#PINGterview: Walang Pondo para sa COVID-19 Vaccine/Response sa 2021 kung Reenacted ang Budget

In an interview on DZBB/GMA News TV, Sen. Lacson answered questions on:
* effect of reenacted budget on COVID-19 response in 2021
* connection between DPWH lump sums and delay of budget bill in the House of Representatives

QUOTES and NOTES:

Impact of Special Session on 2021 Budget:

Halos nakasisigurado na tayong maipapasa on 3rd reading ang GAB House version by Friday, Oct. 16. So medyo definite yan unless ang mga unknowns mangyari. Pero kung halimbawa magreresolba naman sila, of course this is an internal matter na sila lang pwede mag-resolve, maski pag-usapan ang speakership, siguro ang 1 araw tama na sa kanila yan. So may 3 araw pa rin para maipasa on 3rd reading ang national budget na version nila. So Oct 16. Sapat na oras namin noon. Pag sa susunod na linggo pag sabihin na natin maipadala sa amin last wek of October napakaluwag na sa amin niyan.”

“Siguro pinakamatagal na 1 linggo doon. Sabihin na natin maski ma-stretch ng 2 weeks pero kung maipapasa naman namin ang Senate version bago siguro mga first week of December, hanggang Dec 5, so maluwag pa rin yan para mag-BCC hanggang Dec 19. So sa budget calendar namin na original, Dec 19 nasa Malacanang na, enrolled bill na ang budget. Maluwag na yan.”

COVID-19 Response may be Hampered by Reenacted Budget:

“Especially sa situation natin dahil may COVID-19 na hinaharap. Kapag naantala ang budget at depende kung gaano katagal maantala ang pagpirma ng Pangulo, may mga items na naka-dedicate para sa COVID-19.”

For example, may P2.5B although kulang ito para sa vaccine. Ang mako-cover nito, 3.9M Filipinos. Plano nga namin kasi may pandemya, dapat madagdagan pa yan at ang coverage madagdagan din. Kung walang item sa 2021 budget kasi walang 2021 budget, hindi pwedeng gumastos ang gobyerno ng kaukulang halaga para sa pagbili ng vaccine. Naantala yan. So buhay ang ating pinaguusapan dito. At iba pa ang ibang programa sa COVID-19, lahat yan masasakripisyo kasi walang budget sa 2020 dahil pinasa ito noong 2019, hindi pa natin alam magkakaroon ng COVID-19. So yan isang malaking problema.”

“Maski ang Malacanang, maski si Pangulong Duterte, talagang inaapura niya at nagagalit siya na hindi maipapasa within the year ang 2021 budget. Yan ang pinaka-importansya na maipasa bago mag-yearend.

“Walang items para sa 2021. So naka-float ang 2020 budget kasi reenacted eh. Kung magkano yan, P4.1T, yan ang budget na ilalaan sa 2021. Ang problema walang authorization para gumastos sa items na nakalista para sa 2021.”

Although may remedy ginawa ang DBM diyan. Kasi noong 2019 nag-reenact tayo hanggang February. Ang DBM noon naglabas ng circular letter, 2019-1, at doon nakasaad naman, sabi sa mga ahensya, pwede kayo gumastos, huwag lang kayo lalampas ng 25% doon sa nakalagak para sa NEP. Ang panuntunan lang nila NEP ng 2019. Huwag kayong lalampas ng 25%. At doon as retirement at lahat, ang unprogrammed, sabi ng DBM, huwag kayo lalampas ng 12%. Ang problema dahil may COVID ngayon especially itong situation natin, walang authorization ang executive department na gumasta para sa COVID19-related expenditures. Yan ang problema.”

How Much for COVID Response in P4.5T Budget Bill:

Maraming items especially may regular program ang UHC. Napagusapan natin ito na kapos din kasi P203B ang nilagak pero dapat nasa Tier 2 na tayo at ang requirement doon nasa mga P251B.”

“Status quo situation tayo kung saan P141B plus sabihin natin may 10%. Yan ang situation. Sa PhilHealth naman, may nilagak na P71B, yan ang mga pwedeng maapektuhan. Ang DOH di masyado kasi Office of the Secretary yan pero ang implementing agencies sa ilalim ng DOH malamang yan ang maapektuhan kasi yan ang nasa frontline para sa pagtugon sa COVID-19 problem.”

Infrastructure Budget Higher than COVID Response in 2021 Budget?

Kasi pag sinabi nating budget ng DOH, yan ang DOH proper. Pero pag pinagsama-sama mo, integrate mo yan, malaki yan. Pero tama ang observation ang infrastructure sa Build, Build, Build, mahigit P1T lahat yan, ang magsasagawa nito, DPWH at DoTr. Ang siste nagkaroon ng problema kasi masyadong delayed ang submission ng items. For example sa Monday sa DND budget nakita namin doon may mahigit bilyon din, I think P1 plus billion, na para sa DND AFP ang mga improvement ng mga kampo, pero nakalagak ito sa DPWH. Ang problema, wala ring item doon pero may P8.2B na walang item. So ang pinagsu-submit namin DND pero DPWH yan. Ito ang kasama doon sa sinasabi kong lump sum.”

Originally yan nasa mga P7B na naka-lodge sa budget ng DPWH pero ito nakapatungkol para sa infrastructure program ng AFP DND. Pero walang item yan. Nag-submit ng item ang DBM nadagdagan, naging P8.18B. So ang problema wala namang item. Pinag-submit namin ang DND di sila nag-submit. Sa Monday ito matatalakay. Kaya napakalaki ng pondo ng DPWH pero ito sinasabi kong lump sum na ang halaga P396B naroon lang sa central office.”

Connection between DPWH Lump Sums, Delay of Budget Bill in House?

Kone-konektado yan. Kasi lump sum, kaya na-delay di nasama sa NEP kasi may maraming haggling na nangyari with some legislators. Nang nakapag-submit Sept. 7, ang ginawa ng mga congressmen, sa halip mag-amend sa floor, ipinasok nila sa NEP pero late na nga, Sept 7 kaya nagka-delay-delay. At kung nagpasok na sila sa NEP hindi lahat nasiyahan. So may controversy bakit kami ganito lang bakit kayo P8B, P11B. So doon din nagkagulo-gulo. So lahat yan kone-konektado yan.”

“Kung mapapansin mo, nagpasa sila on 2nd reading, approved on 2nd reading. Para sa kaalaman ng nanonood at nakikinig, sa Senado ang practice namin at sa Kongreso dapat, pag ang bill approved on 2nd reading yun na yun. Nakapasok na lahat na amendment. At ang 3rd reading formality na lang ito, ceremonial ito. Kaya lang may 3-day rule para sa ganoon pag imprenta, hinihingi namin yan eh, in-approve on 2nd reading i-print ito at distribute sa senador para pagboto namin 3rd reading alam namin lahat na pinagusapan sa floor at lahat na in-amend nakapaloob sa ia-approve namin on 3rd reading kasi yan papadala sa bicam at tuloy-tuloy sa Malacanang. So kung may pagkakaiba sa in-approve on 2nd reading at in-approve on 3rd reading malaking problema yan. Ang nangyari sa HOR kaya nagkagulo-gulo at ina-allow nila ito, in-approve on 2nd reading pero may small committee na mag-introduce ng amendments. Yan ang hindi ko maintindihan. Yan ang hindi sang-ayon sa rules namin.”

Plans to Handle P396B Lump Sums and P135B Reappropriated Funds:

Later this week ang committee hearing sa DPWH, ipapa-detalye namin sa kanila yan. Meron kayong P396B na naka-lump sum, anong item ito? Kasi submit nila yan masyadong late na. Aug 25 submitted ang NEP pero nag-submit sila sa Kongreso ng mga listahan, Sept 7 na. E Sept 9 nag-DBCC kami, doon unang napuna yan. Before that may nabanggit kaming lump sum. So yan siguro ang nagbungsod, ewan ko ano dahilan, gusto rin namin malaman bakit late na late sinubmit ang listahan ng items. At lumalabas doon mukhang may pag-uugnayan na ang ibang kongresista sa DPWH kung ano ang mga listahang ilalagay roon. Kaya nagkaroon ng controversy sa HOR mismo, sila-sila nagsasabi na hindi equitable ang distribution ng budget sa mga distrito.”

Funds for SAP in 2021 Budget?

“Yung SAP nasa Bayanihan 1 yan. Tapos na yan pero pwedeng maglagak ng pondo sa ilang programa na related sa SAP, sa DSWD na yan. Pwede maglagay halimbawa wala sa NEP, pwede sa initiative ng mga kongresista at senador, sa mga distrito ng kongresista, ang mga hindi nakatikim ng SAP kasi maraming hindi nabigyan, at lumalabas na maraming nagrereklamo pero may P10B pa palang di pa distributed ng DSWD. So yang mga kakulangan kung saan naka-appropriate, authorization yan. Pero ang SAP kung tutuusin natin, ang amelioration program, tapos na yan sa Bayanihan 1.”

Added Budget for DOH even if Sec. Duque Remains as Secretary:

Maski karamihan ng senador ayaw kay Sec Duque na nariyan, hindi naman namin para isasakripisyo ang health concerns o kapakanan ng ating kababayan pagdating sa kanilang kalusugan. Maski nagrereklamo kami, obligado pa rin kami na dagdagan, ma-augment ang pondo ng DOH.”

Ako mismo hahabulin ko sa medium cost ng UHC implementation. Dapat mapunan ang P250+ billion para sa kasi pag sabi nating medium cost, dapat ang barangay sa 4th to 6th class municipalities ma-cover ng UHC. Sa third, mas malaki pa yan, dapat lahat na barangays covered. Pero delayed na delayed na tayo sa implementation ng UHC kasi naipasa ito I think Feb 2019. Hanggang ngayon di pa tayo graduate sa low-cost, nasa P100+ billion pa lang tayo. Maski 1 taon dinagdagan ng senador yan parang P7B ang dinagdag na pondo ryan dinagdagan namin pati sina Sen Recto at Drilon para maka-comply sa batas. Kasi pinasa natin ang UHC tapos hindi natin pinopondohan. Para ano nagpapasa tayo ng batas kung wala namang pondo?”

Message to Public: Stay Vigilant vs Abuses, Irregularities in Budget:

Ang panawagan sa kababayan natin kasi sila naman ang nasa distrito, bantayin ang pondong umaagos sa distrito at mag-report sila kung meron silang nakitang misuse o pag-abuso sa paggamit ng pondo. After all ito ang nanggaling sa buwis na binabayaran nila. Lahat tayo hagip ng buwis. Bumili ka sa grocery hagip ka ng 12% VAT. Ang mag-file ng income tax hagip din ng tax. So responsibilidad ng ating mga kababayan na bantayan ang national budget. Palagi kong sinasabi na lifeblood ito ng ating ekonomiya pati ng ating bansa.”

*****