng malaking kumpanya. Ito ay para na rin ang focus ng PhlHealth ay mapunta sa mga tao na kung saan ang programang ito ay dapat nakalaan.
Salamat po, ako po ay subcriber ng mga messages ninyo at nagpapasalamat ako sa inyong patuloy na paglilingkod sa Bayan.
Lubos na Gumagalang,
Severino deOcampo