Ping, Aayuda para sa Dagdag Pondo ng National Broadband, Free Wi-Fi Programs sa 2021

Desidido si Senador Panfilo Lacson na itulak ang pagkakaloob ng malaking pondo sa pambansang gastusin sa susunod na taon ang national broadband program at libreng Wi-Fi.

Nakikita kasi ng mambabatas na ang mga programang nabanggit ang magiging pundasyon para tumibay ang ekonomiya ng bansa.

“This is the backbone of our economy. In this day and age of modern information technology, we have no reason not to catch up or to be at par with neighboring countries, considering that potential investors’ first concern would be internet speed,” banggit ni Lacson sa pagdinig ng Senado sa panukalang badyet ng Department of Information and Communications Technology at National Telecommunications Commission.

Ayon kay Lacson, ang maasahang ICT system ay nangangahulugan ng mas maraming oportunidad para sa mga Pinoy na maipakita ang kagalingan at abilidad.

“I am a believer in ICT because there is so much we can do if our ICT is efficient,” dagdag pa ng mambabatas.

Related: ‘ICT Believer’: Lacson Commits to Support Bigger 2021 Budgets for National Broadband, Free Wi-Fi Programs

Sa nabanggit na pagdinig, isiniwalat ng DICT na nangangailangan sila ng karagdagang P17.276 bilyon sa ilalim ng 2021 National Budget para makumpleto ang national broadband program na sasakop sa daan-daang tanggapan ng pamahalaan.

Kung ito ay maipapatupad, tinatayang makakatipid ng P720 milyon ang pamahalaan sa loob ng unang taon ng implementasyon, at P34.25 bilyon sa internet connectivity expenses sa loob ng susunod na limang taon.

Kinakailangan ng DICT ng P18,178,708,149.20 para makumpleto ang national broadband program. Gayunman, ang inilaan ng Department of Budget and Management para rito sa National Expenediture Program ay P902,194,000 lamang.

Nangangailangan din ng karagdagang P3.625 billion para sa free Wi-Fi sa malalayong lugar ang ahensiya dahil bagama’t pumatak sa P6,350,579,000 ang gastusin, P2,725,461,000 lamang ang aprubado sa NEP.

Ayon pa kay Lacson, napakahalaga din ang papel ng DICT sa pag-agapay sa pagsasama-sama ng mga databases ng pamahalaan upang mapabilis ang proseso at transaksiyon at maiwasan ang red tape.

“In this case, the budgets for the database will be with the departments concerned, but the DICT will guide the departments on the use of the budgets,” ayon pa kay Lacson.

Sa kabilang dako, pinuna ng mambabatas ang napabalitang plano ng DBM na tagurian bilang “For Later Release” ang mga congressional iniatives, pati na rin ang mga institutional ammendments, sa ilalim ng 2021 National Budget.

“Instead of rendering ‘For Later Release’ all congressional initiatives without even consulting with the agencies under the executive, it should have asked the executive offices concerned what part of their budgets they could not implement, and render those for later release. But if their mindset is to automatically tag ‘FLR’ anything outside the NEP including congressional initiatives, I don’t think it is healthy,” pahabol ng mambabatas.

*****