
If I had my way, as I already said before, based on the three hearings of the Committee of the Whole, there may not be enough evidence to recommend criminal charges against Sec. Duque for the simple reason that like the other members of the PhilHealth Board, he had no hand in the illegal implementation of the IRM; nor was he involved in the procurement of overpriced IT equipment.
However, my colleagues – particularly Senate President Sotto who chaired the COW hearings – would have seen it another way. Since we are a collegial body, we always abide by the rule of the majority.
That said, the Senate Committee of the Whole did include in its recommendation to the President the replacement of Sec. Duque: “To appoint a new Secretary of the Department of Health who has a stronger will to fight corruption within his organization and the agencies under his/her watch.”
*****
QUOTES from DZRH INTERVIEW…
* SENATE COMMITTEE REPORT ON PHILHEALTH CORRUPTION:
On the Recommendations of the Senate COW:
“Sponsorship speech pa lang yan, sponsor niya ang Senate resolution under committee report. Hindi pa na-adopt yan kasi magdedebate pa kami simula araw na ito at may amendment pang papasok doon bago namin adopt mismo ang committee report ang kabuuan. In fairness ngayon lang ako naka-experience, matagal na ako sa Senate, na isang sponsorship ng measure inabot ng 2 oras. Namamaos na si SP pero napaka-exhaustive, napaka-extensive at talagang kumpleto ang kanyang committee report.”
“May interpellation pa yan. Siyempre hindi naman lahat sasang-ayon as committee report ni SP. Ang iba, may alinlangan sa ibang parte. Malaya sila mag-introduce ng amendment at kung di tatanggapin ng sponsor na SP, pagbobotohan namin. Kung tatanggapin niya ang amendments, carried na yan, kung walang mag-o-object.”
“Unang una, 22 kami nakapirma sa committee report although ang iba may reservation sa ibang portion ng committee report. Pero generally speaking adopted na ang committee report, maliban kung may mag-aamyenda.”
“Kanya-kanyang pananaw. Baka sa perspective ng ibang senador may nakaligtaan at sa iba naman hindi totally ina-accept lahat na findings or recommendation ng committee. At yan ang essence ng collegial body. Hindi iisang tao lang pwede mag-decide kundi mayorya ng buong Senado.”
Recommendations on Sec Duque:
“Ang recommendation naka-address sa Ombudsman, DOJ, PhilHealth, Presidente. (Sa recommendation sa Presidente) nirerekomendang tanggalin si Sec Duque. Kasi marami na eh. Hindi lang ngayon eh. Ang nakaligtaan natin, ito talagang maliwanag sa kaso ang kanyang building sa Dagupan pinagamit sa PhilHealth e siya nasa Board. Tapos ang kanyang Doctors Pharmaceuticals Inc. na pag-aari ng pamilya niya sige ang supply ng gamot sa DOH, e siya ang SOH. Yan talagang kung tutuusin kung mabilis lang kumilos ang awtoridad dapat by now may decision na kasi sa tingin ko open and shut case yan eh.”

“Hindi naman sa ayaw (isama sa recommended charged criminally). Ako for one sa tingin ko kasi, kung ibabase ko sa 3 araw na pagdinig ng Senado sa COW at hindi kasama ang investigation noong April or last year, hindi abot ng ebidensya eh. Ang PhilHealth Board na pinangungunahan niya dahil siya ang ex-officio chairman, walang hand sa implementation ng illegal disbursement under IRM. Wala ring hand ang Board sa pag-procure ng overpriced IT equipment. Pero baka may nakita o na-appreciate si SP na ibang ebidensyang nakaligtaan ko para i-recommend na ma-indict din si Sec Duque. Sa akin lang yan. Kaya ako, pag nag-interpellate ako ika-clarify ko lang yan kung anong basehan na bakit kasama si Sec Duque sa recommendation na file-an din ng malversation, anti-graft and corrupt practices act, and so forth.”
“Ang command responsibility, if at all, administrative yan. Pwede siyang masaklaw ng administrative case kung may mapapatunayan na meron siyang negligence or in-abuse niya ang kanyang position. Pero sa criminal aspect kailangan ng direct evidence. Kasi ang administrative, alam natin yan na preponderance lang ng ebidensya, medyo maluwag. Sa criminal beyond reasonable doubt para makapag-convict.”
“Depende yan sa Ombudsman kung mag-issue ng preventive suspension order, kung mamadali ang investigation at mafa-file ang info at ma-issue ang warrant. Ang ibang nirekomenda naming kaso hindi bailable. Ang sa malversation Art 217 lumang batas na, 1930s pa yan, may kaunting amyenda pag lampas P8.8M ang halaga ng na-malverse walang bail yan kasi reclusion perpetua ang parusa. Napakaraming counts niyan, binibilang namin. Ako nagbilang ako mismo. Per disbursement, isang act ng malversation kasi illegal, in-admit ni Sec Duque, in-admit din ni VP del Rosario na illegal lahat na disbursements hanggang June 10. June 11 kasi ang date of effectivity ng circular ng IRM.”
Shower of Charges:
“Maraming kasong pwedeng irekomendang i-file at kung higit sa P50M ang halaga at series of acts, pwedeng pumasok sa plunder. Kaya lang may bagong jurisprudence. Hindi lang plunder pwede isampa, napakaraming kaso. May violation pa ng Tax Code. Withholding tax agent ang PhilHealth, di sila nag-withhold ng tax. Bagkus, inangkat pa sa kanilang corporate operating budget, malversation din yan bukod sa violation ng NIRC pati Anti-Graft pa rin. So marami talaga.”
“Ang pangatlong hearing nakapagsalita ako maliligo sila sa kaso e totoo nga kasi kung 600 counts, talagang maligo yan, shower talaga yan.”
“Yan ang nakakalungkot. Ang daming na-infect ng COVID-19, tapos hirap na hirap ang bansa, hindi kumikita walang taxes kasi walang business activity. And yet ang mga taong ito hindi pinatawad ang pandemic. Tuloy-tuloy ang kanilang pangungurakot doon, so yan talaga ang nakakangitngit ng loob. Naghihirap ang bansa, tapos ito man lang pandemic hindi man lang pinalampas.”
“Base sa sariling admission ni Gen Morales, taon-taon daw ang natatapon sa corruption P5B ang kanyang estimate. So pagka compute mo maraming taon talagang bilyones talaga yan. Sila na mismo nagsasabi. Opening statement niya noon natandaan ko yan naman standard sa buong mundo kaya huwag na tayo magtaka na nakukurakot ang PhilHealth funds. Sa akin unacceptable yan.”
“P62K ang isang network switch pinresyo ng P348K. Doon lang ma-estimate mo na kung magkano ang dinadaya nila. Hindi lang ilang patong yan. Kung kukuwentahin natin ang P62K vs P348K at sabihin natin 15 network switches yan, doon pa lang sa isang item katakot-takot na ninanakaw nila. E ilang beses na sila nag-procure ng IT equipment na ngayon lang nabuko na overpriced?”
Paano Mababawi ang Nawalang Pondo:
“Doon sa Art 217, nakasaad doon ang malversation, ang amount na malversed, kalahati noon kailangan ibalik ng nag-malverse. Naroon sa batas yan. At ito mabigat ito kasi tinanong ko sa abogado, ito ang kasong madaling i-prosecute mahirap i-defend. Kasi hindi kailangan establish ang deliberate intent kasi nakalagay sa batas abandonment or negligence ng accountable officer sapat na para ma-convict.”
“Pero hindi lang isang count. Kung binibilang namin ang disbursement na mahigit P8.8M, mahigit 200 so kung ma-convict sila lahat doon, mahigit 200 life imprisonment yan. Per count yan. Tinanong ko sa abgoado yan. Bawa’t act isang count. Magkano nilabas a nila? P14B. E lumalabas sa pagdinig namin, lahat na disbursement sa IRM ang Circular 2020-0007 lahat illegal. Hindi lang sa 1 aspect illegal pero napakaraming talagang illegal. Unang una nakasaad sa IRM dapat fortuitous event, natural or manmade disasters, sa Marawi, Ondoy, Yolanda. At hindi ito pwede gamitin sa ibang bagay kundi sa fortuitous event lang. Pangalawa ang SOP ng Circular lumabas lang April 22. So wala pang SOP nag-release na sila ng pondo. Pangatlo ang board resolution nahuli pa kesa sa circular. Sabi ni SP ultra vires kumbaga sa corporation lahat na magti-trigger ng gagawin, halimbawa ang PhilHealth kailangan ng board reso to ratify or authorize. Ang board reso nilabas March 31, e March 23 nagre-release na sila. At pang-apat ito ang pinakagrabe, ang pag-register sa Office of National Administrative Register sa UP Law Center, requirement ito at nakasaad sa Art 8 ng circular nila, date of effectivity ng circular pag published sa newspaper of general circulation, AND na-register sa ONAR. E na-register sa ONAR June 11. As of June 10 ang na-release nilang pondo P14B mahigit. At napakarami na, 600+ disbursements. Depende sa grado o amount, 600 counts ng malversation yan.”
“Ang sakit ng ulo nila rito ang tatamaan sa malversation, sakit ng ulo nila 600 times.”
Hold Departure Order vs Personalities?
“Korte lang kasi ang pwede mag-issue ng HDO. Pero ang DOJ halibawa nagiimbestiga na sila, pwede sila mag-issue ng lookout order kung saan di HDO pero parang ganoon na rin. Pag nakita kang sasakay sa airport at may lookout order ka, aabalahin ka, di ka makasakay sa eroplano. Bahala ang DOJ kasi ang Senado recommendatory at in aid of legislation kaya may recommendation ding gagawin kung pwede namin i-adopt kung anong karampatang gawin para ma-improve ang sistema sa PhilHealth.”
Gierran as New PhilHealth President:
“Pag di niya pa naman pinatino yan masasama siya sa 600 kaso. Kilala ko naman si dating director Gierran lalo pag may budget deliberation lagi ako tumutulong sa NBI eh sa pag-augment ng budget nila. So meron kaming pakikipagugnayan. Tapos kung may iniimbestigahan kami lao sa WellMed, talagang masipag magtrabaho at wala tayong nakitang kontrobersya nang siya namumuno sa NBI. Bagkus maraming accomplishment ang NBI under his watch. Sa tingin ko maganda ang kanyang gagawin sa PhilHealth.”
“Pero sa libro ko ito, ang character ng tao makikilala mo yan pag binigyan mo ng 2 bagay: power, authority, at harapan mo ng pera. Pag limpak limpak ang mapapasok sa kanyang kwarto doon mo makikilala. I am not prejudging him kasi sabi ko nga pagkakilala ko sa kanya mabuting tao. Pero di mo talaga lubos makilala ang isang tao hanggang di siya nahaharap sa magkaroon siya ng kapangyarihan at may opportunity na madaling kumita ng pera. Doon mo lang makikilala. Maraming mababait kasi wala pang opportunity. Doon magkakaintindihan kung ano character niya. Di ko sinasabing mawawala prinsipyo. Pero karamihang magandang intention sa una pero kung nariyan na, naiiba ang pananaw. I just hope hindi siya kainin ng sistema, ma-maintain lang niya ang magandang record niya sa NBI, dalhin niya sa PhilHealth at tuloy-tuluyan na niya para na rin sa kapakanan ng myembrong umaasa sa PhilHealth.”
“Ang nagsasabi na di siya qualified dahil wala siyang alam sa public health, mali yan. Kasi sa UHC binasa ko batas, Sec 14 yan. May qualification doon. Ang nakalagay public health, management, financial, ang nakalagay roon … and any combination of these expertise. Siya naman may managerial expertise dahil humawak siya ng NBI ng napakahabang panahon, pagkatapos CPA siya so financial papasok siya. So combination ng management at financial, pasok siya roon maski wala siyang alam sa public health, hindi pwedeng sabihing disqualified siya. Babasahin lang ang batas kitang kita naman na qualified siya. Di pwedeng sabihing di siya uubra roon.”
***
* NEW PNP CHIEF CASCOLAN:
“Siya naman nairyan na, napakatagal na panahon, alam niya ang palakad sa PNP. Hindi na siya OIC, CPNP na siya mismo. Maski 2 buwan lang manunungkulan unless i-extend ng Pangulo, aandar pa rin, mag-ooperate pa rin ang PNP the way it is operating.”
“Good luck kay Gen Gamboa kasi ngayon ang huling araw niya. Godspeed sa kanya. At good luck din kay Gen Cascolan kasi 2 buwan siya manunungkulan diyan. Hindi niya matitikman ang 2021 budget pero magtatrabaho siya, makikipag-coordinate sa opisina namin kasi taon-taon ang PNP lagi kong bisita pag may budget deliberation kasi humihingi lagi ng dagdag budget para sa PNP. Alam nila sino tatakbuhan sa Senado. Siyempre 2 kami ni Sen Bato na pwede maasahan na personal na handang tumulong.”
*****
One thought on “On the Senate Committee of the Whole’s Recommendations on DOH Sec. Duque”
Comments are closed.