More than rectifying the wrong implementation of the IRM Circular 2020-0007, the accountable officers of PhilHealth who were responsible for the advance payments worth billions of pesos from March to July made to unauthorized HCIs like dialysis centers, maternity care providers, etc., should be made criminally and administratively liable for malversation of public funds (or property) under Art. 217, Chapter 4 of the Revised Penal Code as amended by Sec. 40 or RA 10951, which carries the penalty of reclusion perpetua if the amount involved is in excess of P8.8 million.
The evidence supported by official documents and testimonies provided by resource persons who testified under oath so far gathered by the Senate Committee of the Whole during the three weekly hearings are enough to indict people responsible directly or otherwise.
Without tough punitive action against those involved in such shenanigans, we may never see the end of the vicious cycle of corruption that has plagued PhilHealth.
*****
QUOTES FROM TELERADYO INTERVIEW…
Damning Evidence:
“Napakarami nang pumasok na ebidensya. Sa pananaw ni SP Sotto, pwede na naming i-transmit lahat na documents pati records ng testimonies sa DOJ para magamit na nila. Kasi binigyan sila ng 30 days ng Presidente para tapusin ang investigation at magrekomenda sino fa-file-an ng kaso criminally at administratively.”
“Sa amin sa pagdinig namin sa 3 araw linggo-linggo na aming ginawang pagdinig napakaliwanag ng lumabas na dokumento. Unang una, overpricing ng IT equipment. Maski anong pagikot pagsinungaling, gamitan ng kung anu-anong technical terms, kilometric na sagot na hindi sinasagot ang tanong namin, nainis kami, di sila nakalusot kasi may dokumento kaming hawak. At kitang kita sa IT equipment, P348K nilang procurement lumalabas P62K. Ito matter of public record lahat ito. Tapos sa IRM maliwanag kasi nga bakit nauna bayaran ang di mabayaran at ginamit pera ng gobyerno ng pondo ng PhilHealth na pag-aari ng gobyerno at ating mga kababayan sa di dapat paggamitan. So pati manipulation of financial statements, yan ang 3 major issues, may maliwanag na conclusion na dapat may managot. But of course, depende yan sa appreciation ng task force, later on ng prosecutor at ng korte.”
“As we speak usap si SP Sotto at SOJ Guevarra. Mula pa ito I think 2 days ago nagko-coordinate at may kasunduan sila na lahat na makakalap naming dokumento at ebidensya ipapadala sa DOJ. Hinihintay na nga roon kasi sa tingin ko mas marami kaming nakuha sa 3 araw naming pagdinig, napakaraming pumasok na damning evidence na talagang pwedeng sabihin na kung talagang pupursigihin at kung di haluan ng pulitika o favoritism, may pagkalalagyan talaga. Sa amin mismo kita namin kung masundan moa ng pagdinig, maliwanag sa sikat ng araw na may kaso at napakaraming kasong haharapin. Di ko masabi sino sa Execom at regional offices ang pwede tamaan pero napakaliwanag talagang may kaso. Yan ang kino-collate kino-compile namin para mahimay namin. Nagbibilang ako ilang HCIs na nabigyan ng advance payment na di dapat mabigyan, ilan lalampas sa P8.8M kasi threshold amount sa reclusion perpetua in excess of P8.8M. Ang iba may karampatang parusa rin.”
“Ang magagawa lang namin kasi kami remedial legislation. Kami poder namin yan. Pagdating sa prosecution, transmit lang namin ito at pwede kami magbantay dahil mero kaming oversight duty para tingnan kung ang batas na pinapasa namin magagampanan nang maayos. Hanggang doon lang kami, mag-transmit ng documents, magbigay ng komentaryo at recommendation kung ano dapat sampa na kaso sa mga tao na naimbestigahan namin sa Senado.”
“Binibilang na nga namin. Ang mga disbursement, talagang maliligo sila sa kaso.”
13 Opisyal, Suspendido ng Ombudsman:
“Maganda ang resulta maski ang kasong iba pa, bukod pa sa pinaguusapan natin ngayon, kasi para maiwasan ang access nila sa mga dokumento. May issue lumabas na hinihingi ng NBI ang documents noong araw pa, ini-invoke nila noon ang Data Privacy Act. Ako sinulatan ako mismo ni Chairman Liboro ng Data Privacy Commission. Basta ahensyang sumasailalim sa investigation, hindi sakop ng Data Privacy Act at kailangan sila mag-release ng dokumentong kailangan ng mga ahensyang nagiimbestiga.”
“On a positive note, natanggal ang mga obstacle. Sila ang may mga issue at mainam ngayon baka sakaling gumanda pa ang takbo ng PhilHealth kasi ang magta-takeover diyan malamang sa hindi ang walang kasong hinaharap at baka di sangkot. Harinawa, hindi mga proteges ng mga natanggal ang papalit sa kanila, e pareho na naman tayo niyan.”
“Walang kadala-dala. Taon-taon parang napagusapan natin ito nakaraan, hubris. Wala na silang katakot-takot. Para bang oozing with self-confidence. This time around I think meron silang pagkalalagyan.”
“Unang una hindi siya (Gen Morales) saklaw ng suspension dahil wala siya roon, lumang kaso ito sabi ni Sec Roque. So hindi siya pwede suspindihin na wala pa siya sa PhilHealth nang nangyari ang nakaraang anomalya. Pero ibang matter ito altogether kasi siya nariyan at siya mismo pwede sabhin kasi ako mismo nakapagtanong sa kanya noon paano nabayaran ang dialysis center ang B Braun Avitum nang ganoong kalaking halaga na walang kinalaman sa COVID19 at maliwanag hindi saklaw ng kanilang IRM Circular 2020-0007. Sabi niya siya nag-authorize noon. So ngayon itong bagong usaping ito sa tingin ko meron siyang haharapin na kaso at hindi lang isa.”
“Sa aming pag-research nakita namin ang napakatagal nang batas, ang RPC 1930s pa yan, ang Art 217 Chapter 4, Malversation of Public Funds or Property. Malinaw doon kung accountable officer ka at ginamit mo ang pondo sa di dapat pagkagamitan, liable ka. Ito in-amend pa ng RA 10951 na binago ang amount at binago ang parusa. Pag in excess of P8.8M ang halaga reclusion perpetua ang papataw na parusa. Dahil milyon-milyon ang kanilang binayad at napakalaking naibayad sa walang kinalaman sa COVID, bawa’t count haharapin nilang kaso yan. At least sila ni Limsiaco. Kasi si Limsiaco ang fund management sector SVP.”
“Naka-medical leave na siya effective yata Monday. Kaya nga hindi na siya nag-attend ng hearing kahapon, kasi naka-medical leave na siya. Ang suspension ibahin natin usapin noong araw kasi di pa ito nahahagip ng mga imbestigador. Kasi di pa sila nagko-conclude ng investigation. Nakaka-2-3 hearings pa lang ang task force at karamihan interviews ang kanilang ginagawang pagdinig. At hinihintay nila ita-transmit ng Senado base sa nakalap naming documents, evidence at testimony sa kanila, papadala namin siguro yan malamang sa Lunes.”
Culpability ni Sec. Duque:
“Unang una siya ang ex-officio chairman ng board. Karamihan sa natuklasang anomalya rito, management ang probably liable. Kaya sinabi ko mahahagip ng investigation ng Senado pag na-convert o na-transmit namin ang aming nakalap na ebidensya sa DOJ kasi kami recommendatory, di kami magfa-file, di kami prosecutor, di kami ang korte. Magagawa lang ng Senado at Kongreso as a whole, gumawa ng recommendation at ipadala sa kinauukulan ang document at evidence na makakalap namin.”
May Pera ang PhilHealth? Pati OFWs Sisingilin:
“Dapat meron. Pero sinasabi nilang wala, yan ang maski COA nahihirapan, dahil ayaw nila mag-share ng document, ginugulo nila audit ng COA. Pero kung ating kukuwentahin ang pumapasok sa PhilHealth, maliwanag meron sila dapat pera. Ang contribution ng paying members ay mahigit P70B sa loob ng 1 taon. Pagkatapos meron silang sin tax, 50% napupunta sa kanila. Tapos meron sa GAA. Marami sila dapat panggalingan ng pera pero nangyayari authorized sila mag-invest. So meron silang time deposit, govt bonds. Hindi natin alam ngayon ang talagang halaga kasi COA lumabas sa pagdinig mina-manipulate nila naglalagay ng restated financial statement kung saan dinuduktor nila, binabawasan ang benefit claims kaya nahihirapan maningil ang hospital. Teka muna di pa nagma-mature ang time deposit kaya naantala. Tapos hindi nila kina-count ang accounts payable nila. Dapat nakasama yan kasi obligation yan, nakalibro na yan. Ito ang sinabi ni BM Cabading, hindi sila sinasabihan, pine-present sa board ang financial status ng PhilHealth dahil sino-solo nila, tinatago ng Execom. Yan ang problema.”
“Pero kung magkaroon ng honest-to-goodness audit at meron kaming resolution sa Senado mag-conduct ng special audit ang COA para sa PhilHealth para makita natin ilan ang naka-invest, ilan ang naka-time deposit, ilan ang cash on hand. Yan ang dapat. Kaso kung kanilang fund management sector nangangasiwa ng pondo ay isang Rene Limsiaco, at kanilang finance policy sector nila ay isang Pargas na may hinaharap na kaso dahil sa maling pagkwenta ng pera ng PhilHealth wala tayong maaasahan talaga na lilitaw ng totohanang financial status ng PhilHealth.”
“Ang ginagawa ng PhilHealth nang sinabi nilang kakapos sila, gusto nilang patawan ng additional contribution ang mga OFWs. Ang OFWs, ang classification nila special sector, hindi sila dapat sinisingil. Halimbawa seaman na-deploy ka, sino babayad ng counterpart ng employer? Employer nila sa Dubai o Saudi, masisingil ba ng PhilHealth yan? Lalabas niyan sila mag-aabono ng counterpart ng employer, napaka-unfair noon. Kaya nang planong singilin ng PhilHealth on top of the P2,400 parang mapatawan pa ng additional na nasa P3000-4000, sabihin na nating 8M ang OFWs natin kalahati ang aalis. Lahat na departing OFW singilin ng PhilHealth, nabanggit ito ng mga resource persons natin ng P3000-4000. Right away kung nagawa yan at hindi nagreklamo ang OFWs, makakakalap ang PhilHealth ng mga P12B. Sana man lang kung talagang kailangan at nagagamit sa tamang paggagamitan. Pero kung makarinig tayo ng overpricing na P62K network switch pepresyohan ng P348K sinong gusto mag-contribute diyan? Halatang obvious. Di ba napakalupit?”
On Whistleblowers:
“Utang na loob natin lahat ito sa sinasabi nating good men, huwag na natin sabihing good mafia. Meron bang good mafia? That’s a misnomer. In spite of the pressure exerted on them by mga powerful doon, nariyan sila naglabas, kaya natin binigyan ng legislative immunity preparatory to them being admitted into the WPP. Sumulat na rin si SP kay SOJ Guevarra para asikasuhin o kaya kunan agad ng affidavits ng tao, ipresenta ang hawak nilang dokumento at i-consider na agad na maipasok sa WPP di lang sa kanilang physical security kundi peace of mind na anong sabihin nila na pwede mag-incriminate sa sarili nila, sila hindi parang Sword of Damocles. Kasi ito mismo nagpipigil sa tao, mag-withhold ng information baka sila tamaan mismo. So napakagandang programa ang WPP at yan ang binibigyan ng prayoridad ni SP Sotto.”
*****