#PINGterview: On Pemberton’s ‘Early’ Release

In an interview on DZAR, Sen. Lacson answered questions on:
* Olongapo court’s order for ‘early’ release of US Marine Scott Pemberton
* DOH Secretary Duque’s ‘disagreement’ with Senate committee report on PhilHealth
* talks on Revolutionary Government

QUOTES and NOTES:

* PEMBERTON’s EARLY RELEASE:

‘Masama ang Loob’:

Siyempre dahil Pilipino ang biktima at foreigner ang na-convict, masama ang loob natin. Di ba pag murder ang kaso alam nating reclusion perpetua, so 40 years yan. E parang 6 taon lang ang pinagkakulong. Hindi natin alam ano ang intricacies nito. Bukod sa sinasabing may computation na ginawa para sa GCTA, siyempre may mga underpinnings yan na hindi naman dini-discuss in public or openly.”

Hindi para sa atin kasi korte ang nagbibigay ng penalty. Pero kung ang kaso ang alam natin pare-pareho, reclusion perpetua o life imprisonment meaning 40 years. Ngayon kung homicide mas mababa siyempre. Mas mainam siguro makausap ninyo si Sec Roque kasi siya ang tumayong abogado ng ating kababayang si Jennifer.”

Legislative Remedies?

Ang alam ko dahil nagkaroon kami ng investigation sa GCTA, may panukalang batas diyan. Hindi ko alam kung enrolled na ang bill dahil baka walang counterpart sa HOR, di ko nasundan. Pero nagkaroon kami ng pagdinig diyan sa usapin sa BuCor at may nabalangkas kaming panukalang batas sa Senado. At ang pagkaalala ko naipasa namin yan.”

***

* PHILHEALTH:

Duque Disagrees with COW Report:

Natural lamang yan dahil sinasangkot siya at may recommendation na tanggalin siya at kasuhan siya. Alangan ba namang sumang-ayon siya. Siyempre gagawa siya ng depensa. Ako ang sarili kong pananaw rito nasabi ko na rin dito many times. Kung ang aming panuntunan ang 3 araw na pagdinig sa COW, sa aking pananaw hindi siya abot ng ebidensya. Ang na-take up doon ang overpricing ng IT equipment tapos IRM at manipulation ng financial statement ng PhilHealth and other miscellaneous issues. Sa IRM hindi talaga siya maaabot kasi implementation yan. Ang Board di siya aabutin ng kaso. It’s not logical pati ibang members ng Board pwede rin tamaan. Pero wala naman ibang ni-recommend kami para makasuhan ang members ng Board. So sa akin fair is fair.”

Pero of course ang Senado is a collegial body, deliberative kami. At kung ano iboboto ng majority.”

By the way hindi pa naman adopted ang committee report kasi nagsisimula pa lang kami, katatapos ng period of interpellation kahapon. Sa Lunes pagbalik namin ang amendments papasok. At pagkatapos ng amendments saka lang ia-adopt ang committee report.”

Hindi pa final ang adopted ng Senado ang committee report na ihinain ni SP bilang chairman ng COW.”

***

* REVOLUTIONARY GOVERNMENT TALKS:

Kahapon sa confirmation hearing ni Gen Gapay, sa kanyang promotion, maliwanag ang sinabi niya, hindi magpa-participate ang military sa usaping ganyan. Ang aming pananaw karamihan ng senador if not all, wala nang dapat pag-usapan sa revolutionary government kasi absolutely walang justification, legal man o constitutional, sa revolutionary government. At ito magdudulot lang ng masama sa atin bilang bayan kasi napaka-divisive ng issue na ito at pwedeng mag-lead sa social unrest. Baka mag-plunge pa tayo sa civil war dito pag medyo maigtingan ang (pagusapan) dito. So mabuti na lang huwag na i-discuss o pag-usapan.”

Of course hindi natin alam ang context ng pagkabanggit ng Pangulo na i-discuss. Sabi niya kasi parang sub rosa, parang huwag pag-usapan secretly. Kung paguusapan man ito i-open natin sa lahat lahat kasama natin military sa usapan. Pero just the same sabi ko nga kanina, si Gen Gapay mismo CSAFP ang nagsabi na hindi papayagan ng military as far as he is concerned being the CSAFP na makihalo o mag-participate sa revolutionary government. Kasi sabi niya nga, unconstitutional.”

Ang context ng pagsabi niya huwag pagusapan nang sikreto. Kung pag-uusapan ito, i-open na lang natin ang usapan, walang usapan na tayo-tayo o kami-kami lang. Yan ang context ng pagpaliwanag ni Sec Roque.”

Potentially Bad for Economy?

“Tumingin nga ako sa stock market parang nagpulahan lahat eh.”

*****