#PINGterview: Likely Delay in Passage of 2021 Budget; Sec. Duque’s WHO Post

In an interview with Senate media, Sen. Lacson answered questions on:
* likely delay in passage of 2021 budget
* Sec. Duque’s new post at the World Health Organization

QUOTES and NOTES:

* 2021 BUDGET:

House’s Sudden Suspension of Session and Likely Delayed Passage of Budget:

“Ang unang reaction siyempre lahat na senador ang budget. Yan kaagad ang naisip namin. Kasi sa schedule na susundin nila ngayon, dahil ang pronouncement ni Speaker Cayetano, ang last day ng submission ng amendments, Nov. 5. So pag Nov. 5 ang last day ng submission ng amendments nila, good as reenacted na ang budget natin. There’s no way for the Senate na matapos ang budget, and even Malacanang na ma-approve ang budget before the year ends.”

Physically impossible. Realistically, Nov. 5 ang last day ng submission of amendments. 1-2 weeks, syempre aayusin nila, hindi naman lahat na amendments ia-adopt nila. So sabihin na nating pinakamaiksi 1 week, Nov. 12. Magpi-print pa sila. That’s another week, so Nov. 19. Pinakamaiksi na ito, ito ang best case na, ma-transmit nila sa amin Nov. 20. Siyempre kailangan namin 1 week para pag-aralan. Tapos i-sponsor sa floor sabihin na natin pag-aaral pati pag-aayos ng committee report, that’s another 2 weeks, so December na. Sa floor alangan bang 1 linggo lang kami mag-deliberate, so aabutin natin sabihin nating Dec. 20. E di magpa-Pasko na. Siyempre mag-bicam pa tapos i-print ang enrolled bill. Sabihin na nating napakabilis ng Malacanang, 1 week natapos nila ang review bago i-exercise ang line-item veto para aprubahan ang bill. Wala na, tapos na ang taon.”

Ang nawala sa atin dito because of the sudden suspension ng session nila, 1 buwan effectively. Kaya sana kung tinapos nila Oct 14 at bago mag-break nasa amin na ang HOR version ng budget measure kayang kaya natin ipasa yan bago mag-Dec 31.”

Kinwenta ko na yan dahil noong malaman kong ang last day ng submission Nov 5, nagkwenta na ako moving forward from Nov 5. Hindi kakayanin. Naka-suspend ang session ng Kongreso.”

I don’t think it’s a good judgment call (by the House leadership) because we cannot sacrifice the national budget. Paramount yan, na national interest. Ang kanila, whatever squabble they have dapat hindi na nadamay ang budget. No matter how we look at what happened, related sa speakership ang nangyayari sa ating budget measure. Di na natin ma-dissociate yan.”

Possible Links between Budget Delay and Speakership, ‘Election Year’ 2021:

“Di ba parochial ang concerns nila? Ang nangyayari pag may budget deliberation na-timing naman na doon nagpapalitan ng leadership. Mas maganda kung magpapalit sila ng leadership sa middle of the year naman para di tinatamaan ang budget.”

I don’t think it’s connected sa 2022 election. Mas factor na considered dito ang Oct 14 change of Speakership. Mas doon nakadikit ito.”

Speaker Cayetano’s Reported Promises on Early Passage of Budget:

“Tinawagan din ako ni Speaker Cayetano tungkol sa nangyari sa HOR. Pinapangako niya ipapadala sa amin ang HOR version ng GAB. Yan ang kanilang schedule. Kaya medyo malabo. Sa tingin ko pag ganyan talaga ang schedule na susundin nila, good as reenacted ang budget. Hindi ko nakikitang magkaroon tayo ng budget na ma-approve bago matapos ang taon na ito.”

Nabanggit niya ang small group committee. Sabi ko lang sa kanya ang concern lang diyan is kung di niya ma-transmit ng Oct 14 at maghintay tayo ng resumption or tapos ng suspension Nov 17 baka masyadong ipit na ipit ang Senate at maipit ang budget. Di na siya nakapag-comment na.”

Imposible nga eh. Maski pangako nila it will be passed on time, hindi na talaga mapa-pass on time because of the schedule na napakasikip. Kasi binanggit sa kanila nanggaling na ang last day ng submission ng amendments nila Nov. 5. So pag nag-compute tayo from Nov. 5 napaka-impossible ma-approve ang budget bago matapos ang taon.”

Ang na-sacrifice na transparency roon, ang small group committee. Ang amendments pinapasok at ina-approve sa plenaryo. Di ba kada amendment sa isang bill ina-approve yan sa plenary, sa floor. Every individual amendment ina-approve yan. Although for expediency, minsan ginagawa natin sa budget measure pinag-submit ng written amendments although hindi ganoon dapat ang practice. Dapat sa floor ini-introduce ang amendments at sa floor din ina-approve. Pero dahil ang budget measure napakalawak ng saklaw, pinapayagan mag-submit ang senators and congressmen ng amendments at ito ang pinapa-approve sa floor.”

“Sabi niya ang ia-approve nila on 3rd reading ang printed copy na. kasi ni-raise ko ang concern na 1 linggo gugugulin pag imprenta ng HOR version. Sabi ko paano mangyayari yan in-approve nyo on 2nd reading tapos mag-small group committee kayo, siyempre may mga amendments pang papasok diyan. Tapos mag-i-imprenta pa. Ang pangako niya noon by Nov 17 nasa amin ang budget. Pero sa ngayon sa nakikita ko mukhang di kakayanin ang ganyang timetable. And even assuming dumating sa amin ng 17, base sa kwenta na nilatag ko kanina, imposible talagang ma-approve ang budget bago matapos ang taon. Kasi nawalan tayo ng isang buwan eh.”

“Mahirap. Kasi unlike sa HOR pwede nilang i-limit ang pag-interpellate ng member nila, sa Senado hanggang gusto mag-interpellate ng isang senador sa isang issue sa measure, lalo ito budget measure, maraming ahensyang involved, hindi pwede pigilan. Maski strictly disiplinahin namin sarili namin, imposibleng 1 linggo lang ang period of interpellation at period of amendments para maipasa namin on 2nd reading. Walang mangyayari sa aming deliberation sa budget kung ganoon ang aming timetable.”

Pwede naman ang HOR kung gugustuhin nila, madaliin nila, i-advance nila ang schedule nila ng pagtanggap ng mga amendments pa ng mga member nila, tapos maipadala sa amin sa susunod na linggo. Napakahaba ng hiningi nilang panahon mula ngayon hanggang Nov 5 para mag-submit ng amendments. Akala ko period of interpellations and amendments, before approval ng 2nd reading nangyari na dapat yan.”

Gusto nila Oct 7 pa lang tayo, kung gugustuhin nila pwede sila mag-transmit sa amin ng Oct 14. Yan ang maluwag.”

Dapat by Oct 14 printed na, naipadala na sa amin dito. And there’s enough time. May 1 week pa sana na-approve na nila on 2nd reading yesterday. So certified urgent naman yan. After 2nd reading immediately pwede nila i-approve on 3rd reading then mag-print na sila. By Oct 14 nasa amin na ang HOR version.”

Speaker Cayetano’s Proposal to Send Amendments on Budget Bill to the Senate Piecemeal:

Hindi pwede yan. Kasi kung unti-unti, paano kami mag-deliberate ng budget nang unti-unti? Hindi. Pagka sponsored ang committee report sa floor, buong budget measure yan. Hindi pwede mag-sponsor ang chairman ng committee on finance na piecemeal. O kaya pag submit ng committee report hindi agad-agad na pagdating dito sponsor-an yan, meron pang-2 weeks mag-prepare ng committee report.”

“Remember may mga subcommittees kami. Kami rin pagdating ng printed copy ng HOR version, idi-distribute yan, papadala sa akin ang naka-assign sa aking mga agencies, DND, PDEA, DDB, DICT, and so forth. Pag-aaralan ko yan, ang HOR version, kasi ang tinalakay namin sa subcomittees ang NEP, hindi pa yan ang final. Ang dapat tina-tackle namin ang HOR version kasi doon kami magbabase. Yan ang reference namin. Ang NEP nabago sa HOR version. So pwede bang mag-sponsor ang chairman o mag-report sa floor nang hindi sabay-sabay? Hindi pwede ang piecemeal.”

“Anong assurance namin yan ang final amendments, kasi di pa printed ang HOR version? Di namin alam kung yan ang final kasi di yan ang printed copy. Di yan ang GAB ng HOR, di yan ang HOR version pa. Kung piecemeal di pa approved on third reading yan.”

Hindi pwede yan. Hindi magwo-work. Kasi ang kailangan makita namin ang approved on final reading. Yan ang HOR version of the budget bill. Kung piecemeal di pa approved on third reading yan kasi piecemeal. Paano namin tatalakayin yan? Pag-aaralan namin yan hindi pa pala final yan. At di pa talaga final yan kasi hindi pa yan ang inaprubahan nila as a body.”

Proposal for Special Session:

Hindi naman kailangan ng special session kasi naka-suspend lang kami. Mag-special session kung mag-a-adjourn. So hindi ko alam kung kailangan pa ng special session dahil pwede kami tumawag ng session dahil naka-suspend lang kami. Suspended ang session di kami adjourned on Oct 17. Kami nga tuloy-tuloy maghe-hearing sa CA yan ang napagusapan namin. Anyway suspended lang naman ang session, at pumayag din ang HOR contingent. So hindi kailangan ng special session.”

Proposal to Fast-Track Bicam Meetings:

Yan ang napakahirap ipangako. E kung lululunin namin lahat na insertions, madadali nga, which will not happen. Kasi di namin tatanggapin lahat na makikita namin doon. Of course may amendments na introduced ang Senate. Minsan nagka-clash yan eh. Ang binawasan na nanggaling sa kanila dinagdag sa amendment naman sa Upper House and vice versa. Yan ang minsan pinakamaabala, pinakamabusisi ang bicam kasi diyan nagtatagisan. Disagreeing provisions nga, sa pangalan pa lang, disagreeing. Nagdi-disagree. So ire-reconcile mo lahat yan.”

Lump Sums and Questionable Funds in DPWH:

Yan ang problema. As per our rules, both Houses adhere to the same set of rules. After approval on second reading wala na talagang papasok na amendments. Kasi lahat na interpellation pati amendments papasok yan before approval on 2nd reading. Kaya nagkakaroon ng 3rd reading at may 3 days kung di certified urgent ang bill para makapag-imprenta, ipamahagi sa mga member ng Senate and HOR ang kopya ng approved 2nd reading ng bill. Pag-aralan nila para meron silang idea paano sila boboto on 3rd and final reading.”

Na-experience din natin in the past, panahon ni Speaker GMA, na-approve na nila on 3rd reading, nagpasok pa sila ng amendment. Yan ang unconstitutional. After final reading ng measure, wala na dapat papasok na amendments. Kaya di ba nagkaroon ng controversy noon at veto ni PRRD ang malaking bahagi ng budget noong taon na yan.”

Out of the P666+ billion budget ng DPWH, nasa P532B na ang questionable. E hindi na namin alam ano nangyari sa P396B lump sum kasi yan tinadtad. Wala pa kaming idea as of now kasi yan ang mga although hinabol sa NEP yan, tatama ba yan sa description sa lump sum? Preventive maintenance, primary roads, preventive maintenance, secondary roads, tatama ba ang general description sa addendum na pinadala?”

Based on what we heard, ang NEP doon na nakapasok ang mga proyekto na gusto ng ilang congressmen. E sila mismo nagkakagulo e sila-sila na nga yan. Lalo rito sa Senate, pag nakita namin yan siyempre at nakita naming may mga questionable, kukuwestyunin namin o tatanggalin namin. Doon ang gulo.”

Senate ‘Naipit’ sa Budget Bill?

Ang maipit dito ang mamamayang Pilipino, hindi ang Senate. Kami gagawin namin trabaho namin mag-scrutinize. Pushed back lahat na schedule. Pushed back ang sked ng Senado, ng Presidente, at ng DBM sa pag-aaral ng enrolled bill. Hindi naman pagkadala namin sa Malacanang, it’s not as if in a day or two lalabas ang approval or line-item veto. Remember, scrutinize din nila yan dahil may line-item veto kasi budget measure ito. Normally mga 2-3 weeks bago pirmahan ng Presidente ang measure.”

“Very, very important (for Senate to scrutinize the budget) based on experience. Kasi maraming nai-insert na hindi kanais-nais. Ang bicam nga hindi namin matapos ng 1 linggo.

One thing we can assure, hindi namin mamadaliin to sacrifice ang pag-scrutinize namin. Anyway, maski anong magic gawin namin, siguradong reenacted na ang budget, di na kaya i-approve. So why not gamitin na lang ang time talaga nang sa ganoon mapag-aralan nang husto ang budget?”

There should be close coordination between leaders of the 2 chambers. And of course appropriations committee chair and finance committee chair of the Senate. And the subcommittee chairs should at least even during the early stages of the budget deliberations dapat nag-uusap na. Medyo parang ang mechanism nagsimula na parang nagba-bicam na kumbaga para magkasundo na ano ang mga pwede pag-agree-han ng both houses. Para ang bicam halos formality na lamang. Pero hindi ganoon ang nangyari kasi sila mismo may kanya-kanyang parochial concerns and understandably so dahil districts ang nire-represent nila. Ang problema sometimes siila mismo di nagkakasundo kasi di equitable ang distribution especially ng mga projects. Pagdating dito when we see na hindi katanggap-tanggap ang amendment na ginawa nila kasi alam nating either hindi na-consult ang agencies nan a-implement or alam naming arbitrary or whimisical on the part of some congressmen, sabihin na natin ang malapit sa Speaker, doon nagkakaroon ng complications.”

“That’s a good suggestion (shortening the period of session suspensions or adjusting legislative calendar). Pero ang legislative calendar ina-approve yan at the start of the Congress, ang regular session. Doon pa lang nag-a-agree both Houses ano ang legislative calendar na susundin.”

Reenacted Budget and Effect on Projects for COVID Recovery:

Nangyari yan noong 2019. Ang ginawa ng DBM naglabas ng circular, 2019-1. Nagbigay sila ng guidelines, na lahat naman pwede mapondohan. Naglagay lang sila ng cap, ng parameters. Kunwari ang sweldo, PS, nag-issue pa rin sila ng NCA na huwag lang sila lalampas sa level ng 1 quarter or 25% ng NEP para sa 2019 budget. In this case, para sa 2021 NEP ang naging basehan. Pero pwede pa ring sumuweldo ang employees ng government. Ang MOOE ganoon din 25%. Ang cut ng 12% ang retirement at automatic appropriations, special purpose fund, 12% yan. So umaandar pa rin ang gobyerno unlike in the US pag na-reenact ang budget, tigil ang operation ng gobyerno.”

Ang MOOE nariyan so pwede pa rin mag-disburse. Pwede gamitin ang current fiscal year na budget, in this case 2020 budget, ang last quarter pwede magamit pa rin yan, ie-extend ang gamit noon hanggang first quarter of 2021.”

***

* SPEAKERSHIP ISSUE:

‘Clear Signal’ from President Duterte Needed in Speakership Issue?

“There are discussions we are not privy to kung anong nangyari, sila lang nakakaalam noon. And since nag-broker din naman, hindi dine-deny na nai-broker ng term sharing, I think Malacanang or the President should really come up with a clear signal not necessarily instruction because of course they will refuse to instruct or interfere with the affairs of a co-equal branch of govt. I think mas klaro ang signal mare-resolve ang issue.”

“Kung hindi clear ang binibigay na position ng Malacanang especially the President because after all he’s the leader of the party, so kaya nagkakagulo kasi kanya-kanyang interpretation. So mas maganda once and for all siguro mas maganda i-state anong position ng party leader. Di lang dito nangyayari. Maski sa US di ba, ang choice ng Speaker minsan left to the ruling party. So I don’t think it’s anomalous for the President to really make his position clear kung sino ba talaga ang dapat umupong Speaker, whether it’s Speaker Cayetano or Rep Velasco. Basta klaro lang para maiwasan ang ganyang gulo. Nadadamay ang budget eh. Sayang.”

***

* SEC. DUQUE’s POST at WHO:

Sec. Duque Elected as WHO Regional Committee Chairman for Western Pacific:

Different perspectives. Ang Senate up close nakita namin ang sabhin na nating inefficiency in the performance. Hindi lang itong latest investigation sa PhilHealth pero even before that, nagkaroon ng investigation, nakita namin ang conflict of interest. Nakita namin ang rotting or expired medicines, nakita namin lahat yan. Ang response sa coronavirus, wanting kasi ang contact tracing sa Wuhan couple hindi na-address. So up close nakita namin there’s a need really to change the leadership of the DOH, although ang Presidente iba ang kanyang perspective din. At Iba rin ang perspective ng WHO in electing him sa ganoong position. So kanya-kanyang perspective.”

It doesn’t change (my perception of Sec. Duque). Kasi sabi ko nga up close we observed and based on what we discovered sa mga investigation na ginagawa namin, although I still maintain na ang recent Senate investigation, talagang sabihin ko wala akong nakitang material evidence to file any criminal case vs Sec Duque. Nagkataon ang DOJ-led task force, mismong pinanggalingan ng information that they found evidence to possibly indict Sec Duque. Kino-quote ko ang shared information ni SP based on his very reliable source na nanggagaling sa loob ng task force. And hindi ito kinokontra ni Sec Guevarra dahil sabi nila tuloy-tuloy investigation nila at di pa tapos ang kanilang investigation.”

I don’t know (if Duque can help in WHO). Kasi iba naman ang kanyang job description siguro doon kesa pag-attend niya sa pandemic, and even before nang nagkaroon tayo ng virus. Sa nakita namin kaya kami nag-pass ng resolution signed by the majority of senators calling for his resignation.”

*****