In an interview on DZAR, Sen. Lacson answered questions on:
* Speeding up of the IRR for the Anti-Terrorism Law
* How PhilHealth members can get back the money they lost to corruption
QUOTES and NOTES:
* ANTI-TERRORISM LAW:
Anti-Terrorism Law, Applicable sa Jolo Bombings:
“Pasok na siya kasi effective na ang batas eh. Kasi nai-publish na ito sa Official Gazette at newspaper of general circulation. Ang may problema lang dito kasi walang IRR.”
“Kasi nangyari sa Jolo, magandang balikan. May feature ang provision sa batas na ang planning, training, facilitation, recruitment, pwede nang parusahan. Ito hindi naman kasama sa na-repeal na HSA. Nga lang di alam ng security forces natin ano ang guidelines. Doon mapapaloob sa IRR.”
“Yan ang lagi nating sinasabi. Kasi ang iba kinukwestyon ang timing. Sabi ng kritiko, may pandemic, bakit unahin pa ang ATA? Sabi namin ang terrorism knows no timing nor borders. Ganyan na nga nangyari. May pandemic tayo, may sumabog, maraming namatay.”
Implementing Rules and Regulations ng Anti-Terrorism Law, i-Fast Track:
“As of yesterday nag-meeting ang members ng committee na nagka-craft ng IRR at mukhang may pag-uusap sila na mamadaliin nila. Kasi sa ilalim ng pinasang batas, may 90 days pero sinabihan sila ni Sec Dominguez kasi member din siya, na huwag na i-exhaust ang 90 days; kung kakayanin, ilabas na agad, i-release na agad.”
“Naintindihan din natin ang ATC. Ang DOJ kasi nangunguna rito at ang ATC sa pagbalangkas ng IRR. Naintindihan natin kasi 30 ang petition, siyempre pinag-iingatan nila ilalabas nilang IRR di mapupulaan. Sabi nga ni Sec Guevarra, ito na ang pinaka-contentious na batas na naipasa under the present administration. So kailangan ingatan nila at compliant sa batas para di masilipan ng butas ng mga nagki-criticize.”
“Hindi nila hinihintay ang SC dahil hanggang walang TRO o declaration… talagang effective ang batas. Inaalala nila kasi sa tingin nila kailangan pag-ingatan nila ang pagbalangkas ng IRR kasi baka mamali, e napakaraming pupuna. Sobrang ingat sila rito.”
***
* PHILHEALTH CORRUPTION MESS:
Kailangan ng Overhaul ang PhilHealth dahil sa Corruption?
“Kumbaga sa makina, parang may katok.”
“Sa tingin ko kasi lumabas ang ebidensya sa pagdinig namin at ang violations, malversation of public funds, ang IT overpricing anti-graft yan, ang sa di pag-withhold ng taxes, violation ng Tax Code. Titingnan ang kasong pwedeng isampa rito.”
Gusto ng Maraming PhilHealth Members, Ibalik ang Pera Nilang Nawala sa Katiwalian:
“Makatwiran lang ang kanilang hinaing. Kasi sa Art 217 ang pwedeng isampang demanda laban sa kanila ng RPC, ang malversation of public funds, may provision doon na bukod sa kulong, kung magkano ang halaga na na-malverse, dapat ibalik ng nag-malverse. So kasama yan sa batas na yan. Lumang batas na yan eh.”

“May ganoon (ding provision) sa plunder. Babalikan natin, ayaw ko lang magbanggit ng pangalan, pero may decision ang Sandiganbayan di ba? Ipabalik talaga.”
*****
Senator.laczon abelardo rivano.from Antipolo bagong brangay cupang purok 1.Sir laczon grabe Po dto sa brangay nmin sabwatan ng lgu.at brangay.Sap amelioration.h di na po kmi nkakuha NG 1st trance.nagkaroon Po pag asa.ksi nkapirma po kmi. my form Po asawa ko,naglabas NG listahan Ang lgu.antipolo dinala sa brangay nmin.nagpost Ang brangay ng listahan na nkkakuha NG ayuda sa waitlisted.nagtaka nlang Po kmi bkit po nwala sa listahan Ang name NG asawa ko,Helen Rivano.sir laczon my hinala ako dto na Po sa brangay nmin pinapalitan Ang mga NSA listahan NG mkkatangap.sir laczon.milyun Po Ang ayuda Ang hndi pa naibigay na sila lng Po Ang nkkinabang,Sana Po maimbistigahan nyo po..sir laczon kyo lng Po Ang pag asa nmin.slamat Po,,,,
Abelardo rivano.
#09052439139